Cast:
Kim Hyoyeon as Audrey.
Kim Jong In as Luke.
Krytal Jung as Via.
Oh Sehun as Finn.~~~~~•
Naranasan mo na bang magmahal ng tao na akala mo, kayo na until the end?
Yung tingin nyo sa sarili nyo, 'Perfect Match' na kayo? Pang-forever na?
Pero mali pala lahat. Akala lang pala yon.Ako si Audrey Ramirez. 13 years old. simpleng babae na galing sa simpleng pamilya. Hindi kami mayaman, may kaya lang.
Isang araw habang nagdidilig ako sa garden namin, napansin kong may bagong lipat sa bahay na malapit samin. As in mga tatlong lakad lang ata ang layo.
"Nice, may bagong kapitbahay." Bulong ko sa sarili ko.
Nagpatuloy nalang ako sa pagdidilig ko ng mahagip ng mata ko ang isang lalaking may dala-dalang dalawang malalaking box. Mukha talagang nabibigatan sya kaya lumabas ako ng back gate at nilapitan sya.
"Umm.. kailangan mo ng tulong?" Tanong ko sakanya.
Di sya makasagot kaya kinuha ko na kaagad yung isa pang box. Mabigat nga pero kaya naman.
"Umm.. okay ka lang?" Tanong nya.
"Oo, okay lang. Saan ba to ilalapag?" -Ako.
"Dito, sundan mo ko." Sambit nya. Sinunod ko nalang sya.
Nang maibaba na namin yung mga box na dala namin. Nagpahinga muna kami.
"Ako si Luke Villareal. Ikaw naman si?"
"Audrey." Sagot ko.
"Salamat pala Audrey sa pagtulong mo." Nakangiti nyang sabi.
Nang tignan ko sya. Ang gwapo pala nya. Kahit medyo maitim sya. Nangingibabaw naman ang kagwapuhan nya. Ay! Crush ko na sya.
Ayy! Grabe. Ang landi ko. Pero ano to? Crush at first sight?!
"Walang anuman." Sagot ko.
"Umm.. ano? Friends na ba tayo? Saan ka pala nakatira?"-Sya.
"Dyan lang oh." Turo ko sa bahay namin.
"Ang lapit lang pala." Komento nya. "Saan ka nag-aaral?"
"Sa GrandRose University." Sagot ko.
"Ah! Doon din daw ako mag-aaral! Edi magiging magkaklase tayo." Natatawa ako kasi para syang bata na ang saya saya.
"Oo nga!" Natatawang sabi ko.
Bigla naman syang napatigil na ikinataka ko. "Bakit?"
"Ha?.. W-wala!"
Luh? Ano namang nangyare sakanya!?
"LUKEEEE!" Tawag ng isang babae sakanya. Mommy nya ata. Ang ganda ah.
"Mama, si Audrey po. Kapitbahay natin." Pakilala ni Luke.
"Hello po! Magandang umaga po!" Bati ko kay Ms. Villareal.
"Magandang umaga din! Pano kayo nagkakilala?" Tanong ni Ms. Villareal.
"Tinulungan nya po kasi ako sa pagbuhat nung mga box ko." Sagot ni Luke.
"Ah. Salamat iha, ah?" Nakangiting sabi ni Ms. Villareal.
"Walang anuman po, Ms. Villareal." Nakangiting sabi ko.
"Tita Lauren nalang tawag mo sakin. Tutal, magkaibigan na din naman kayo ni Luke."
"Sige po!" Masayang sambit ko na ikinatuwa ni Tita Lauren at Luke.
~~~~~~~•
Habang tumatagal nagiging magkaibigan kami ni Luke. Lagi kaming magkasama, sa bahay nya, sa bahay ko at sa park. Hindi mo kami mapaghihiwalay.
BINABASA MO ANG
I'm Happy For You. (ONE SHOT- KAIHYO)
Short StoryAkala mo, kayo na until the end. Yun pala, hindi kayo ang para sa isa't isa. Wala ka nang ibang masabi kundi. "I'm happy for you." ~~~~~~ Kai and Hyoyeon fanfic. :D