Kurt's POV
Its Sunday morning sabay-sabay kaming nagbreakfast.
"Anong balita sa Music project ninyo?" Tanong ni Rox kay Chonna
"Yun gagawa pa lang kami ngayon."
"Anong kakantahin niyo?" Tanong naman ni Jake sa akin
"Pag-uusapan pa lang."
"Wow halos tuwing maghapon kayo wala sa kanya-kanya niyong dorm sa loob ng dalawang linggo tapos wala pa kayong nagagawa!" Sabi naman ni Ginno
"Isang tanong isang sagot,nagdadate na ba kayo?" Putcha naman tong si Kent. Pasalamat siya na wala akong iniinom na mainit na kape, kundi nabuga ko sa kanya. Tinignan ko si Chonna na nabulunan pa.
"Lul ka! Kung magtatanong ka ng ganyan siguraduhun mo na walang laman ang bibig ng kapatid ko!" Sabi ni Chollo habang pinapahid ang likod ni Chonna. "May laman pa ba yang bibig mo?"
"Wala na." Sabi niya na nakahawak sa dibdib niya.
"Nagdadate ba kay--- Aray!" Binatukan agad siya ni Chonna. Nagtawanan naman silang lahat.
"Tarantado ka. Tumigil na nga kayo sa kakaintriga sa amin." I chuckled. The thought of me dating her is just a dream come true.
"Tara na nga James para makapagsimula na tayo, at para matanggal na tayo sa hot sit." Tumayo siya.
"Ok. Ingat na lang kayo." Sabi ko tsaka tumayo. "At good luck sa kanya-kanya niyong mga project."
"Chonna, tawagan mo ako kapag may problema." Sabi no Chollo
"Ok. Bye, twin!"
Naglakad na kami papunta sa tambayan.
"So anong kakantahin natin?" Tanong niya sa akin. Pagkaupo pa lang namin.
"Ikaw nang mag-isip at ako nang mag-eedit." Sabi ko
"Huh? Ano bang gagawin natin bat kailangan pang mag-edit?"
"Music Video."
"So walang kwenta ung guitara na dala ko?" Sarcastiko niyang sabi.
"Hindi naman. Akin na." Sabi ko tska niya binigay ung gitara. "Ano bang kakantahin natin?"
"Tadhana by Up Dharma Down." Sabi niya.
"Ok, let's practice. " I strum the guitar & start to sing.
(Now playing: Tadhana by Up Dharma Down)
"Sa hindi inaasahan
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtog
Damang-dama na ang ugong nito."Sa una nakapikit lang siya na parang dinadamdam ang kanta. Ang ganda niyang pagmasdan, para siyang angel. Oo, parang pinagbiyak lang na bato sila ni Chollo, pero si Monica mas maamo ang mukha kaysa kay Chollo. Si Chollo kasi pagtitignan mo parang may malaking galit sa mundo. Nagulat na lang ako nung bumukas ang mata niya at sumabay sa second at third verse.
"Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pagsinta.""Ba't di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hahantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo"Hinayaan ko na lang siya sa fourth verse, at pinagmasdan siya habang kumakanta.
"Saan nga ba patungo
Nakayapak at nahihiwagaan na
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo."Ang ganda talaga niy--- I mean ng boses niya kahit kailan. Hehe... Muntik na akong nadulas dun ha. Sumabay na ako sa last verse.
"Ba't di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba sa hangin
'Wag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sayo"
BINABASA MO ANG
Algeria High:Gangster's ACADEMY
Roman pour AdolescentsMinsan sa buhay natin may taong darating para baguhin ang tingin mo sa sarili mo, sa mga taong nakapaligid sayo at sa mundong ginagalawan mo. 'Would it be for better or for worse?' Can we accept this person for who he/she is? Chonna Monica Marquez...