Chapter 5 (Payback time)

172 10 0
                                    


Rain's POV

"Araaay! Aray ko!"

Takte, may saging! Juskopooooo! Ito na ba kamatayan koooo?!

"Aray kooo! Aray!"


UGH. Buti na lang lumiko si Ethan. Leshe tong Ethan na 'to. Kanina pa ako hinihila! Napakaraming dagok na ang napagdaanan ko kakahila niya. Kapag ako nakatapak ng ebak dahil dito pinaggagawa niya, nako talaga! Sumpa ang langit at lupa, mawawasak ang maganda niyang mukha!

Sheeeems. Ang sakit na ng braso ko kakahila niya! Saan ba ako dadalhin nitooo?!


"HOY ETHAN! TIGIL NA NGA! SAKIT NA NG PAA AT BRASO KO!"

"HOY MAAWA KA NAMAN! ALAM KO MALAKI KASALANAN KO SA'YO, PERO WAG MO NAMAN AKO PATAYIN DITO!"

"HOY MAKINIG KA NAMAN!"

"ETHAN!"

"ETHAN, MAY BATO!" sigaw ko. Sa sinabi kong 'yon bigla ata siyang natauhan, kaya hinila niya ako pakaliwa at papalapit sa kanya. And before I knew it, nakayakap na ako sa kanya. Teka---nakayakap ako sa kanya?! NAKAYAKAP AKOOOO?!


O////O


Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanya. Shems, nakatingin siya ng diretso sa akin kaya naman napayuko na lang ulit ako. Bwisit, bakit ba hindi ako makatingin sa kanya? Siguro nandidiri ako, no?

"Sorry" sabi niya.

"BALIW KA! MUNTIK NA AKO MADAPA!" sigaw ko sa kanya habang nagpapagpag ako ng uniform ko.

Nagulat ako bigla na lang siya naglakad papalayo sa akin. Teka? Matapos niya ako hilahin, iiwan niya ako dito?! Aba monggoloid talaga 'to!

"ETHAN! SAAN KA PUPUNTA?" sigaw ko pero hindi siya sumagot. Bwisit! Gusto talaga nito lagi siyang hinahabol. Kaya naman ayon, hinabol ko siya.


"Huy? Anong problema mo?" tanong ko nang maabutan ko siya.


"Wala" tipid niyang sagot. Ngayon sabay na kaming naglalakad.


"Psh. Magkakilala kayo ni Drake?" tanong ko pa pero hindi siya sumagot.


"Ethan! HOY!" sigaw ko sa kanya.


"Wag ka ngang maraming tanong, hindi tayo close" sagot niya tsaka nagsalpak na naman ng earphones.


ABA! BASTOS TALAGA 'TOOO! ANO NAMAN KUNG HINDI KAMI CLOSE? EH CURIOUS AKO EH. GRABE SIYA! T.T Tagos sa puso ko yung sinabi niyang di kami close haaa T.T Laslas na friend </3 Bakit? Totoo naming hindi kami close ah. Bakit ako mahuhurt? Pero nakakahurt talaga huhu. Kala ko friends na kami eh T.T


"Close mo mukha mo! Eh bakit kayo magkausap kanina?" tanong ko pa. Hmp! Hindi man lang ako nilingon. Bakit ba paiba-iba ng mood tong taong 'to?


"Hoy! Magkakilala ata kayo eh!" sabi ko pa. Pero wala siyang pake. Parang walang naririnig! Kagatin ko tenga nito eh.

YOU ARE MINE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon