Chapter 50: First Time

106 6 0
                                    

Nicole's POV

"Napapadalas na ata ang pagpunta mo dito, Jack? Hindi pa naman schedule ng check up ng ngipin mo. Nililigawan mo ba si Nicole?" Tita

"Opo tita." Jack

Nagulat ako sa sagot ni Jack. Grabe siya ah? Ang honest!

"Talaga? Well, it's okay with me. Mabait ka naman kaya may tiwala ako sa iyo." Tita

"Salamat po tita!" Jack

"Sige na. Umuwi na kayo baka gabihin pa kayo." Tita

"Bye tita!" Ako

Lumabas na kami ni Jack sa clinic.

Nasa loob na kami ng sasakyan ni Jack. Pinaulanan ko siya agad ng hampas.

"Ano bang sinasabi mo kay tita ha? Bakit mo ba yun sinabi ha?" Ako

"Aray Nic! Totoo rin naman yung sinabi ko kay tita. Sagot mo na lang yung hinihitay ko." Jack

Hinampas ko siya ulit.

"Oo na! Oo na! Pasalamat ka at gusto ka ng tita ko!" Ako

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Oo? Ibig sabihin?" Jack

"Oo nga sabi! Ang kulit!" Ako sabay hampas sa dibdib niya

Niyakap ako agad ni Jack.

"Yes! Yes! Finally! Yes!" Pagsisigaw niya

Ngumiti ako.

Yes nga! Finally! Naging kami na rin!

"Tara muna sa bahay niyo. Sasabihin natin sa pamilya mo." Jack

"HAH?" Napasigaw ako sa gulat

Pinaharurot na niya ang sasakyan.

Talaga? Ngayon na kami pupunta sa bahay namin?

Rebecca's POV

Pababa na ako mula sa opisina ko.

Nakareceive naman ako ng text.

From TJ:
'Mee, nasa labas na ako ng company niyo. I'll wait here.'

Akala ko binibiro lang niya ako.

Nagmadali akong lumabas ng building.

Nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya.

Napangiti ako.

"DEE!" Sigaw ko

Napatakip ako ng bibig ko.

Tumakbo siya palapit sa akin.

"Did you just call me dee?" TJ

Pati ako nagulat sa lumabas sa bibig ko.

"Hah? Hi-hindi ikaw ang tinawag ko. Yung.. Yung nagtatrabaho sa kompanya namin. Si.. si.." Ako

Naghanap ako ng tao sa labas pero bakit walang tao? Bakit kami lang dalawa ang nandito?

"Si?" TJ

Hindi ako makasagot.

Ngumiti siya at niyakap ako.

"I'm so happy!" TJ

Tinignan niya ako.

"Let's go, mee?" TJ

Tumango ako.

Hawak niya ang kamay ko papunta sa kotse niya.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang saya-saya ko pag nasa tabi ko siya.

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon