Chapter 4 (Drake Natividad)

206 11 0
                                    

Rain's POV

Naririnig ko ang musika ng mga anghel. Ang kalangitan. Ang kapayapaan...napakatahimik...walang away...walang gulo...walang aalalahanin...ito na ba? Ito na ba ang langit? Isang napakagandang paraiso...tila..

"ULAN!"

"ULAN!"

Shiz. ANO BA TO?! AKALA KO BA NASA LANGIT NA AKO?! BAKIT MAY BALIW NA NANGGUGULO SA AKIN NGAYON?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, pero biglang sumakit ang ulo ko. SHEMS! Anong nangyayari sa akin?!

*"Please wag ka na umiyak, nasasaktan din ako.."

"Please..Rain, kaya natin 'to"

"Rain, nandito lang ako"

Inabutan niya ako ng panyo para punasan ang luha ko, gusto ko siyang yakapin...iniangat ko ang ulo ko at---*

"AHHHHHHHHH" sigaw ko. Sheeeeeems. Sakit ng ulo koooo. WHAT WAS THAT?

"Hoy Ulan! Okay ka lang? Anong nangyayari sa'yo?"

FUDGE. BAKIT NANDITO SI ETHA--

*BOOOOGGSSSH*

Malas talaga. Sa sobrang gulat ko nalaglag ako sa higaan. Sakit! Badtrip! Balak ko bang bugbugin katawan ko ngayon?!

"HOY ULAN? OKAY KA LANG?" tanong ni Ethan. Sinilip niya ako sa baba habang nakapatong siya sa higaan ko, at sobrang lapit na naman ng mukha niya.



Tinakpan ko yung mukha niya, at tinulak siya palayo sa mukha ko. Kainis 'to! Aatakihin ata ako sa lalaking 'tooo!

"Ang baho ng kamay mo, ano ba"

"Doon ka ngaaa! Kainis! Kasalanan mo 'to eh!" tapos bumalik ako sa pagkakahiga sa higaan.

"Shut up. Anong nangyari sa'yo? Bakit parang sasabog yung ulo mo kanina?" tanong niya.

Sasabog? Oo, masakit nga ulo ko kanina and weird images flashed into my mind.

"Sa sobrang talino ko siguro," sabi ko sa kanya sabay smirk. And you know what? Tinignan niya lang ako gamit yung walang emosyon niyang mukha. Edi meow.

Nasa clinic pala ako. Si Ethan kaya nagdala sa akin dito? Baka nga.. alam nila boyfriend ko siya eh (ewww) Nakakainis, ang dami ng nangyayari eh kakakilala lang namin kahapon. And alam kong kay Trish galing yung lumilipad na bola kanina, maldita talaga 'yooon.

"Nauuhaw ako..." sabi ko kay Ethan. It's payback time, ikaw naman uutusan ko. Maaawa naman siguro to dahil naclinic ako dibaaa?

"Oh.." inabot niya yung mineral water sa akin. Oh dibaaa? Taray! May alalay ako ngayon. BWAHAHAHA. Nautakan kita Ethan, bleh!

Kinuha ko yung mineral water sa kamay niya, at binuksan and malamang ininom ko nauuhaw talaga ako eh. YEEEY! NAPAWI NA UHAW KO. Halos maubos ko yung laman ng mineral water eh.

"Tsk. Ikaw din pala makikinabang ng inutos ko sa'yo kanina" sabi niya sa akin tsaka ngumiti ng nakakaloko. Eh? Bakit ang gwapo niya ngumiti? WHAT? HINDI NO. Pero teka---anong inutos?

Ah! Yung tubig! Cafeteria...pumulot ng bote....tumakbo sa cr....nilagyan ng tubig yung bote...

SHEMS.

Did I just...

SHEMS. PARA AKONG MASUSUKA! ANAK NG TUPA! BAKIT AKO YUNG NAKAINOM NITOOOOOO? ARGGGHHHH! KADIRI! KADIRI! KADIRI!

YOU ARE MINE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon