Nandito ako ngayon sa isang sulok, pilit iniisip lahat ng mga pagkakamaling nagawa sa iyo, mga
hirap at sakit na dinanas mo sa akin alalang alala ko. Alam kong ayaw mo rin ang nangyayari ngayon
sa atin pero oo aaminin ko, kasalanan kong lahat ito dahil hindi kita pinahalagahan, nagpaka
panatag na hindi mo naman ako iiwan dahil mahal mo naman ako, hindi ko inisip na darating din
yung araw na magsasawa kang naghihitay sa panahon na magbabago ako. Napagod ka. Ngayong
huli na sising sisi ako. Pinakawalan ko yung taong mahal na mahal ako, lahat gagawin para lang sa
taong mahal niya, isasakripisyo yung kasiyahan niya para sa taong mahal niya, iintindihin yung taong
mahal kahit paulit ulit na lang siyang sinasaktan. Patawad sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa
iyo, mahal na mahal kita..... sana una palang nakita ko na yung mga pagkakamali ko, although ikaw
pa nga nagsasabi sa akin kung ano yung mga dapat kong baguhin sa akin na alam ko namang
nararapat pero papasok dito lalabas sa kabila. Binalewala ko lahat ng sinabi mo sa akin. Ngayon
umaasa pa ako na magbabago ang isip mo at babalikan ako pero alam ko na hindi ka na ganoon
katanga para gawin ulit ang ganoong bagay. Sana nung mga araw na galit ka inintindi nalang
kita, hindi nalang sana kita sinabayan, sana nilambing nalang kita nung mga araw na iyon. Sana hindi
ako nagpaka selfish. Sana naintindihan ko rin yung nararamdaman mo hindi lang yung sa akin. Sana
pinahalagahan ko yung mga 'chances' na binigay mo sa akin noon. Sana yung mga sinasabi mo
noon sa akin ay pinakinggan ko at ginawa ko para sana hindi tayo napunta sa ganito. Sana nung mga
araw na namomroblema ka niyakap kita at sinabi sana sa iyo na
'Nandito naman ako lagi para sa iyo mahal, hindi kita pababayaan. Mahal na mahal kita'
At sana nasa tabi mo rin akong ngayong mga oras na ito. Mahal na mahal kita. Takot na takot ako
ngayong harapin ang mga bagay na mag-isa, kase wala ka na sa tabi ko. Ang sakit isipin na wala ka na.
Iiwan mo na ako, hindi dahil may bago kana, kundi dahil pagod ka na.
Sariwa parin sa akin ang nangyari. . . . . .
Heto ako susubukan ka ulit habulin, kahit alam kong napaka labo na, nagbabakasakali na babalik ka
parin sa akin, pinuntahan kita sa bahay niyo kase alam ko yun nalang yung ibang paraan para makita
kang muli, pagpasok ko nakita ko yung mama mo, wala siyang nabanggit sa akin na kahit ano, pero
alam ko na alam niya na kung anong nangyayare sa ating dalawa. Nagpunta ako sa kwarto mo at
nakita kita doon na tulog, ang laki din pala ng pinayat mo. Nilapitan kita, pero bago iyon huminga