6 (Keroro)

4 1 0
                                    


Iris

Biglaan akong bumangon at tiningnan nang masama si Hoon. "Ano bang pinaggagawa mo?!" Napadako naman ang tingin ko sa hinahawakan niya, isang stuff toy. Maliit na stuff toy.

Keroro.

Winagayway niya naman yung Keroro malapit sa mukha ko. "Senpai, hinalikan mo na yung palakang si Keroro. At heto na ako." Ngumisi naman siya, "Kaya ngayon pwede mo na kong halikan. Kahit sa pisnge. Pwede ring sa labi na lang,"

"Hoon," kalma kong tawag sa kanya.

"Bakit?"

"Gusto mo bang mamatay?" Singhal ko sa kanya. "HUH?! GUSTO MO BANG MAMATAY?!"

"Kung ikaw ang papatay sa akin," ngumiti lang siya at kinuha ang kamay ko at binigay sa akin si Keroro. "Ayos lang."

Nakakainis tong baklang to.

Sinimangutan ko lang siya at humiga ulit.

"Bakit? Gusto mo bang halikan talaga kita?"

Bigla naman akong namula sa sinabi niya kaya bumangon ulit ako sa pagkakahiga at hinampas siya. Aalis na sana ako nang hinugot niya ang kamay ko. Nabigla ako when he encircled his arm around my waist at hinalikan ako. Ewan ko ba.

Naiinis ako sa kanya pero di ko alam kung bakit di ko siya maitulak. His mouth was moving at ginaya ko na lang yung pace niya. Napasabunot ako sa ulo niya nang pinasok niya yung dila niya pero di siya tumigil at mas diniinan at ginalingan ang paghalik.

Unti unti niya akong napahiga sa kama at siya ang nakapatong sa akin. Humiwalay siya sa paghalik, "Ang sarap ng labi mo senpai."

"Ang bastos mo talaga,"

"Tama ka."

Itinaas baba niya na naman yung kilay niya at nabigla ako nang may parang tumutusok sa may tiyan ko.

"My god! Ikaw talaga--!" singhal ko sa kanya. "Tabi ka nga!"

"Ayoko."

"Tabi."

"Ayaw."

Tiningnan ko na lang siya nang maigi. Tae talaga tong taeng to. Ewan ko ba kung bakit pumapalag siy sa akin ngayon. Baka siguro dahil nahalikan niya na ako nang todo.

Teka.

Ba't ko nga pala siyang hinayaan na molestiyahin ako?

Aba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never Don't Mind About A Thing!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon