Siguro (One Shot)

154K 2.6K 855
                                    

Uso ngayon ang taguan ng feelings.

~*~

Naalala mo ba nung una tayong nagkita sa canteen? Umiiyak ako nun halos mawalan na ng malay sa sobrang hagulgol ko at sa sobrang nerbyos sa nangyare tapos eto ikaw dumating para tulungan ako.

Naalala mo ba nung napasubsob ako sa putikan at pinagtawanan ako ng buong klase dahil sa sobrang gusgusin ko tapos eto ikaw pinatayo mo ko at tinulungan ako.

Naalala mo pa ba nung nasanggi kita at tumapon ang iniinom mong kape sa iyong uniporme na halos nginigin ka na sa sobrang init pero sa halip na magalit ka sakin ay ngumiti ka nalang.

Tatlong beses, tatlong beses mo ako tinulungan.

Naalala mo pa ba nung lagi na tayong magkasama sa canteen uwian pasukan at naging matalik na tayong magkaibigan.

Malimit na tayo magtext magtawagan at magkita. Pumupunta ka pa samin at halos kapamilya na ang turing namin sayo dahil na din sa sobrang close mo kayna mama at papa.

Dun na ako nagsimulang mahulog sayo.

Naalala mo ba nung Valentines day natin? Madaming mga couples sa sulok sulok at eto ako ngayon nakaupo lang at nagbabasa at ng dumating ka

"Ui Ria tara dun tayo sa couple booth. Punta din tayo sa gym madami daw palaro dun sali tayo at pagnanalo ako ibibigay ko syo ang mapapaluhan natin tara!" tuwang tuwa ka at hinihigit mo pa ako nun.

Kaso

"Ok lang, ikaw na muna ayoko e di ako mahilig dun" biglang nawala ang mga ngiti mo sa labi at

"Ok lang, si-sige babye na. Unang beses nga pala."

Kaso natakot ako, naunahan ako ng takot. Pero ang hindi ko.makalimutan sa lahat na halos na hindi ako makatulog ang nung sinabi mong

"Unang beses."

Ewan bakit parang merong nasa likod ng dal'wang salitang yan ang nakakasakit ng dibdib ko.

Naalala mo pa ba nung dumating ang araw ng prom natin at nakaupo lang ako sa isang tabi habang ay iba ay mga naghahanda sa okasyon.

"Ria may kapartner ka na sa prom?" tinanong mo sakin sabay upo sa tabi ko.

Sa sobrang gulat ko nun hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi nangangatog ang buo kong katawan dahil hindi naman talaga ako aattend kasi hindi ako sanay.

Napatungo nalang ako at nagiisip kung anong isasagot ko sa tanong mo.

Kaso hindi mo ako hinintay, umalis ka nalang at sinabing,

"Ok lang Ria, hahanap nalang ako ng iba. Ibang taong nakakaramdam ibang taong sasagutin ang tanong ko. Pangalawang beses na nga pala"

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Bakit hindi ako sumagot?

Gusto kita Ken. Gusto ko ako yung isasayaw mo sa prom. Gusto ko ako yung katabi mo sa mesa habang tumatawa parehas. Gusto ko na ikaw yung unang magbibigay ng unang bulaklak na matatanggap ko sa prom.

At gusto ko makasama kita sa mga oras na yun.

Natapos ang prom at madalang nadin tayo nagtetext pag may itatanong ka lang ng assignments at kung mag ggm ka lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Siguro (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon