Do you believe in Happy Ending? Eh sa Happily Ever After? May ganun pa ba sa panahon ngayon?
Our group has decided na matuloy na ang pagbisita namin sa orphanage this coming Sunday, kakaparty-party ko lang ng Saturday (yep may party sa school, party ng organization namin), aalis na naman ako sa bahay ng Sunday, haaay kakapagod. Ang hectic talaga ng schedule ng mga artistang gaya ko…Charot!!!
Mga 10 na ako nakauwi sa bahay, sinundo naman ako ng aking dadiii together with my nanay, sister and little brother, in short sinundo ako ng buong pamilya ko.. I sleep immediately na din after washing off my make up, maaga pa bukas, ang intayan daw ay 8 o’ clock to 8:30 sa Mcdo near the church…
“Gising na, may pupuntahan ka pa diba.” Tapik naman sa akin ni nanay. At bumangon naman ako, anong oras na ba? 7 o’clock na??? Ano!?!?! Nananaginip ba ako? Pakisampiga nga ako muna… Tanghali na ako..
“7 to 7:30… Tas 7:30 to 8:30 byahe ko…” sabi ko habang nagcocount sa daliri.. Naligpit ko na kaagad ang higaan ko… Kakain pa ba ako..? Wag na, maliligo na ako, tanghali na eh. After being all set and done, nagpaalam na ako kay nanay at umalis.. Marami namang jeep na nadaan na pwede kong sakyan kaya medyo nabawasan ang pagka-badtrip ko…
I looked on my phone para tignan kung may nagtext about sa gagawin namin ngayon at meron nga naman, si Fey…
From Fey:
“Guys, pinasasabi ni Maricon na 8:30-9:00 na daw ang hintayan sa mcdo.”
Shettttt!!!! Ang aga ko… Madaling madali pa naman ako kanina… Ano namang gagawin ko sa Mcdo neto.. Makikipagtitigan sa mga pagkain na nasa counter… Magsalita kaya ang mga yun at kausapin ako? Haaaaay… Inaantok pa din talaga ako..
Nakaupo ako sa tabi ng driver now… Hindi ako sa likod umupo kasi I don’t know how much ang pamasahe sa lugar na pupuntahan ko, baka singilin pa ako ng malaki kaya tumabi na lang ako sa kanya… Since minsan ko na lang din ‘toh magawa…
To Fey:
“Awtssss, nakasakay na ako sa jeep.” Reply ko sa kanya.
“Nakuuuu, ang aga mo, nasa bahay pa lang ako, nag-aabang ng tricycle. Ingats ka.” Sagot naman nya.
“Wokayyyy, thanks!” sagot ko naman…
Hindi pa nagtetext ang aking laaabs… Galit nga pala yun saken… At di ako pumayag makipagdate… Tsss.. Bad day talaga… =______= Haaay
Ambilis pa ng jeep… I am already in Mcdo by 8’ o clock… It’s Sunday at may nagmimisa sa church.. Umattend muna ako sa misa at tinapos ito.. Daming tao sa loob ng simbahan.. I remember nung magkausap kami ni Sir na sinabi nya kung saan sya nakatira and I actually knew the place, malapit lang yun dito… I was praying at bigla syang sumagi sa isipan ko… What if nandito si sir??? Paano kung nakikita nya ako, or nagsisimba din sya.. Hmmmm.. Pero alam ko may class sya every Sunday, nag-aaral kasi sya ulit.. Impossible na makita ko sya ngayon..
BINABASA MO ANG
My Professor becomes my Suitor!?! (Based on real experience)
RomantizmAnong mararamdaman mo kapag ang taong matagal mo nang hinahangaan ay unti-unti na din palang nahuhulog sa'yo... Paano kung one day habang nagkakatext kayo bigla na lang sya umamin ng FEELINGS nya para sa'yo.. Waaaaaah!! Heart Atttaaaaackkk!!! Paano...