11 - Adventure of A Lifetime

4.4K 97 0
                                    

~ AYRA ~

"Mommy, Daddy," lungkot kong bati sa kanila sa Skype. "Baby, okay ka lang ba?" kamusta ni Mommy. "May masakit ba sa baby namin?" sabi naman ni Daddy. Di ako makapagsalita, naiyak nalang ako dahil sa nangyari. "Tahan na baby, uuwi kami asap." sabi ni Mommy. "Hindi na po kailangan My, okay lang ako, sadya lang talaga akong natakot sa nangyari kanina." giit ko. "Anak, alam mo, sigurado akong di ikaw yung pakay ng kriminal, hindi rin yung party mo, baka sa kabilang room lang yung away tas napunta lang sila sa party mo." eksplika ni Daddy. "Pero... Pero... Kaibigan ko po yun pinatay eh." balita ko.

Nagtinginan nalang sina Mommy at Daddy at tumahimik. Tumingin ako sa wall clock, alas dose na, tapos na yung birthday ko. Pagtingin ko ulit sa monitor, nakita ko nalang na umiiyak si Mommy. "Baby, susubukan naming umuwi ha." sabi ni Daddy. "Huwag na po, mahihirapan pa po kayong maghanap ng trabaho dito." sabi ko. Di ko na kayang ikimkim ang kalungkutan kaya umiyak na ako ng umiyak, "Mommy, Daddy, namatay po si Krista dahil sa kin. Kung di ko siya inimbita, wala sanang mangyayaring masama." Di na nakapagsalita sina Mommy at Daddy, kaya sinara ko na yung laptop, at sa kama, dun ko tinuloy ang pag-iyak.

Wala akong kasama sa bahay, si Yaya kasi umuwi sa probinsya kaya wala akong pasasandalan. Umiyak nalang ako ng umiyak habang iniisip si Krista.

"Tao po! Tao po! Tao po ako!" sabi ng pamilyar na boses sa labas ng bahay. Ay, si Nica pala, siya lang naman kumakatok ng ganun. Pinapasok ko siya sa bahay, at... At... Niyakap. Sa kanya ko nailabas lahat ng kinikimkim ko. Mabuti nalang at may bestfriend akong hindi plastic, yung straight to the point. Siya yung makakausap mo habang buhay.

Sabi nga, kaya kayo tinawag na magkaibigan para magdamayan, hindi para magplastikan.

Sa kwarto ko tinuloy yung usapan. "Best, maiba ako, may detective na pumunta sa bahay namin kanina." balita ni Nica. "Tas ano? Namatay din?" sabi ko tas umiyak naman. "Hindi Best! Ano ka ba." sabi niya. "Alam ko na, pogi siya." sabi ko. Eh ano pa ba ichichika ng bestfriend ko? "Teka, pano mo yung nalaman? Huy ikaw ha." sabi niya. "Pero kidding aside Best, tinanong niya ako tungkol sa nangyari at ayun sinagot ko naman base sa nalalaman ko. Pero alam mo, noong kinuwento ko yung tungkol kay Dustin, parang may ideya siya sa nangyari. Pinaghihinalaan yata niya yung future ko." dagdag niya.

"Hindi kaya may kinalaman talaga si Dustin sa nangyari?" tanong ko. "Ewan ko sayo Best, bat ang nega mo." react niya. "Hindi naman sa ganun, pero isipin mo nga, noong una, sinundan natin siya sa kanila at nakita pa natin siya sa isang rambol, pagkatapos, kung totoo man, siya yung tao sa bubong ninyo na inakala mong magnanakaw, tas naman, nawala siya pagkatapos ng barilan kanina at panghuli, parang kilala na siya ng pulis." sabi ko. Napa-isip si Nica. "Pero Ayra, it doesn't make sense, si Krista yung pakay ng kriminal." sabi niya. "Eh ang tanong, siya nga ba yung pakay ng kriminal? ..." sabi ko.

Nahinto kami sandali at nag-isip. "Kung hindi siya, eh bat siya yung nabaril?" tanong ni Nica. "Ewan ko Best, inaantok na kasi ako, di ako makapag-isip ng maayos." sagot ko. "Pero sure ako, may kinalaman si Dustin sa mga nangyayari. Bat kasi sa dinami dami ng lalaki, siya pa naging crush mo." sabi ko. "So ano ibig mong sabihin, kasalanan ko pa yung nangyari?" tanong ni Nica. "Hindi sa ganun, pero malakas kasi kutob kong may kinalaman siya." eksplika ko. "Akala ko kasi sinasabi mong kasalanan ko pa yung mga nangyari." sabi ni Nica. "Hindi nga, alam mo, sa lahat ng tao, ikaw loves ko. Ikaw na yung bestfriend ko, chikamate ko, at sister ko na rin." sabi ko sabay yakap sa kanya. "Huwag ka kana kasi mag-isip ng kung anu-ano." dagdag ko. "Sige na nga, na touch naman ako. Pero Best, back to Dustin... Sabi mo di ba, responsibilidad ko siya. Kaya dapat may gawin ako para mahanap siya." sabi ni Nica. "So, ano ang plano mo?" tanong ko. "Hanapin kaya natin siya?" aya niya. "Nako, baka kung anong gulo pa masalihan natin." takot ko. "Basta hahanapin ko siya." sabi niya. "Ano ka ba, pabayaan mo na yung pulisyang humanap sa kanya." sabi ko. "Pero Best... Gusto ko siyang hanapin." diin niya. "Hoy anong trip yang iniisip mo, delikado yan." paalala ko.

"Pwes, ako yung taong game sa mga bagay na delikado." sabi ni Nica. "Obvious naman." sabi ko. "Pero Best, alam mo namang sasamahan kita kahit saan eh." dagdag ko. "You game for an adventure of a lifetime?" tanong niya. "Ewan pero dahil loves kita, parang di ko kayang ikaw lang isa yung mamatay... Este! Maghanap." sabi ko. "So, ano, bukas hanapin natin yung crush ko?" tanong niya.

Sagot ko naman, "sige, hanapin natin yung... crush mong kriminal."

Kriminal Pala Ang Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon