U N A

13 0 0
                                    

Hello! So I've got many stories in my head that I've been wanting to share to all of you because I feel like, I should write it or I will never ever remember what is it.

📖

Andiyan na siya. Naglalakad papunta sa akin.

He is smiling from ear to ear. Napakatamis na ngiti na galing sa matamis niyang mukha.

50 steps... 59 steps... 58... 57... Oo. Bilang ko ang mga hakbang na tinatahak niya papunta sa kung saan ako naroon. Araw-araw, kada ganitong oras siya pumupunta sa akin.

39... 38... At araw araw, kada parating na siya, ay ganito ang aking nararamdaman. Kumakabog ang aking dibdib na parang may dagang gustong kumawala dito. Hindi ko maintindihan kung ako ba ay natatae o masakit lang talaga ang aking tiyan. At akoy nanlalamig na napakainit na... hay, ewan!

"Hi, Hun. Kamustang araw mo? Tara na!" sambit niya. Napatungo ako at napangiti ako. Tama. Kinikilig ako.

"Ba't ngayon ka lang?! Natunaw na yung ice cream ko oh! Kunin mo ang bag ko!" pagalit na sabi ng kanyang kasintahan.

"Ikaw talaga napakamainip. I love you." oo napakasarap sanang pakingan ang mga katagang kanyang sinambit kung sa para sa akin sana ang mga salitang iyon. Ngunit hindi.

Siya si Tristan. Ako si Maria Helena. Napakakisig, bagay sa kanyang pangalan. Ako naman ay napakapangit, bagay sa aking pangalan na masagwa. Siya ay captain ng varsity ng basketball sa aming paaralan. Habang ako naman ay nagpapart-time lamang dito sa Ice Cream Parlour na paborito ng kanyang kasintahan. Ang kanyang kasintahan naman ay anak ng mayor ng aming lugar, mataas, maganda at model ng isang brand ng pabango na hindi ko gusto ang amoy. Habang ako naman ay andito, serbedora ng kanyang ice cream.

"Hun, hindi ko pa pala nababayaran si Ugly." ako iyon. Ako si ugly. May braces at malaking salamin, buhok na napakabuhaghag kahit dinaanan na ng suklay at mukhang walang paglagyan ng tagyawat... sapagkat puno ha. Hay buhay.

"Hi Lena. Eto pala ang bayad ni Trix. Sorry sa pagkamaldita niya." oo. Iyan lamang ang consolation ko sa aking pagkahibang sa kanya. Ang isang linyang kanyang sinasabi sa akin sa tuwing magbabayad na.

At umalis na sila. Narinig ko pa nga ang komento ni Trixie sa patungkol akin "She is so ugly. Ugh."

_________________________________________________________

Andito ako ngayon sa labas ng classroom ni Tristan. At ibibigay ko sa kaniya ang sulat na noong una ko palang siyang makita ay aking nagawa. Wala si Trixie dahil may photoshoot at pupuntahan siya ni Tristan. Alam ko na itong gagawin ko ay isang malaking pagkakamali ngunit, kailangan ko itong gawin.

Kung sasabihin niya na gusto niya rin ako, isang malaki at magandang balita ngunit kung hindi naman ay okay lang. Naihanda ko na ang aking sarili sa sakit na akong mararamdaman.

Andito na siya.

"Hi Tristan."

"O, Helena andito ka pala." Napapikit ako ng sabitin niya ang aking pangalan. Sapagkat kahit masagwa ay nagtutunog maganda kapag siya na ang bumigkas. "Anong maitutulong ko?"

Nakakahiya, ang kanyang mga team mates ay nandito at hinihintay siya. Ngunit, isang beses lang ito. Aja, Helena!

Itinaas ko ang dalawang kamay ko papunta sa mukha niya at ipinakita ang sulat. "Gusto kita, noon pa lang! Ito'y sulat ko para sa iyo! Gusto kong malaman mo na ikaw ang dahilan kung bakit ako narito!" sinabi ko iyon ng malakas. Upang kanyang marinig ngunit dahil sa nahihiya ako ay ang aking sapatos ang aking tinignan kahit na gusto kong makita ang kanyang mukha.

Then his team mates started to laugh. Unti-unti kong tinignan ang kanyang mukha na parang namimilipit - namimilipit dahil gusto ring tumawa. At hindi naman ako pinalaking manhid ng aking inay at tatay para hindi ko malaman ang reaksyon niya. Natatawa siya.

Tumakbo ako palayo. Palayo kung saan hindi ko na maririnig ang kanyang tawa. Ang minsang matamis na tawa na ngayon para sa akin ay isa nang tawa ng demonyo. Akala ko ay ako ay handa na. Handa na sa sakit ng mga bibitawan niyang salita. Nag ensayo pa nga ako ng aking sasabihin kung hindi niya tatanggapin. Ngunit, hindi pala ganun kadali. Ganun pala kasakit. Napakasakit.

_________________________________________________________

Andito na siya. Nakita ko na siya. Akala ko hindi ko na siya makikita. Look at her. Napakaganda na. Ang kanyang mga mata na noon ay tinatabunan ng napakalaking salamin ay kumikislapkislap ngayon sa mga kausap niya. Ang laking pagbabago ang nangyari na sa kanya ngayon. At nasasabik akong siya ay makausap, makasama, makatawa, mahalikan at masabi sa kanyang siya pa rin. Siya naman talaga. Noon, ngayon at siguro ay magpakailan pa man.

Naaalala ko pa noong binigay niya sa akin ang sulat. Pinagtawanan siya ng aking mga kaibigan. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa kanya. Oo, ako ay natuwa nang sinabi niya sa akin iyon. Ngunit pinigilan ko ang ngiti noon. Ang plano ko sana ay sorpresahin siya noong uwian, ngunit hindi siya nagpakita. Hinintay ko siya, ngunit hindi ko na siya nakita pa. Tinanong ko siya sa kanyang pinatatrabahuan at doon ko nalaman na sa pumunta siya ng London, at doon nagpatuloy ng pag-aaral. Hindi pala siya serbedora ngunit isang tagapagmana.

Ngayong nakita ko na siya, maalala pa kaya niya? Na ako yung lalaking binigyan nya ng sulat na naglalaman ng kanyang mga saloobin? Na hindi ko pa nasasabi sa kanya ang gusto kong sabihin? Maalala pa kaya niya kung ganitong may kayakap na siyang iba?

_________________________________________________________


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buwan at ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon