Ako nga pala si Peter, 11 years old ako nung lumipat ako sa America. Hindi nag-meet ang expectations ko nung nakarating ako dito. Mahirap ang buhay, pero maraming opportunities. Would love also be a part of it, or am I just delusional?
Simple lang naman ang buhay ko, lumaki sa masayang pamilya na may takot sa Diyos. Masaya din naman ang mga araw ng kabataan ko nung hinde pa uso ang mga gadgets. Mga araw na naglalaro ng patintero, luksong-baka, chinese garter, at tumbang preso. At yung mga araw na nagtatawanan, nagtutuksuhan, nagkakapikunan pero sa huli nagdadamayan padin. Nagbago and lahat ng ito nung nalaman ko na kailangan kong iwan ang buhay ko sa pinas. Na sa isang iglap ay ala-ala nalang pala ang lahat ng nangyari.
September 5, 2013: Oras na. Oras na para mag-paalam sa mga taong maiiwanan ko sa Pinas. Mahirap isipin na lahat ng mga aming pinagdaanan ay magiging isa nalang mang magandang ala-ala. Ngunit kahit ito'y mahirap, kailangan mong tanggapin at tiisin ang mga desisyon sa buhay. Pero, kahit anong pagsubok ang kailangan mong harapin, sa bandang huli mo makikita ang mga tunay na karamay mo sa buhay.
September 5, 2013; 9:13 pm - Pag apak ko sa America, alam ko na magbabago ang buhay ko. Hinde nag-meet yung mga expectations ko. Akala ko may naglalarong mga bata sa kalsada, naliligo sa ulan, maraming tao sa mall, puro malalaking buildings pero yun pala napapaligiran lang ako ng mga bulubundukin. Wala na ding tambay sa kalye, mga tricycle na maiingay, mga naglalako ng balot at pandesal, at higit sa lahat tahimik ang mga daan. Lahat ng iyun ay hinahanap-hanap ko nung unang dating ko dito sa America.
September 13, 2013: Lumipas ang mga ilang araw, homesick padin ako. Maya't-maya ako tumatawag sa Pinas dahil hinahanap-hanap ko ang mga kaibigan at mga kapamilya ko duon. Ginugol ko lahat ng mga oras ko sa school at sa church activities para mawala ang aking lungkot. Wala talagang makakakatalo at makakatumbas sa saya ng Pinas.
September 22, 2013: It was Sunday morning. Meron kaming worship service, may-nakita akong group ng kabataan, mga kasing idaran ko, they approached me and gave their greetings to me since bago ako sa lugar namin. Pero, may isang babae na nag-standout sa mga mata ko. Nung nagkatinginan kami, nakita ko ang numiningning niyang mga mata. Pala bati siya sa mga tao, from my perspecitive she is a very humble person. Hinde siya masyado matangkad, naka red siya, curly ang hair, maganda yung smile niya. For short, maganda siya. Hinde ko alam ang pangalan niya pero alam ko na malalaman ko din iyon.
October 18, 2013: Nasa birthday party kami at meron kaming church activity kinabukasan, syempre bago pa ako wala pa akong masyadong kakilala kaya umupo muna ako at may parent na nag-imbita sa akin maki-ride sa kanila since madaling-araw ang aming biyahe. Duon nadin ako sa kanilang bahay nakitulog kase maaga pa ang aming alis. Pero, hinde ko inaakala na sa bahay na yun ay duon nakatira ang babae na nakita ko sa church. Syempre, natuwa ako pero hinde ko mai-explain yung feeling na nadama ko. Nahihiya akong kausapin siya pero tinanong ko yung pangalan niya. Tinawag na kami ng mommy niya for Dinner kaya hinde kami masyado nakapagusap. After nung Dinner, tinanong niya ako kung kailan ako dumating dito sa America. Tulala naman ako kase sino bang hinde matutulala sa ganda niya? But, it's already getting late kaya nag-paaalam na siya para matulog. Pero hinde siya matanggal-tangal sa isip ko, hinde ko akalain na sa isang iglap ay mafa-fall na ako sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Fate?
RomanceIs love truly fate or it is really just a one big coincidence? A Filipino Love Story Where "Fate/Coincidence" Battles Each Other For Love! Story Written By: Patrick Serrano