CAST
Azelle Villafuerte
Raizen Del CastilloAzelle's POV
"Hoy Aze! Nakatulala ka na naman" Ayy!" Nyeta naman oh! "Wala! Nagtataka lang ako, bakit mas pinili ni Peter si Wendy habang si Tinkerbell ang nasa tabi niya palagi?" Nagtataka kong tanong kay Bespren. "Ano ka ba?! Wag mo na ngang isipin yan. Mas mabuti pa tulungan mo muna ako kay Vanessa." Ouch! Ang sakit mga bhe! Oo, may gusto ako kay Bespren pero may gusto siyang iba. Haaaaay! Saklap.
Teka, teka hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo, ako nga pala si Azelle Villafuerte at oo, may gusto ako kay Raizen Del Castillo ang aking dakilang manhid na bespren. Saklap lang eh noh?! May gusto ako sa kanya pero may gusto siyang iba. Bigti na dis. Pero syempre JOKE lang!
"Hoy natulala ka na naman" Ani niya habang winave yung kamay niya sa mukha ko. "Sorry naman, may naaalala lang." Pagsisinungaling ko. Alangan naman na sabihin kong iniisip ko siya. Diba?! "Basta tulungan mo ko kay Vanessa ha." Sabi niya. Haaaay! Ang manhid niya talaga. Tsk, tsk, tsk. "O-oo na" sabi ko na lang. "Oh sha kailangan ko ng umuwi." Pagpapaalam niya. "Oh sige ako rin, babye!" Sabi ko nalang kahit hindi ko pa gustong imuwi. Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno, sa usual na pwesto naming dalawa. Haaaay! Nakakaiyak.
--------------------
Azelle's POV"Ano nang dapat kong gawin?" Tanong niya sa akin. "Ah..eh..G-ganito gawin mo. Una bigyan mo siya ng bulaklak at tsokolate tapos gumawa ka ng letters na gawa sa sticky notes, ilagay mo dun kung anong nagustuhan mo sa kanya." Shet lang. Nasabi ko kung anong gusto kong way na panliligaw. Huta! Eh sa wala na akong maisip eh kasi sa totoo nyan ayaw ko talaga siyang tulungan, masakit eh!"Ang galing mo talaga BESPREN!" Sabi niya. Alam ko naman na wala akong pag-asa sa kanya, pero bakit ba kailangan niyang ipamukha sakin na hanggang dun lang talaga kami?! "Alam ko yun, kaya mo nga ako naging BESPREN eh!" Pagpapalusot ko at nginitian na lang siya. "Teka, kailan mo ba balak gawin yan?" Tanong ko pagiiba ko ng topic. "Uhmm baka bukas na." Sagot niya habang nakangisi. "Uhmm sige una nako ha."
"Oh sige ako rin gagawa pa ako ng ipapagawa mo sakin." Sabi niya.--------------------
Azelle's POV
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway papunta sa room nang biglang may yumakap sakin mula sa likod, pagtingin ko si Raizen pala. Shet! Namumula na ata ako. "I love you na talaga Aze! I love you na talaga BESPREN!" Shet yun na yun eh! Akala ko yun na eh kaso yung word na BESPREN umepal eh. "Ah! Ha? Ah..eh b-baket?" Tanong ko. "Dahil sinagot na ako ni Vanessa." Sagot niya na humihiwalay na sa pagkakayakap sa akin. Shet gusto ko ng umiyak!"Ah...c-congrats s-sa i-inyong d-dalawa." Pagsisinungaling ko at lumakad na.
Wala na talaga akong pag-asa. Haaay saklap! Nasabi ko sa sarili ko na naiiyak na. Sinagot na pala siya kahapon at ngayon lang niya sinabi. Kaya pala ang lapad ng ngiti niya kahapon. Hindi ko naman siya matanong kasi busy talaga ako.
--------------------
Azelle's POV
Ilang buwan na rin yata ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapagmove-on kasi naman...ewan ko lang trip ko lang ata na masaktan ng paulit-ulit.
*kring~kring~kring~*
Ayy bwisit kita ng nag-eemote ako dito eh! Sino ba kasi tong tumatawag?
Pagtingin ko sa caller ID...boom si Bespren pala. Shemay!
"H-hello?"
