EPILOGUE

127 6 1
                                    

Epilogue.

Maraming maraming salamat kung narating mo man itong part na to. Kahit hindi famous ang story eh nagtake time ka pa din para basahin. Thanks

//

Junella's POV.

"Tss. Ang kapal naman talaga ng mukha niya na magpakita pa sa school na to."

"Ang kapal talaga ng mukha!"

"Bwisit na loser to. Manlokoko! Mangagamit!"

"Gold digger!"

"Sayang. Crush ko pa naman sana si Junella kaso manloloko pala."

"Manlokokong loser!"

"Yuck manlokoko."

"Ew! Grabe ang swerte na nga niya kay Louie tapos gaganunin lang niya?! Wala siyang awa!"

"Tss dapat hindi na hinahayaan pumasok sa schook ang mga malalandi eh."

Yumuko na lang ako sa sobrang hiya. Sobrang sakit din. Araw araw ganito. Lumipas na ang mahigit 2 Weeks simula ng nangyari yun. Last week  na ng February.  At hanggang ngayon, ganito pa din ang scenario.

"Junella. Stay strong please. Wag na wag kang magpapaapekto sa kanila okay?" payo sakin ni Corinne. Tumango na lang ako. Siya na yung katabi ko sa classroom ngayon. Lumipat ng upuan si Xander at Louie.

Masyadong masakit. Masakit na pati si Xander at Kean nawala sakin. Hindi man kami super close, naging kaibigan ko din sila. Mabuti nga at si Drake ay hindi galit sakin.

Tuwing recess and lunch naman, hindi ako kumakain. Katulad ngayon.

"Junella! Ano baang ginagawa mo sa sarili mo? Kumain ka na nga." sabi ni Corinne pero tulala lang ako at umiling. Nakita ko si Louie na papasok ng caf kasama si Xander at Kean. Sobrang lamig na niya. Sobrang lamig ng mga titig.

Hindi ko na kinaya. Tumayo ako sa table namin at lumapit kay Louie. Niyakap ko siya habang humahagulgol ako.

"L-louie please.. bumalik ka na sakin oh..." mangiyak ngiyak kong sabi. Kaso ano pa nga ba? Tinulak na naman niya ako

"Stay away from me you gross Gold digger. Gross." malamig niyang sabi at umalis na. Naiwan si Xander at Kean dun na nakatingin sakin na umiiyak na nakaupo sa sahig. Hindi ko alam kung naaawa ba sila sakin o ano. Pero iniwan din nila ako.

Napahagulgol na lang ako dun sa sahig. Naramdaman kong lumapit si Corinne. "Junella..." sabi niya at tinayo ako tapos niyakap niya ako.

Shit lang. Ang sakit sakit. Sobrang sakit na kaya niya akong makitang ganito. Umiiyak. Nagmamakaawa sa kanya na balikan niya ako. Pero kasalanan ko naman. Kasalanan ko lahat. Kaya dapat lang sakin to.

"Junella maawa ka naman sa sarili mo. Maawa ka na din sa mommy mo parati na lang nagaalala sayo." naalala ko nung nalaman ni mama na break na kami, pinagalitan pa niya ako dahil anong kalokohan  daw ang mga pinaggagawa ko.

Pero ngayon concern na concern siya dahil ilang araw na akong hindi kumakain.

"Ang sakit Corinne.. sobrang sakit." nakapikit kongsabi habang nakasubsob sa balikat ni Corinne. Tinap naman niya ang balikat ko.

Nandito kami sa hallway ni Corinne naglalakad. Napayuko ako ng makasalubong namin si Nicole. Galit na galit siyang sinugod ako at nagulat na lang ako ng biglang tumama ang palad niya na malakas sa mukha ko.

"You loser! Kasalanan mo to! Kasalanan mo kung bakit nasasaktan si Louie! Kasalanan mo lahat!" sabi niya at inangat ang mukha ko.

"Batuhin niyo na yang dalawang loser na yan!" rinig kong sabi ni Victoria at naramdaman ko na lang ang malapit na kulay dilaw na tumama sa mukha ko. Great. Binabato nila kami ni corinne ng itlog

L and J [Loser and Jerk] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon