Malalim ang pinanghuhugutan, saksakan ng ganda.
Char.
Hi. Ako nga pala si Maria Kathleen Faderao Belgikera, a.k.a Aileen the Hugot Queen.
20 years old, guidance counselor in the making. Haha. Di man kapani-paniwala, pero AB Psychology ang kinuha kong course kasi gusto kong maging guidance counselor sa isang school. Yun daw kasi yung bagay sa tulad kong mga hugotera.
Pero lingid sa kaalaman ng lahat, certified NBSB ako. Mahilig lang talaga akong humugot, pero wala naman talagang ihuhugot. Nakikiuso lang. Pero mukhang successful dahil naibigay na sa akin ang titulong "Hugot Queen" eh.
Akala mo meron, akala mo totoo na, pero wala pala talaga. -Lovelife
_________________________________
AUTHOR'S NOTE
Ang mga karakter at pangyayari sa kuwentong ito ay kathang isip lamang. Alinmang pagkakatulad sa mga tao o kaganapan sa totoong buhay ay hindi sinasadya.
Sana suporthan niyo itong first book ko na talaga. XP