Hi guys! A long update for you. :) Matagal ako magupdate kasi hinahabaan ko po per chapter :) Anyway, sa mga nakabasa na po ng "Three Words, Eight Letters, Say it and I'm Yours" I'm proud to announce na it will soon be published! Yey! Support niyo po! :) Thank you! #3W8LBookSoon
Chapter 24
Hope's POV
Matapos ang 'Friends' icident namin ni Mico eh talagang naging friends na kami. Bakit? Lagi kasi kaming magkasama sa school.
AKALAIN MO YUN!
Si Chelsea kasi nagleave ng one week kasi dumating yung pinsan niya na galing Germany. Si Miks naman hindi nagpaparamdam sa akin. Pag makikita ko laging paalis o kaya nagmamadali kasi may pupuntahan. If I know may boyfriend yung baklang yun.
Si Enzo naman palaging kasama si Venice. Hindi sila mapaghiwalay ngayon. Si Bryle may tinatarget na babae kaya ayun.. Naiwan kami ni Mico na magkasama.
At hindi lang yun! Araw araw sabay din kaming umuuwi. Bakit?!
"Hey Hope, my mom texted me that we're having dinner again at my place tonight. After your class susunduin kita okay? Last class mo na naman after hindi ba?" nagnod na lang ako at dumeretso sa klase ko.
Pagpasok sa room wala si Miks at wala din si Chelsea. Nasaan na ba sila?! Kung kelan naman kelangang kelangan kong ikwento na friends na kami ni Mico!
At dahil wala akong makausap tinext ko na lang si Ate.
To: Ate Ü
Ate! Dinner daw ulit kina Mico later. Ipagpaalam mo ako kay Lola.
After 5 minutes nagreply na siya. Tingnan mo 'to! May class yun ngayon eh!
From: Ate Ü
Seryoso? May date kami ni Nathan mamaya eh :/ Alone si Lola? Sige cancel ko na lang date namin. Kayo ha, napapadalas yang dinner dinner! If I know........... Hoy Michelli ha.
Daming period noon ah. Tingnan mo 'tong ate ko. Alam naman na si Enzo ang lalabs ko!
BINABASA MO ANG
100 Steps To His Heart [Published Book]
عاطفيةNow a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng may gusto kay Enzo, part ng TRES GWAPITOS na kinabibilangan nina Enzo, Mico at Bryle. Isang araw, nakuha niya ang planner ni Enzo kung saan n...