Chapter 10
'Yung picture...si Kim 'yan...malamang siya 'yung nandun sa coffee prince haha
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“Uy Kate!”
“Pare kamusta?”
“Yo!”
“Hala nangayayat ka ata?” Today is enrollment day kaya nandito ako ngayon sa school kasama ang ibang mga kaibigan ko. Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil may benda pa din ako sa kanang kamay at paa. Nahihirapan pa akong maglakad. Nakakahiya para akong lumpo haha.
“Almost one month ka ba namang pakainin ng tutong?” Natatawang sagot ko na lang habang naglalakad palapit sa kanila. Hanggang ngayon hindi pa din ako nakakaget-over sa lintik na tutong na ‘yan. Kasama ko din si Ate Aya ngayon para mag-enroll. Taga-bitbit ng mga gamit ko at taga-bantay. Malamang kapag tuluyan na akong magaling gagantihan ako nitong 1 word per sentence na ‘to. Y_Y
“Huh? Anong tutong?” Tutong, ‘yung sunog na parte ng kanin. Tss.
“Wala…” Tinatamad akong magkwento tsaka ayaw ko na ding ipaalam sa kanila na na-kidnap ako chubachuchu whatsoever. Kaya nginitian ko na lang sila.
Natapos ang enrollment. Sa ibang subject lang kami magkakasama nung mga kaibigan ko. Sa ibang subjects naman watak watak kami. Ang hirap makakuha ng pareparehas na subjects e. Natapos ang araw na ‘to na walang kakwenta kwenta. Hindi ako nakapa-enjoy. Kasi naman ‘tong 1 word per sentence na ‘to ang kj e!
“Kain tayo sa mcdo.”
“No.”
“Kain tayo sa Jollibee please? Please?”
“No.”
“Bakit?”
Tinuro lang niya ‘yung mga pilay ko at hinilia na ako pauwi. KJ ‘di ba? Talagang pinaninindigan niya na three words per sentence lang siya. Paano kaya siya naka-survive? Haaay bakit ba kasi ang daming taong sobrang tipid magsalita?
A basta sa paukan susulitin ko ulit. Halos lahat naman na ng major subjects ko tapos na. Konting major subjects na lang! More on minor na lang hehe… Meaning, hindi na ako gaanong mahihirapang mag-aral pwede na akong mangulit ng mangulit! Fourth year na pala ako? Woooh!!
Syfred Lim
~*~*~*~*~*~*~
Medyo successful ang plano. Nakaalis naman kami ng maayos although sugatan kami ngayon. Minor fractures lang naman ang sa akin kaya lang si Kate ang napuruhan talaga. Pumara ako ng masasakyan at dahil nga sa duguan na ako ay malamang naawa ‘yung driver. Pinagbuksan niya kami ng pinto at binuhat ko na lang si Kate.
As soon na nagkamalay ako ay nilipat na agad ako ni Dad sa ibang ospital. ‘Yung mas malapit sa amin, at ehem. ‘Yung mamahalin. You know, rich people… XD
I never had a chance na makita ulit siya at ang pamilya niya. Para man lang makapagpasalamat personally.
Shaun
~*~*~*~
“O ano na ang plano mo sa buhay mo anak?” ‘Tong tatay kong ‘to. Dati sobrang higpit elementary pa lang ako pinagpipilitan na niyang Business Management or anything na related sa pagmamanage ng isang negosyo ang kunin kong course para i-manage ang negosyo namin someday pero ngayon hinahayaan niya na lang akong mamili ng gusto ko.
BINABASA MO ANG
8 years older, or two years younger?
Romancekung ikaw ay papipiliin, isang lalaking walong taon ang agwat sayo? o isang lalaki na dalawang taon ang bata sa iyo? Join Kate and her friends in their adventures in jollytown! XD