So maybe it's true, that I can't live without you
And maybe two is better than one
But there's so much time, to figure out the rest of my life
And you've already got me coming undone
And I'm thinking two, is better than one---- by: boys like girls
ang kwentong 'to ay tungkol sa pag-iibigan na nagsimula sa simpleng text sa cellphone.I know marami ang makaka relate,sana magustuhan po ninyo ang love story nina khali at arion.
Chapter 1
"Khali uuwi ka ba ngayong pasko sa inyo?"tanong ni devin sa kanya habang busy ito sa pagbutingting ng cellphone.kaklase niya ito,nasa ikatlong taon na sila sa kursong medisina sa St.Thomas Doctors University.
"Oo naman,parati naman ako umuuwi sa amin every christmas.how about you?still dont have any plans in visiting your family in manila?"balik tanong niya dito.
simula kasi noong unang taon nila bilang magkaklase ay hindi pa niya ito nakikitang umuuwi sa manila tuwing pasko o kahit wala na silang pasok.alam niyang hindi maganda ang relasyon nito sa pamilya pero kahit ganun hindi naman ito naging pabaya sa pag.aaral..in fact matalino si devin.
"Wala naman akong pamilyang uuwian sis,unlike you and the two other girls"malungkot na pahayag nito sabay lagay ng cellphone sa bag.sina shuzie at casmine ang tinutukoy nitong two other girls,ka bandmate nila.
kahit busy sa school nagawa parin nilang magtayo ng banda,magkakaiba man ang ugali ng bawat isa pero pagdating sa musika nagkakasundo silang apat.2 years ago itinayo nila ang bandang BAND AID..gulat kayo noh? kung bakit ito ang name ng grupo.well,kami din nagulat hehe!..Sa tuwing may okasyon sa university sila ang parating iniimbitahan para tumugtug,exclusive lang ang banda sa school at hindi sila puwedeng tumugtug outside kung hindi binibigyan ng permiso.Maganda ang feedback ng banda at parati silang present sa university magazine ang POISE.
Pauwi na si khali sa kanyang apartment ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.Isang mensahe ang kanyang natanggap mula sa numerong hindi naka register sa phonebook.
"hi musta?" ang nakalagay na mensahe.pero imbes na mag reply ay binalewala nalang niya sabay delete sa message.
Pagpasok sa bahay ay agad niyang inilagay ang bag sa sofa at nagtuloy-tuloy sa kusina para uminom ng tubig.habang umiinom ay biglang tumunog ang cellphone niya,hindi message kundi isang tawag ang kanyang natatanggap.patamad niyang kinuha ang phone sa bag sabay pindot ng answer button.
"hello"bati niya sa kabilang linya.Hindi agad sumagot ang kanyang caller.bigla niyang inilayo ang phone sa kanyang tainga at tiningnan sa screen kung sino ang kanyang caller pero hindi naka register ang numero.
"hello,sino to?"tanong niya dito
"hi,sorry naka register kasi ang number mo sa phonebook ko,try ko lang tawagan"sagot nito sa kabilang linya.isang lalaki ang tumatawag sa kanya,infairness maganda ang boses nito pang bedroom voice.geezzz!what am i thinking?
"naka register ang number ko sayo?how come?hindi naman naka register yong number mo sa contacts ko"aniya dito
"I think we've already talked before,your name is khali, right?ako yung cousin ni trex"sagot nito sa kanya.
Natatandaan niya one year ago may nag text sa kanya,ibinigay daw ang number niya ni trex-kaibigan niya ito sa leyte.pero hindi niya ma remember ang name nito dahil hindi naman siya nagka interes.4 times lang yata siya nag reply,hindi kasi siya sanay makipag textmate dahil para sa kanya aksaya lang ng oras yun.
"still there?"putol nito sa iniisip niya.
"yeah,sorry..whats your name again?,I forgot na kasi"
"Im arion from leyte"
"ah,okay,do i have to introduce myself?kilala mo na naman ako diba?"mataray na sabi niya dito,sabay taas ng kilay as if nakikita ng kausap niya ang kanyang ginagawa.Ipinapahalata niya dito na naiinip na siyang makipag usap.Pero ang totoo na curious siya dito,parang may nagsasabi sa kanyang "continue talking to him".nakakahalina kasi ang boses nito.hhmmpp..baka puro boses lang ito.
"well,ang alam ko lang khali ang name mo and your working.yun lang..sorry kung naistorbo kita"hinging paumanhin nito,parang biglang nalungkot ang boses.
"ahhmmpp..hindi naman,sige magbibihis muna ako,kadarating ko lang kasi"paalam niya dito
"okay sige,pwede ba kitang tawagan mamaya?yun eh kung wala kang gagawin"
"o-okay kaw bahala,bye"aniya sabay pindot sa end button.biglang may sumilay na ngiti sa kanyang mga labi..whats that for?
kinikilig ako sa simpleng tawag na yun?namen!first time ata to,anong meron dun sa guy na yun?