(Natalia's POV)
Nakauwi na ako at pumasok na rin ako sa bahay namin . Nung pumasok na ako nagulat talaga ako kay tita at nanay nakatayo mukhang naghihintay ng paliwanag ko kasi late na ako umuwi."Tita , nay mano po"- sabi ko sakanila at nagmano ako
"Bakit ka ginabi"- sabi ni nanay
"Uhmm a ka- kasi po natraffic "- sabi ko
"O sige magbihis kana "- sabi ni nanay
"Sige po "- sabi ko
"Nay okay na po ba kayo?"- ako
"Ok na ako anak wag ka nang magalala"- nanay
"Sige po"- sabi ko at pumanik na si nanay habang si tita naghihintay ng paliwanag ko
"Tita eto po pala pasalubong ko sa inyo ni nanay"- sabi ko at inabot ko kay tita
"Nakita ko yung kanina ah"- sabi ni tita sabay ngiti
"Yung ano po?"- tanong ko
"Yung naghatid sayo"- sabi ni tita
"Manliligaw mo ba yun ayieee!"- sabi ni tita
"Tita hindi po kaibigan ko lang po si luke"- ako
"Eh bakit hinatid ka niya ano tawag dun?"- sabi ni tita sabay kiliti sa bewang ko
"Hahahaha tita tama na ! Kaya niya po ako hinatid dahil uuwi narin raw po siya kaya sinabay ako"- ako
"Talaga lang ah pero infairness gwapo siya at bagay kayo ayieeee"- sabi ni tita
"Tita magkaibigan lang po talaga kami ni luke"- ako
"Sure ka?"- tanong ni tita habang nakangiti
"Opo "- ako
"Ayieeee! Nagdadalaga na talaga yung pamangkin ko "- sabi ni tita
"Kayo talaga tita sige po panik na rin po ako sa kwarto"- sabi ko
"Oh siya magbihis ka na"- tita
"Sige po "- sabi ko at pumanik na ako sa kwarto nagbihis narin ako at magrereview ako ngayon para sa lesson namin . Biglang tumunog yung cellphone ko may nagtext ata kaya tinignan ko . Nagtext sakin sila nikki sa group chat namin .
(Best friends GC) ( N- nikki , M- mich, J- juliana, S- sofie, H- hopie, A- ako)
N: Natalia why are you not punta sa cafe kanina?
A:Sorry di ko nga pala nasabi sa inyo pinauwi kasi ako agad ni nanay .
J: were so worried about you kanina .
A: pasensya na talaga sa inyo napagalala ko tuloy kayo.
H: its okay ang importante ay safe ka .
A: salamat.
A: kamusta pala yung lakad niyo kanina .
N: uhmm yun kanina masaya .
M: guys i have a question nadadalian niyo ba yung ilelesson natin for tomorrow?
S: medyo i think mukhang mahirap .
N: oh my gosh talaga ang dami nating rereviewhin how about you natalia nagrereview ka na rin ba ?
A: oo andami nga rin natin irereview may recitation ata bukas .
H: ay! Oo nga ay forgot that sige guys out muna ako magrereview rin ako .
J: me too nakalimutan ko rin.
N: sige bye guys .
M: goodnight guys .
A: goodnight rin.