"Azelle? Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya na ikinagulat ko naman kasi tinawag niya ako sa totoo kong pangalan at yung boses niya ay parang anytime ay iiyak na siya.
Hay! Eto na naman ako nagpapakatanga.
"Saan ka ngayon? Pupuntahan kita.""Nasa dati nating tagpuan."
--------------------
Azelle's POV
"Raizen uyy! Anong problema? Bakit ka naiiyak?" Tanong ko sa kanya. "Aze, sinaktan niya ako. Nakita ko siyang may kahalikan kanina." Sabi niya na naiiyak na. "Shhhh! Tahan na." Yun na lang ang nasabi ko kahit na ang totoo niyan ay 'Kung sa akin ka lang nahulog edi sana hindi ka na nasaktan' "Tahan na maaayos niyo rin yan." Sabi ko habang niyakap ko siya.
--------------------
Azelle's POV
Ilang araw na rin ang nakalipas at palagi na kaming magkasama ni Bespren...hindi sa hindi kami magkasama, palagi lang kasi siyang busy kay Vanessa.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagmove-on, eh kasi naman binibigyan niya ako ng dahilan para mas mahalin pa siya gaya ng paghalik niya sa noo ko, sa pisngi ko, at iba pa hindi naman kasi niya yun ginagawa dati eh! Take note hindi pa sila nagbebreak ni Vanessa pero hindi sila nag-uusap. Pero palagi niyang sinasabi sakin na namimiss na niya raw si Vanessa.
Nandito kami ngayon ni Raizen sa park nag-uusap tungkol kay...as usual kay Vanessa. Hindi ko nga rin alam kung Vanessa ng Vanessa pa rin siya kahit na nasasaktan na siya.
Niyakap ko na lang siya kasi parang anytime iiyak na siya. "May sasabihin ako sayo Raizen." Sabi ko habang yakap-yakap siya. "Oh! Ano yun?" Tanong niya. "Alam mo, may g-" Naputol bigla ang sasabihin ko ng biglang may tumawag sa cellphone niya. "Ayy sorry Aze ha, sasagutin ko lang tong tawag." Sabi niya nahumihiwalay na sa pagkakayakap ko. "O-okay!"
Pagkatapos ng ilang minuto ay ibinaba niya na yung tawag. "Ah, Aze aalis na muna ako, tumawag kasi si Vanessa sabi niya magkita daw kami." Sabi niya na nakangiti ng malapad. "O-okay." Ang tanging nasagot ko na lang. Ang tanga ko talaga. Ang tanga-tangan ko. BULLSHIT!
'Tinkerbell is always there for Peter Pan, but Peter? He chose wendy.' Naalala ko yung nabasa ko sa cellphone ko kagabi. Pareho pala kami ni Tinkerbell na pinagdadaanan. Alam niyo yung feeling na andyan ka palagi sa tabi niya pero iba yung hinahanaphanap niya. Masakit alam niyo yun?
Ang pagkakaiba lang siguro namin ni Tinkerbell ay kahit na alam kong masasaktan ako sa ginagawa ko ay ipinagpatuloy ko pa rin. Kagaya ng nasa fairytale magkakatuluyan talaga yung bida pero sa storya na to at sa storya ni Tinkerbell ay magkaiba. Sobrang layo.
Ngayon alam ko na kung anong naramdaman ni Tinkerbell nung mga panahon na pinili ni Peter si Wendy.
Pero hindi ko pa rin alam ang sagot kung bakit mas pinili ni Peter si Wendy kesa kay Tinkerbell, eh si Tinkerbell naman yung nasa tabi niya palagi. Siguro may nakita si Peter kay Wendy na wala si Tinkerbell.
Makhang kailangan ko na talagang magmove-on dahil alam kong hanggang FRIENDS lang kami.
Saka ko lang narealize na ang 'BEST FRIEND' ay isang salita na mahirap tanggapin lalo na kung mahal mo yung taong yun hindi bilang kaibigan kundi mahigit pa dun.
"Haay! Raizen. You're my Peter but I'm not your Wendy." Bulong ko sa sarili ko.
THE END
BINABASA MO ANG
Almost A Tinkerbell Story
Teen Fiction"Tinkerbell is always there for Peter Pan, but Peter? He chose Wendy." "You're my Peter but I'm not your Wendy." ©All Rights Reserved 2016 Plagiarism is a CRIME! kookiestry