911
By: Arcie Olazo
"911.. What's your emergency?" sagot ni SPO2 Aldrin sa telepeno.
Isip isip niya na baka panloloko na naman ng mga taong walang magawa sa buhay ang tumawag sa emergency number. Mga dalawang minuto siyang nag antay sa sagot ng caller ngunit tanging hugong lang ng hangin ang madidinig sa kabilang linya. Maya maya pa ay pinatay na din ito ng caller.
"Haaay! Ano bang klaseng trabaho ito? Bakit dito pa ako na assign sa taga sagot ng tawag! Nakakasawa na, wala bang maaksyon? Yung tipong barilan." bulong nito sa sarili.
"Aba! Aldrin! Iba na yan? Kinakausap muna sarili mo!" bati sa kanya ng kasamahang pulis na si Dexter. Sabay nag tawanan ang ilang pulis na pang night shift din, pasado ala una na ng hating gabi ay gising pa din sila upang sumagot ng mga tawag.
"Ikaw banaman ang kumausap nalang ng kumausap sa mga taong andaming problema?! Hindi ka kaya mabiliw nun?!" biro ni Aldrin,
"Kung hindi nga lang ako ang inaasahan ng pamilya ko mag leleave muna ako, masyado na ako napapagod pare! Kaso ang kaisa isa kong anak mawawalan ng baon sa school kung titigil ako." dagdag pa ni Aldrin na naging malungkot at seryoso ang mukha.
"Naku! Pare, tiis lang. Maaalis ka din sa posisyon na yan!" sagot ni Dexter habang tinapik tapik ang balikat ni Aldrin sabay abot ng beer.
"Inom muna tayo pare at ng mahimasmasan ka!" dagdag pa nito.
"Mabuti pa nga siguro Pare." sabay bukas ni Aldrin ng bote ng beer at laklak dito, mga dalawang bote pa ay nakatulog ang dalawa.
Alas tres ng umaga ay nagulantang ang lahat dahil sa tunog ng telepono, isang emergency call na naman ang tumawag dito.
"911.. What's your emergency?" kahit papikit pikit si Aldrin ay agad niyang sinagot ang telepono. Mga ilang segundo pa ang lumipas at nagsalita ang caller.
"Diyos ko! Tulungan niyo kami! Maawa kayo!" nakakapanindig balahibong pag hahabol ng salita ang nadinig ni Aldrin sa kabilang linya. Para siyang nahimasmasan sa nadinig at umayos ng upo upang makipag usap sa caller..
"Okay, okay! Maam, wag po kayo matakot, wag kayo mataranta! Ano po ang pangalan niyo?" kahit na kinakabahan si Aldrin ay hindi niya inalintana ang bagay na yon.
"Ako si Marissa Falcon, Dito ako nakatira sa West Side Street 3314! Diyos ko! Tulungan niyo kami parang awa niyo na!" katal na boses ng babae sa kabilang linya.
Mabilis na tinype ni Aldrin ang impormasyong nakuha at agad na pinrint ito at binigay sa mga naka duty na pulis.
"Okay Maam! Copy! Wag na po matakot, kalma lang po! Ano po ang nangyayari?" hindi maipaliwanag ni Aldrin ang nadarama, pinag papawisan siya ng malamig na animoy pagod na pagod. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakahawak ng ganoong klase ng tawag.
"MALAKI SIYA! NAKAMASKARA! MAY HAWAK SIYANG PALAKOL! NASA MAY BINTANA SIYA!!!! AAAAAAAHHHHHH!" dinig na dinig niya ang pagkabasag ng bintana at iyak at sigaw ng mga bata pati ang mga alulong ng aso.
"MAAAAM! MAAAAM! MAGSALITA KAYO! MAGSALITA PO KAYO MAAM! ANO PONG NANGYAYARI??!!" hindi mapakali sa pwesto si Aldrin. Napasigaw na siya sa sobrang takot at kabang nararamdaman niya sa bawat sigaw na nadidinig sa kabilang linya.
Lumapit na sa kanya ang mga kasamahang pulis upang siya ay pakalmahin.
"Maam??" tugon nito.
Tanging mahinang paghinga at pag singhot lamang ang madidinig sa kabilang linya.
"naandito ako sa ilalim ng kama!" pabulong na sagot ng babae.
Agad na bumalik sa pagkakaupo si Aldrin. At nag pahid ng pawis na tumutulo sa kanyang mukha.