"Ch..Christian??"
"Oh? Bakit ngumangawa ka diyan?
Dinidiligan mo yung lupa?
Nasan yung mga kasama mo? Iniwan ka noh?
Yan kase.. tingnan mo nga yang itsura mo. Andumi. Nagapaka-Sisa ka na ngayon? Good for you."
Kinuha ni Christian ang panyo niya sa at binasa sa may batis bago ipunas sa mukha ni Kylie.
Natulala lang si Kylie habang ginagawa iyon ng kaharap.
Nanatili lang siyang walang imik at nakatingin dito..Napatigil din siya sa pag-iyak..
"ANO bang ginagawa mo dito? Hinahanap mo na naman mga anak mo? Tsaka ano bang iniisip mo? Bakit nawala ka? Ayos mga kasama mo ah, di ka hinanap. Gasgas-gasgas pa yang binti mo. Kamay mo? Mamaya isipin pa nilang pinagsamantalahan kita. Kakahiya naman sayo."utos ni Christian pero hindi naman siya sinunod ng katabi.
Tinititigan lang talaga siya ni Kylie at kahit hindi siya dito nakatingin,ramdam niya yon.
Kaya siya nalang mismo ang kumuha sa kamay nito saka pinunasan pati braso niya.
"Ano? Tititig ka lang diyan? Di ka magsasalita?"
............
.................
.......................
................................
*Snap*
..................
..........................
................................
Doon lang napapitlag si Kylie nang mag-snap na si Christian sa harapan niya. Sa wakas nagising na..
"K..kasi .... ano.. na.."
"Paayos ng salita pwede??"
"K..kasi..ka.."
for some unknown reason, bigla na namang tumulo ang mga luha sa mukha ni Kylie..
nagulat na nagtaka naman si Christian dito.. nakakunot na talaga ang noo niya sa itsura ng kaharap..
"Ano.. kasi.. (Halos di na maituloy ni Kylie ang sasabihin dahil sinisinok sinok na rin sya.. nauunahan siya ng iyak..)Ch..CHRISTIAN!!!!"
Nagulat na lang si Christian nang bigla siyang yakapin nito saka umiyak na ng umiyak.. nanginginig pa.. napaupo tuloy siya sa lupa.
"T..teka ano ba? Bitaw nga."
Pero lalo lang humigpit ang yakap ni Kylie sa kanya.
Halos humagulgol na talaga sa pag-iyak.. base on her actions, halata ni Christian na kanina pa siya natatakot..
"Takot na takot ako Christian. Nawala ako sa mga kagrupo ko. Sigaw ako ng sigaw pero walang nakakarinig. Tumakbo ako ng mabilis pero wala pa rin.. Ilang beses akong nadapap..pero di ko pinansin..kasi natatakot na talaga ako.. tinawag ko sina kuya pero..pero..wala..wa..lang nakakarinig!! Kung hindi lang ako nagpadala sa tigas ng ulo .. tapos.. t..tapos yung kwento pa sa multo.."
"Shhh..Di totoo yun.."
Mahinahong sabi niya dito pero wala eh..nanginginig talaga.
"Akala ko.. akala ko susugurin niyo 'ko tapos.. napunta ako dito.. natatakot talaga ako! Di ko na talaga kaya pero..pero.. Christian!! Buti nalang nandito ka na..."
Hindi na maawat sa pag-iyak si Kylie. Pinili na lang din ni Christian hayaan itong yakapin siya. Alam niya ang nararamdaman nito. Aasarin nalang sana niya kaso naawa siya sa kalagayan ni Kylie eh.. idagdag pang ayaw na ayaw niya ng mga ganitong scenarios..
BINABASA MO ANG
Fight At First Love?!
HumorI hate fools, They are more innocent than anything. I hate nice, They’re too vulnerable to be hurt. I hate innocents, It makes me mad if someone makes fun of them. And I hate her, For she wakes up my protective instinct that I have buried long time...