Chapter 65: Over. [Last Chapter]

74 6 0
                                    

Chapter 65

//

"Oh Rinne anong paguusapan natin?" sabi ni Junella. Nasa loob sila ng Cr sa mall ngayon. Ito yung araw na nagmall sila para magbonding.

"T-tungkol to kay Louie.." nakayukong sabi ni Corinne

"Bakit?" tanong ni Junella habang nakatingin ng deretso kay Corinne. Tumango si Corinne para pantay sila

"Itigil mo na yang kung plano mo." nanlaki ang mata ni Junella

"Corinne, ito na naman ba? Ilang beses na natin to pinaguusapan.." tanong ni Junella. Napangiwi si Corinne

"Pero mali yang pinaplano mo! Mali na paasahin at saktan si Louie!" nagtaas na ng boses si Corinne

"Pero mali din yung mga ginawa niya! Pinaasa at sinaktan na din niya ang maraming babae noon! At ako? Pinahiya niya ako sa harap ng madaming tao! Hindi niya alam kung gaano ako naapektuhan sa mga sinasabi ng ate niya! Lalo na ni Nicole. Hindi niya alam kung gaano kasakit lahat ng mga pinaggagawa sakin nun!"

"Pero hindi mo din alam kung gaano kasakit pagnalaman niya na niloloko mo lang siya! Hindi ba't parang naging ikaw na din siya?"

"Ano ba corinne! Diba dati sangayon ka dito? Ikaw nga ang nagconvince sakin na magbago! Ikaw ang nagsabi na hindi dapat ako magpakaloser!"

"Pero dati yun! At sobrang nagalit lang talaga ako sa ginawa ni Shenneri sayo!" napapapikit na si Corinne sa frustrations. Mabuti na lang at wala masyadong nakakapansin sa ka ila

"Pero Corinne, niloloko lang din ako ni Louie! Sigurado ako dun." protesta ni Junella

"Hindi ka niya niloloko! Matagal ka ng nililigawan diba? Hindi pa ba sapat ang mga effort niya? Tapos ano? Pag sinagot mo siya lokokohin mo pa din?"

"Hindi. Kasi alam ko na laruan lang ako! Nilalaro lang niya ako. Kaya sige. Lalaruin ko din siya. Maglaro tayo sa larong to hangga't sa hindi pa natatalo yung isa--" sa pagsabi ni Junella nun, nakatanggap siya ng isang sampal mula kay Corinne

"Junella! Magising ka nga sa katotohanan! Hindi laro to! Hindi laro ang love! Nakikita ko kay Louie na mahal ka niya! Na seryoso siya! Kaya for pete's sake tigilan mo na yang pangloloko ko sa kanya!" inis na sabi ni Corinne. Nagsimula ng magluha si Junella

"Hindi mo alam Corinne! H-hindi ikaw ang kasama ni Louie araw araw! Napapansin ko na may katext siya! At kaninang umaga? Nakita ko sila ni Nicole! Nakangiti siya kay Nicole at nakahawak si Nicole sa leeg niya. Nakahawak naman siya sa bewang ni Nicole! Ano? Tapos madami pa akong napapansin! Parati niya ineentertain ang mga babae sa paligid niya! I saw him talking nung nasa gym! And nung binibining kingston? He can choose na tumanggi maging judge! But he stood still. Madami pa Corinne! Madami pa!" napapikit uli si Corinne

"P-peo hindi pa ba sapat yung mga pinapakita niya sayo? Alam mo Junella... onti na lang talaga. Onti na lang at maniniwala na akong malandi ka talaga!" sa pagsabi nun ni Corinne, sinampal naman siya ni Junella

"Akala ko ba bestfriend mo ko?! Bakit mo ko sinasabihan niyan? H-hindi mo alam tong nararamdaman ko! Wala ka sa posisyon ko Corinne!"

"Oo wala! At kung nasa posisyon mo ako, mas pipiliin kong tumigil na! Ayoko makasakit ng tao Junella. Pinapakita mo na loser ka talaga sa ginagawa mo." naiyak na si Junella

"Ano ba Corinne?! Kaibigan na talaga kita?! Palibhasa wala ka sa posisyon ko! Hindi mo alam nararamdaman ko tuwing sinasabihan ako ng loser! Alam mo ba kung bakit ako lumipat? Dahil binubully ako! Sobrang daming nagtatawag sakin ng loser! Kaya alam mo, karapat dapat lang si Louie na lokohin at saktan! Dapat niyang maramdaman yung mga pananakit na ginawa niya sa madaming babae'!"

L and J [Loser and Jerk] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon