Chapter 26: Dapat ba?

2.8K 105 3
                                    


AUBREE'S POV:

          NARAMDAMAN kong umiba ang hagod sa likod ko ng sunblock ni Balot pero hindi ko ito pinansin.
Nakadapa lang ako at nagmumukmok sa pagdating ni Tweeny.

            Stupid game, stupid love. Nakakainis! Bakit pati siya, andito?
Ito ba 'yung sinasabi ng admin na tutulungan ako? Tutulungan ako na ano? Kakaisip ko ay di ko namalayang napa "Aaaaahhh...." ako sa inis.

           "Okay ka lang Bree?" Sus! Kaya pala parang pamilyar ang hagod sa likod ko, si Geela na pala ang nag aaply ng sunblock sa likod ko!
Marahan akong tumayo.

           "Bakit ikaw ang nagpapahid? Nasa'n si Balot?"
            "Mas gusto mo ba ang himas niya kaysa sa kin?"
             "Tigilan mo ko Geela Maina ha! Tapos na ang usapan natin sa pagpa-practice mo. Andito na 'yung jowa mo, doon ka pumunta!"
            "Wait! Bakit ka ba nanggagalaiti?"
             "Manhid ka ba?"
             "What do you mean?"
            "Wow ah!" Tumayo ako at kinuha ang balabal ko sa buhangin atsaka lumakad palayo kay Gee.
Hinabol niya ako ng lakad hanggang sa nahablot niya ang braso ko.

            "Aubree wait!" Nagpumiglas ako at nakatakbo ulit. Hanggang sa dulo ng beach ay nakaabot ako at nahinto sa tapat ng isang puno. Hiningal na ako eh.

             "Aubree bakit ba? Galit ka ba? Hindi ko naman na giniit diba?"
            "Just help me na lang Gee, please..."
            "Saan?!"
            "Na mawala 'yung nararamdaman ko para sa'yo! Oh ayan! Alam mo na, okay ka na?"
            "Bree..."
             "Unang kita ko pa lang sa 'yo sa reunion, tumibok na puso ko Gee. Hindi ko man nauunawaan noon pero inaamin ko na ngayon na ... may feelings na ako sa 'yo. I keep on denying dahil mali. Mali dahil pareho tayong babae. Noon, 'yun ang reason ko. Pero mali, dahil hindi mo maibabalik ang damdamin na 'yon dahil may gusto kang iba. Pumayag ako sa set up mo na magpractice sa pagiging romantic dahil kahit doon man lang, doon man lang makasama kita at maramdaman kung paano ba bigyang pansin ng isang Geela ang feelings ko. Pero, there came Tweeny, the woman who owns your heart. Saan ang laban ko do'n Gee?"

             "Eh ni hindi ko nga alam bakit nandito siya.."
           "Oh, you should be happy, shouldn't you?"
            "Bree please..."

           Nagsusumamo ang boses ni Geela. Tsaka ko naman napansin ang isang inukit na image sa puno sa tapat ko. Pangalan ni Sally at Vienna. Mas lalo namang tumindi ang selos ko.
Humarap ako sa kanya at pinipigl ang luhang gustong bumagsak.

               "Look Gee, I am  sorry. Una pa man, alam ko na kung saan ako nakalugar. Alam ko 'yon. Sorry if I am feeling this way. Acting like a child but please spare me from feeling deep hurts in the process. Don't be selfish."

          Pagkasabi no'n ay naglakad na ako palayo sa kanya. I joined Balot and Sally in their jetski. I need to erase them from my head.

           Hindi ako sumabay sa tanghalian. Pangatlong araw na dapat akong mag enjoy. Hindi ako dapat magmaktol. Hindi ako nag iinarte pero wala ba akong karapatang magdamdam at awayin...ang sarili ko? :(

            Kinuha ko ang laptop ko. Kung may mabuti mang nangyari sa bakasyon na ito ay napag tuunan ko ng pansin at oras ang nobela n ipapasa ko next week. Isang chapter na lang, okay na. Natapos ko ang isang chapter tsaka ako nakaramdam ng gutom. I know, hinahayaan lang ako nina Vienna ngayon.

                Pagbukas ko ng pinto ay siya namang pasok ni Gee. Hindi kami nag kibuan. I bet, kukunin na nya ang mga damit niya at doon sa room ni Tweeny matutulog. Kumirot ang puso ko sa isiping magtatabi silang matulog.
Uhhmm....ano'ng karapatan ko? 'Yan ang dapat kong isaksak sa isip ko.

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon