The Black Coat
Awrett POV (pronounced as Aw-rey)
"Class Dismissed!" Agad-agad kaming tumayo yan na siguro ang magandang parte tuwing may klase. Pangalawa ang recess. Nauna pa kaming lahat kay Ma'am ang boring kaya ng klase nya.
As usual mag isa akong naglalakad. Bakit???. Thick glasses, Braces, Braids, and Jansport bag With Manang Look. Yun bang mayaman sa tela. Alam nyo na siguro diba???.
Mga 5 minutes ng nakarating ako sa bahay namin. Naka-pagtataka nga ehh. Kasi pag gumamit ka ng Kotse simula sa eskwelahan papunta dito samin. Mga One Hour bago ka makapunta dito. Pero pag ako lang mag isa at walang kasama. Tapos lumilipad ang isip ko tapos iniisip ko lang na gusto kong umiwi na sa amin. Bigla na lang akong mababangga sa gate namin. Ang weird nga ehh.
"Im Home Mama!" Sigaw ko mula sa gate. Pero tanging katahimikan lang ang sumagot. Dati naman sinusundo nya ako pag sumigaw na ako. Ngayon parang wala.
Tuluyan na akong pumasok. Pag tungtong ko pa lang sa sahig ng sala namin. Nakaramdam agad ako ng kuryente na hindi ko maexplain. Basta nakakatakot.
"Mama!!" "Ahhhh!!!!!"
Pag tawag ko i mean pagkasigaw ko. Bigla ring sumigaw si Mama. Parang pinagtatakpan nya yung pagsigaw at ang boses ko.
Agad akong tumungo sa kusina kung saan naroon ang boses ni Mama. Habang papalapit mas lumalakas yung kuryente.
Ng makita ko si Mama. Napatakip ako ng Bibig. Si Mama!! Sinasakal siya nung naka-cout na itim. Sisigaw na sana ako ng biglang may bumulong na kung ano sa tenga ko.
"Wag!! Wag kang lalapit!!! Paki usap mag tago ka!!!"
Wala na akong ibang nagawa. Kundi ang sundin ang mahiwagang boses na iyon. Nagtago ako sa gilid ng Ref. At nakinig sa pinaguusapan nila.
"Nasan ang bata!!!" Hindi patanong ang sabi ng naka-coat kundi parang inuutusan nya si Mama na sumagot.
"H-hindi k-ko al-alam!" Pilit na sabi ni Mama kahit hinang hina na siy. Mas lalong hinigpitan ng naka-coat yung pagsakal kay Mama. Nakita kong umubo si Mama pero walang kahit na tunog ang lumabas. Hindi ko alam kung sino ang batang tinutukoy nung naka-coat.
"Sagutin mo ang tanong ko!!!! Nasan ang bata!!!" Sigaw muli nung naka-coat na itim. Yung boses nya parang demonyo. Nag-eecho. Di ko matukoy kung babae ba ito o lalaki.
"H-hindi k-ko nga al-alam!" Pilit ulit na sigaw ni Mama. Nakita kong ngumisi ang naka-coat. Black ang lipstick nya. Kaya sigurado akong babae siya.
Binitiwan nya si Mama. Mali! Hindi nya binitiwan. Tinapon nya sa sulok. Nakita ko si Mama na parang patay na. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw.
"Kung ganon wala ka na palang kwenta.. **smirk** Paalam mahal Na Taga pag alaga" sabi nung naka-coat. Wait. T-taga pag-alaga???. Ibig sabihin..... Hindi nya ako tunay na anak?? Na inalagaan nya lang ako?? Dahil isa lang siyang taga pag alaga?? In short isa siyang Alipin. Kusang tumulo ang luha ko. Kung hindi siya ang Mama ko. S-sino???.
