CHAPTER I.
1 year na ngayon ang bandang SUPERBEAST na pinangungunahan ng bokalistang si Daniel, pero bago pa man sila nabuo ay crush na crush na ito ni Kathryn. Galing sila sa parehong school, ngunit mula ng sumikat ang banda nito ay nagtransfer na ito sa mas prestihiyosong eskwelahan. First year siya noon habang 2nd year naman si Daniel. Mula noon, napakaliit na ng tsansa niya para makita ang crush, gaya ng tsansa niya ngayon. Excited na excited siya dahil sa school nila gaganapin ang anniversary concert ng grupo. Isang linggo niya rin tong pinaghandaan. Kasama niyang namili ng maisusuot ang bestfriends na sina Julia at Diego.
"Tok tok tok", magkakasunod na katok sa pinto ang pumukaw sa pansin ni Kathryn. Sinusundo na siya ng mga kaibigan, kasama niya kasi ang mga ito sa concert. Lalong tumindi ang excitement niya habang nagbibiyahe papuntang school.
CHAPTER II.
"Daniel!!! Ang gwapoooo mo!!! Eeeeeee!!!!" Nakakarindi at nakakabingi ang mga hiyawan ng dumating ang banda. Nakihiyaw na rin si Julia na crush na crush naman ang drummer ng grupo na si Enrique. Ngunit ang namaos na ata sa kasisigaw ay si Diego na naging instant fan na ata ni John the drummer magmula ng makita sa personal ang banda. Natapos ang concert at tutuloy naman sila sa fan meet with dinner date sa kalapit na restaurant. At dahil obsessed fan na ata siya ni Daniel ay syempre pa't pinilit niyang i-afford ang medyo may kamahalang presyo nito. Nilibre pa niya ang dalawa. Hindi kasi siya papayagan ng parents niyang pumunta sa event. Mangilan-ngilan lang sila sa resto. Sa tantiya niya ay kulang-kulang bente katao lang sila dun. Dala-dala niya ang debut album ng grupo na self-titled SUPERBEAST. Pinalagyan niya iyon ng autograph kay Daniel at sa iba pang bandmates nito, syempre pa, hindi mawawala ang picture-taking. Nauna siya, sumunod naman si Diego na feel na feel ang pag-akbay sa kanya ni John. Ng si Julia na ang nagpapicture ay mistulang kinausap pa ata nito ni Dqaniel sabay sa pagdukot ng cellphone sa bulsa.
"Jul, anong sabi?", tanong niya ng makalayo sila sa grupo. "Sis! Kinuha niya number ko. Gulat nga ko e, pero di ko alam kung matutuwa ako o hindi, e hindi naman siya yung type ko e, si Enrique my loves ang type ko!". Hindi din alam ni Kathryn kung ano ang magiging reaksiyon niya sa sinabi ng bestfriend. Bakit si Julia pa? Samantalang siya tong matagal ng may crush kay Daniel. "Ah, hindi ako papayag, akin lang siya", bulong niya sa sarili habang paalis sa restaurant.
CHAPTER III.
Isang linggo na ang lumipas matapos ang concert ng bandang SUPERBEAST. Niyaya ni Daniel si Julia na lumabas. At dahil mahal siya ng bestfriend, isasama siya nito sa date nila. Masama sa pakiramdam niya na magmistulang chaperone sa dalawa. Ngunit sasamantalahin niya na din ang pagkakataon para makasama ang binata., kahit hindi sa paraang gusto niya.
Dumating sila sa restaurant na sinabi ni Daniel ngunit wala pa ito. Mga 10 minutes silang naghintay bago ito dumating na mistulang pagud na pagod at hinihingal pa. "Sorry, pinaghintay ko kayo, naharang kasi ako sa may bungad ng mall, di ko naman akalaing makikilala pa ako sa disguise ko. Nakabonnet na nga akot nakashades, useless pa din., ika nito. "Okay lang yan, naiintindihan ka naman namin", sagot naman ni Julia dito. Naiilang na siya dahil parang "joining" lang ang labas niya dito. Ngunit lagi naman siyang sinisingit ni Julia sa usapan. "Alam mo bang nag-aral pa talaga siya ng bass guitar dahil sayo? O diba ang adik?" Nginitian lang siya ni Daniel ngunit sapat na ang reaksiyong na iyon para matunaw siya sa kanyang kinauupuan. Ah, kung pwede lang sanag tumili e ginawa na niya.
CHAPTER IV.
Sa mga sumunod na date ng mga ito ay pawang group date na dahil kasama na ang bandmates nito at maging sila ni Diego. Naging kaclose ni Kathryn si Enrique na parang nagkakagusto sa kanya. "How ironic, gusto ko si Daniel pero si Jul naman ang gusto niya samantalang si Jul ang nagkakagusto kay Enrique eh ako naman ata ang kursunada. Ah, buhay talaga, ang gulo!", bulong niya sa sarili. Nagkaron ng camping ang grupo sa isang liblib na gubat na malapit sa falls. Isinama silang dalawa ni Julia. Pakana ang lahat ni John na mahilig pala sa swimming activities at adventures. Kapareho nito si Julia na swimming din ang sports kaya pagkatapos nilang mag-ayos ng mga tents ay nag-aya agad itong maligo sa falls. Hindi siya marunong lumangoy kaya nagpaiwan na lang siya. "Oh sige, ditech ka lang ha, more na more ang snakes dito sige ka, baboo sis", habilin ni Diego bago ito umalis.
Nagtataka siya kung bakit di niyaya ng mga ito si Daniel. Nandun lang ito't nagmumukmuok sa isang tabi kasama ang gitara. "Oh, bakit di ka sumama? Don't tell me, di ka rin marunong lumangoy kagaya ko?". Nagulat ata ito ngunit di man lang nag-angat ng mukha. "Hindi pala ko nag-iisang hindi marunong lumangoy hehe", patuloy pa niya. Doon ito mistulang nagtiim-bagang at tumitig ng matalim sa kanya. Ngunit di pa rin ito kumibo, agad niya namang binawi ang sinabi niya. "Uy, joke lang.. eto naman oh, sorry na." Naguguluhan pa din siya sa nakitang reaksiyon nito.
CHAPTER V.
Maagang nagising si Kathryn. Habang nag-aalmusal ay lumabas naman mula sa tent na kinatutulugan si John. "San si Daniel?", bungad na tanong nito. "Ha? Diba katabi mo siya sa tent?",nabibigla niyang sagot dito. "Oo, pero wala na siya dun eh, ah.. malamang namasyal lang."
"Ah..", inaya niya na itong mag-almusal bago siya mag-usisa dito. "Um, bakit nga pala di niyo siya sinamang maligo kahapon sa falls? Di ba siya marunong lumangoy katulad ko?". Tumahimik muna ito at lumagok ng kape bago magpaliwanag. "May phobia si Daniel sa swimming. 5 years old siya nung magbakasyon sila sa Bora ng family niya. Napabayaan siya ng yaya niya, napunta siya sa malalim at isang minutong nalubog sa tubig. Muntik na siyang mamatay. Magmula nun, ayaw na ayaw na niyang makakita ng dagat o ilog. Kapag may outing ang barkada na malapit sa beach, di na lang siya lumalapit o sumasama. Ganun kalala ang naidulot ng phobia sa kanya. Mabuti nga at sumama ka eh, may kasama siyang naiwan kahapon, haha".
Hindi siya tumawa sa panghuling sinabi nito. Masama ang pakiramdam niya. Marahil nasaktan niya si Daniel sa sinabi niya kahapon. Nagpaalam siya kay John na maglalakad-lakad lang sandali. Ngunit ang totoo'y kailangan niyang kausapin si Daniel. masamang-masama ang kutob niya.
CHAPTER VI.
Halos lunod na si Daniel ng makita ito ni Kathryn sa ilog. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi siya marunong lumangoy, paano niya ito tutulungan? Baka pareho pa silang malunod nito. Hinila niya si Daniel hanggang maabot na ng paa niya ang lupa. Ngunit napakarami niya ng nainom na tubig kaya't nawalan na siya ng malay. Nagdilim na rina ng paningin niya.
Masuyong haplos sa mukha ang gumising kay Kathryn. Nabungaran niya si Daniel na maamo ngunit may pag-aalalang nakatitig sa kanya. "Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?" Mautal-utal pa sanang itutuloy nito ang mga sinasabi ng sumagot siya, "Okay lang ako, okay lang." Tumahimik ito at yumuko, "Sorry, dahil sakin muntik ka ng malunod. Ang duwag duwag ko! 11 years kong iniwasan ang dagat, ang ilog, para bang kaya nila kong patayin. Pero ikaw ang muntik mamatay dahil sakin, Kathryn. Hindi ka marunong lumangoy pero para sakin ginawa mo. Maraming salamat, and.. sorry." Ng matapos ang litanya nito ay saka niya ito nakitang lumuha. Naawa siya dito. Alam niya ang hirap na dinanas nito. Mahirap para sa isang 5 years old noon na kalimutan ang mga pangyayari. May isip na ito noon, at hanggang ngayon ay naalala pa rin nito ang sakit.
"Daniel, naiintindihan kita. Pero siguro panahon na para labanan mo yun. Kaya mo yung kalimutan. Gaya nga ng sinabi mo, ako, hindi marunong lumangoy pero ngayon matibay na ang loob ko, handa na akong matuto... dahil hindi ko hahayaang malunod pa ang isang kagaya mo, mag-aaral akong maglangoy para magsilbing tagapagligtas mo."
Pinunasan muna nito ang mga luha sa mata bago tuluyang nagwika, "Sabay tayong matututo, Kathryn."
(this is my first story, and my first-ever published fanfiction. sorry po sa mga fangirls ni diego dahil ginawa ko siyang bading sa story, sana po magustuhan niyo! to be continued kaya medyo bitin)
THANKS FOR READING! :))
BINABASA MO ANG
Finally, you put my love on top.
FanfictionSuper crush ni Kathryn si Daniel, ang bokalista ng Superbeast na sa kasamaang palad ay ang bestfriend niya namang si Julia ang type. Ngunit hindi pakakabog si Kathryn, darating din ang araw na sa kanya lang ang atensiyon ni Daniel. Magkamatayan na!