*Brrrr....* ang lamig!
"Sab, Sab!!! Bangon na! Diba 7:30 pa ang pasok mo? Mahuhuli ka na naman nyan sa klase!!" Sigaw yan ng mama ko.
Bumangon ako ng padabog at ginawa ang ritwal ko bago pumasok sa paaralan. Simple lang naman ang ritwal ko, katulad din ito ng kahit na sinong istudyante- pagsisipilyo, paliligo, pagbibihis at pagsusuklay. Bumaba na ako at kumain ng hinandang almusal sa akin ni mama. Matapos kong kumain at magpaalam sa mga magulang ko ay diretso na ako sa paaralan. Malapit lang naman ang paaralan sa bahay namin. Pwede lang malakad, pero kung katulad ngayon na tinatamad ako, papara na lang ako ng tricycle papunta don. Ganun ako ka tamad! Mahehehe #^_^#
Pagpasok na pagpasok ko sa pamantasang pinag-aaralan, lingon sa kanan, lingon sa kaliwa. Hinahanap ko kasi ang matalik kong kaibigan, si Anne at ang mga kaklase ko. Nang hindi ko sila matanaw, dumiretso na lang ako sa ikalawang palapag ng gusali kung saan naroroon ang aking silid-aralan para sa isang napaka walang ganang subject, and Statistics 101. okay na sana ang aking araw kahit na mayroon akong statistics 101, kung hindi ko lang nakita ang panira. Si STORM CRISTOFF DEOCAMPO. Ang pinaka wlang modo, mayabang, arogante, at pinakademonyong bayo sa balat ng lupa. Siya ang sikat na mr. Freshmen dito sa pamantasan mula sa Engineering Department. Kilala din siya bilang "heartthrob " ng pamantasan. Pero kahit ano pa siya o sino pa siya, wala akong pakialam. Ang sama-sama kaya ng ugali ng bagyong yan! Nakkkuu!! -_-
"Oy Sam! Ganda mo ngayon ah!" Sabi ng bagyo
"Lagi naman akong maganda." Sabay irap at tumalikod sa kanya. Narinig ko pang tinawanan siya nang kanyang mga kaibigan at kinanchawan.
"Hahahaha.. Wa epek ang kapogi-an mo kay Sam 'dre!!!" Nagmamadali na akong lumayo sa kanila kasi baka ma pikon si "bagyo" at patulan pa ako nun.
Siya nga pala, bago ko makalimutan, ako nga pala si SAMANTHA IGNACIO. Isang first year accountancy student ng pamantasang ito. Maganda naman ako, kaya nga Ms. Freshmen, diba? Matalino rin naman kasi nakapasa sa entrance exam ng pamantasang ito. Mabait din daw kahit may pagka suplada. Simple lang ang buhay ko bilang isang ordinaryong maganda at matalinong estudyante. (*¯︶¯*)
Isa lang ang panira, si "Bagyo". Binubully kasi ako nyan eh! :(
Hindi naman pisikal na pambubully o di kaya'y panlalait na pambubully. Yun bang tipong lagi niya akong pinupuri sa harap ng maraming tao. Pambubully ang tawag ko dun kasi naiinis at nahihiya ako sa mga pinag-gagawa at pinag-sasabi niya sa akin.
Nang pumasok na ako sa silid-aralan namin. Laking gulat ko nang nagsisimula na palang mag-discuss ang lagi naming late na guro. Lahat ng mga mata nila ay nakatuon sa akin. Teka nga?! Late lang ako hindi kriminal!.
"Good morning Ma'am. Sorry for being late." Sabi ko at dumiretso na sa upuan ko.
"Hoy, Sam, bakit ngayon ka lang?" Si Anne ang matalik na kaibigan ko at katabi ko sa upuan.
"Si bagyo kasi eh... sinira na naman ang araw ko. Dumagdag pa sa rason kung bakit
ayaw kong pumasok sa araw na'to. Siya nga pala, anyare?? Bakit ang aga pa niyan? " Sabay turo ko sa nilalang na nagtuturo sa harap- si statistician.
"Ah.. sabi niya para maiba namn daw." Sagot ni Anne
At 'yun na yun. Nagsimula na ang tatlong oras na kayamutan. Ang boring talaga ng subject na 'to. Wala talagang pweding gawin kundi amg makinig. Napatingin ako sa armchair ko. Naalala ko ang sinulat ko nung nakaraang araw, "HI... DITO RIN KLASE MO?? ANO MASASABI MO SA KANYA?? AKO B-O-R-I-N-G. hhehe:)
At nagulat ako ng may sumagot sa sinulat ko.
"OO DITO RIN KLASE KO. BORING NGA. ANO NAME MO? AKO PALA SI ESSI."
Hindi kp alam kung sasagot ba ako o hindi. Hindi ko talaga inaasahan na may papatol sa ginawa ko. Bigla na lang tumunog ang bell. Tapos na ang klase. Agad-agad akong nagsulat, "IM SAM." Paglabas namin ng kwarto ay nakaabang na ang susunod na klase ni ma'am. Ang first year Engineering. Ang klase kung nasaan si bagyo.
Lumipas ang mga araw at patuloy ang pag-uusap namin ni Essi sa armchair. Halos mapuno na namin ang upuan. First year engineering student pala si Essi. Magkaklase pala sila ni bagyo. Araw earaw pa rin akong kinukulit ni bagyo. Parang nakasanayan ko na rin ang pangungulit niya. At minsan hinahanap-hanap ko na.
Excited na akong pumasok sa statistics. Anu kaya ang sinulat ni Essi? Nitong mga nakaraang araw kasi parang nahuhulog na ako sa taong sumasagot sa upuan ko kahit hindi ko pa siya nakikita. Paakyat na sana ako sa ikalawang palapag ng may tumawag sa pangala ko.
"Sab! Sab! Sab!" Paglingon ko ay napasalubong ang kilay ko sa taong tumawag sa akin. Si bagyo. Humihingal pa siyang lumapit sa akin. "Sab, pwede mo ba akong tulungan sa assignment sa statistics?"
"Ano?! Seryoso ka? Bakit sa akin? Marami naman diyang iba." Sagot ko sa kanya at aalis na sana, ngunit pinigilan niya ako.
"Sige na naman oh.. wala kasing may matinong tutulong sa akin." Bakit ba ana gwapo ng bagyong ito? At bakit ngayon ko lang napansin?
" oh sige. Ito na lang ang papel ko, tutal sa susunod pa naman ang deadline namin. Sa'yo na muna yan. Okey? Oh siya. Aalis na ako at baka mahuli na naman ako sa klase." Nagmamadali na akong umalis baka kasi makita niya ang namumula kong mukha. Bakit ganito?
Wala pa si statistician. Ayos!. Pagpasok ko diretso agad ako sa upuan ko at tinignan kung may sagot si Essi sa akin. Walang sagot. Ha? Bakit?
"Sab! may naghahanap sa'yo" tawag sa alin ng kaklase ko.
"Papasukin mo na lang, Kate. Wala pa naman si ma'am. " sagot ko sa kaklase ko na hindi pa rin inaalis ang tingin sa armchair." Bakit hindi siya sumagot? Nagsasawa na kaya siya sa kakasulat?
"Hey, Sam! salamat pala sa assignment mo ha----" napatingin ako sa nagsasalita.
"Ah sige, tapos ka na ba?" Matamlay kong sagot sa kanya.
"I-iikaw si Sam?" Tanong niya na siya namang nagpakunot ng noo ko.
"Ako naman talaga si Sam!" Sagot niya sabay ngiti.
"Annoo??!" Napatayo ako sa sinabi niya "anong ikaw si ESSI??"
"Ako si ESSI, "ES" for storm ang "SI" for cristoff. Ako ang sumusulat diyan sa armchair. Dito rin ako nakaupo.
"H-h-hhaa? T-talaga?" Bakit ganito ang nararamdaman ko? Diba dapat mainis ako? Pero bakit parang ang saya ko? Parang ang saya ko na si Essi ay si Storm?
"Sab?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam mo bang matagal na akong may gusto sa'yo?" Nagulat ako dun.
"Kaya nga nagpapapansin ako sa'yo araw araw. Pero wala eh, hindi mo pa rin ako mapansin. Nang makita ko ang nakasulat sa upuan ko, agad agad akong sumagot. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero parang may nagsasabi sa akin na dapat akong sumagot. Kaya ang saya-saya ko ng malaman ko ba Sam rin ang pangalan ng nagsusulat sa armchair. Akala ko bindi ikaw 'yun. Pero umaasa pa rin akong baka ikaw nga 'yun. Pero ngayon alam ko na na ikaw nga si Sam." pagpapatuloy niya. Habang sinasabi niya ang mga ito, parang unti-unti ko rin narealize na may gusto rin pala ako sa kanya.
"Kaya sasabihin ko ngayon sa harap mo Sam, pwede ba kitang ligawan?"
"OO NAMAN!!" Hindi ko alam kung bakit ganito ang sagot ko, basta ang alam ko masaya ako at magiging masaya ako. :)
Ang destiny nga naman. hindi mo masasabi kung kailan at sino ang right guy para sa'yo. Kusa itong dadating at masasabi mo na lang sa sarili mo na "he is destined for me:)"
---the end---
(hope u like it!!!)