Nakita kong may lumabas na apoy sa kamay nung naka-coat. Bumilog ang mata ko. A-apoy sa kamay???. Pagkatapos tinira nya ito sa Ex-Mom ko. Akala ko tapos na siya. Nakita kong hinigop nya yung apoy gamit yung bibig nya. Tapos binuga nya ito kay ex-Mom ko. Nakita kong wala ng saplot ang Ex-Mom ko at marami na siyang paso. Nakita kong inikot nung naka-coat ang kamay nya. At unti-unting nagkaroon ng tubig dito. Napasinghap ako. Anong nangyayari??!!. Tapos tinutok nya ito kay ex-Mom. Pag tutok nya. Bigla itong naging yelo. Na may patusok sa dulo. Nanglaki ang mata ko. Anong klase yan??!!. Tinamaan si Ex-Mom sa may bandang tiyan. Tumawa yung naka-coat. At bigla na lang nawala. Agad akong tumakbo kay Ex-Mom.
"Mama!!!" Tapos pinatong ko siya sa lap ko. Dumadaloy ang dugo nya sa buong katawan nya. Nakita kong ngumiti siya ng mapait.
"A-anak m-may sa-sabihin ako sas-sayo..*cough-cough*" hinilod ko yung likod nya. Kahit puno na ng Dugo ang kamay ko pati na rin mukha dahil hinaplos nya ito. Tinanggal nya ang salamin sa mata ko.
"Mama wag ka nang magsalita! Dadalhin kita sa Hospital!" Medyo pasigaw kong sabi. Hindi ko alam ang sinasabi ng mga ngiti nya. Hindi ko alam kung ano ang malalaman ko.
"A-anak makinig k-ka..*cough-cough* hindi kit-kita anak. I-sa lamang akong tagapag alaga *fake smile*.. ikaw. Ikaw ang inalagaan ko. Hindi ka tao anak. Gusto kong hanapin mo ang totoo mong pagkatao ang totoo mong lugar. Ang totoo mong pamilya. Ang totoong magmamahal sayo. Kahit na pangit ka. *tears fall down*. Mahal kita anak ko kahit hindi kita tunay na anak. Gusto ko bago ako mawala. Gusto kong baguhin mo ang sarili mo. Tumayo ka sa sarili mong mga paa. Gusto kong makita ka na malakas. Hindi inaayawan at hindi iniiwan tulad ng gagawin ko sayo ngayon. Tandaan mo. Prinsesa ka anak. Prinsesa ka. Gusto kong ibigay to sayo*abot ng susi*. Yan ang susi sa kabinet sa kwarto. Yan rin ang susi sa kahon na nasa loob ng kabinet. Gusto ko bago mo harapin ang tadhana. Mabasa mo ang lahat na naroon sa kahong iyon. Gusto kong malaman mo na marami kang kapang---" Bigla na lang siyang namatay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Unti-unti siyang kinukuha ng hangin mula sa bisig ko. Hanggang sa tuluyan na siyang kunin. Napa pikit ako ng mariin. Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ni Mama. Agad kong binuksan ang kahon.
Gulat na gulat ako sa nakita ko...
Totoo ba to??!!
*************^^^^*************
Ano kaya ang nakita ni Awrett pagbukas nya ng kahon???May makukuha kaya siyang impormasyon sa totoo nyang pamilya????
Tutuparin nya kaya ang sinabi ng Mama nya na baguhin nya ang sarili nya???
Ano nga ba ang kasunod na word na kapang---????
May kinalaman ba ito sa totoong siya????
**************^^^************
Hello po!! Alam nyo yung sagot?? Sa next Chapter malalaman nyo ang sagot!!.Pls do Vote and Comment...
Sorry kung pangit yung Chapter One :( .
1022 words all in all!!!
4/20/16
![](https://img.wattpad.com/cover/69548665-288-k118880.jpg)
BINABASA MO ANG
The Long Lost Fantasy Princess
FantasyErif Ria Asy P. Fant or Awrett The Princess of the Nerd is The Long Lost Fantasy Princess????