9 Surprises of Mysterious Girl( One Shot Story )

4 2 1
                                    

9 Surprises of Mysterious Girl

( One Shot Story )

By: Loiuselainer



Dedicated to Shanelle Andrea Arteche..

I Love U nelle!! (Move On na teh) ^ω^

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@




Life is full of Surprises. Hindi mo alam kung sino ang nakalaan para sayo. Hindi mo alam kung magiging kayo ba ng taong gustong-gusto mo. Naparaming tanong sa buhay na tanging panahon lang ang makakasagot. Napakaraming bagay ang kusang dumarating sa panahon hindi mo inaasahan.


Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa isang lalaking katulad niya. Hindi ko akalain na magmamahal ako ng higit pa sa sarili ko. At huli sa lahat, hindi ko akalain na aabot sa puntong gagawin ko ang lahat maging sakin lang siya --- kasama na dun ang maging stalker niya. Sabi nila, nakakaawa daw ang mga stalker na tulad ko dahil ibinababa daw namin ang aming dignidad. Pero sabi nga nila, ang desperadong tao, gagawin ang lahat kahit sabihin pang mali..


Kaya eto ako, isang admirer na umaasang balang araw mahuhulog din siya sakin. Wala namang masama kung susubukan ko di ba?


Besides, Being in Love means gambling everything you have, sometimes you will win, sometimes you will lose. And when you lose, it will damn hurt you and leave scars that will make you stronger the next time you play.


Pinag-iisipan ko ngayon ang siyam na surpresa ko para sa kanya. At kung pagkatapos nito ay wala parin, pinangako ko sa sarili kong titigilan ko na siya..


"Joanne, anong ginagawa mo?"


Tumingin ako sa likuran ko para tignan kung sinong nagsalita. Nakatayo sa harap ko ang isang lalaking nakablack na T-Shirt at Blue Jogging pants habang may hawak na tray..


"Athan Ikaw pala!!"


"Pwedeng makishare ng table"


"Sure"


Tapos nilagay niya yung hawak niyang tray sa mesa ko at umupo sa tabi ko.. Tinignan ko siya at nginitian niya ako.


Eto na naman ang puso ko, palagi nalang nagwawala dahil sa ngiti na yan..


Siya si Jonathan Harris Bermudez, ang lalaking dahilan kung bakit excited akong gumising araw-araw at pag-aalayan ko ng siyam na surpresa.. Bagong lipat lang sila sa condominium building na tinitirhan namin. Actually, one unit nga lang ang pagitan. Nung una, madalas kaming magsabay sa elevator kapag papasok o pauwi ako galing sa school. Hindi ko siya kinakausap nung una dahil nasusungitan ako sa kanya hanggang isang beses, natrap kami sa loob ng elevator. Ayun, kaming dalawa lang nun kaya no choice ako kundi kausapin siya.


"The Phantom of the Opera?" tanong niya saken kaya iniangat ko ang ulo ko. "That was one of my favorite classical song. Ang ganda niyan sobra."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

9 Surprises of Mysterious Girl( One Shot Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon