"#Hashtag" (Short Love Story)

1.7K 70 17
                                    

Karamihan sa mga tao sa kasalukuyang panahon, puro na lang yan internet. Hindi na nagsawa at puro na lang upload sa Facebook, update ng status, post sa Tumblr, selfie sa Instagram at walang kasawa-sawang pagsunod sa 'trending' sa Twitter... Parang ako lang!

Sa ngayon, 'trending' sa Twitter ang #MentionSomeoneBeautiful.
Siyempre, hindi naman ako magpapahuli sa 'trending' kaya mag uupdate ako!

" #MentionSomeoneBeautiful @itsyourBestie Hihi!:> "

Si Bestie Leah, best friend ko 'yan ever since talaga.
Kaya sabihin man ng lahat ng tao sa mundo na pangit siya..
..Siya ang pinakamagandang nilalang na kilala ko.
Pero hindi naman ako tomboy, noh! Sobrang ganda lang talaga niya. :)
Nag reply na siya! :)

" Ikaw kaya yun, @bunnyboo! RT "#MentionSomeoneBeautiful @itsyourBestie Hihi!:>" "

Hay nako. Sabi na eh. Itong best friend ko kasi na 'to is veryyyyy humble.
Parehas kami nito eh. Hindi kami kailanman umamin na maganda kami pareho. Gusto talaga namin na hihigit yung isa kaysa dun sa isa kasi ganun yung paningin ng pareho. Ang gulo noh? XD

Maya-maya, may bagong trending naman! #MentionYourCrush o.O
Parang nahihiya na ako this time kasi alam ko namang hindi ako magugustuhan ng crush ko mas lalo na kung malaman niya! Hmm.. Wala naman yata siyang Twitter.. At hindi pwedeng hindi ako sumunod sa trending noh! Here it goes..

" #MentionYourCrush Joshua Lou Tividad :"""> <3 "

LOG OUT.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kinabukasan, ang daming nag- 'retweet' ng post ko! O_O
Ang dami ding nag- reply sa pinost ko tungkol dun sa #MentionYourCrush!
Eto yung iilan sa mga nag reply..

" @bunnyboo WEH? Talaga???? YIIIIE. "

" @bunnyboo <3 @imJoshLou "

" Alam nuuuhhhhh. <3 @bunnyboo @imJoshLou "

" @imJoshLou CONGRATS, BRAD. :D @bunnyboo "

Sobrang nahiya ako kaya agad-agad, pinuntahan ko yung profile ni Josh para tignan ko kung nag- post na ba siya about this or kahit nag update man lang siya just in case binalewala lang niya yung mga nag mention na yun pero wala. Nakonsensya ako kaya nag tweet ako sa kanya.

" @imJoshLou SORRY. SORRY. SORRY. T_T "

LOG OUT.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

One new follower. 10 favorited your tweet. 6 retweeted your post.
Okay pa yung mga yun eh. Hindi pa ako kinabahan sa mga yon.
Ang nakakakaba talaga na nakita ko pagka- online ko sa Twitter is this:

@imJoshLou replied to your post!

PATAY. LOG OUT.

Hindi ko na naisip na tignan. Masyado akong nagulat.
Wala eh. Ayoko lang talaga makita kung ano nga ba naging reaction niya.
Hmm.. Bahala na nga..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

" Best! Nakita mo na ba tweet ni Joshua???? "
Biglang nag- text sa'kin si Bestie Leah. Ano nga ba tinweet ni Josh?

" Hindi pa. Ano ba yun? "

" Basta, TIGNAN MO! DALI NA!!! "

" Ang atat naman. T3T Sigi na nga.. "

Binuksan ko yung Twitter ko.
Nasa 'Connect' ko pa rin yung '@imJoshLou replied to your post!'
Clinick ko.

LOADING...

Unti-unting bumukas yung page.
Nagulat ako sa nakita ko. Pero hindi ako masyadong umasa. :3

" #MentionSomeoneBeautiful @bunnyboo ;) "

" Ano naman meron dun, best? " tinext ko ulit si Bestie Leah.

" HA???? HINDI KA MAN LANG KINILIG??? "

" #MentionSomeoneBeautiful lang naman yun ihh. "

" WHAT? Hindi yuuuuun! Iba sinasabi ko! "

" Ha? Ano ba sinasabi mo? "

" Wait lang.. Send ko sayo yung link sa Twitter.. "

Nakuha ko na yung link. Clinick ko.
Kaya pala wala sa 'Connect' ko! Hindi naman ako naka- mention!

" #MentionYourCrush Angelique Marie Loyzaga. I love you. "

&quot;#Hashtag&quot; (Short Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon