Isang nakakainis na umaga nanaman!Hmp...Masama gising ko. Di kasi ako nakatulog kagabi kakaisip kay Xyriel.
"Xandra!" tawag ni kuya. Napalingon ako.
"Oh...maliligo kana?" tanong ko. May dala kasi siyang tuwalya. Eh saktong maliligo narin sana ako.
"Sige. Ikaw na muna maligo. Manonood muna ako." sabi niya sakin.
"O-okay...kumain kana muna." sabi ko.
:"hintayin na kita. Sabay na tayo." sabi niya. Nagulat ako.Bat ganon...parang biglang nagbago si Xyriel. Hindi na siya yung Xyriel na nakilala kong malamig ag pakikitungo sakin.
"Xandra...okay ka lang?" tanong niya.
"h-ha? ah...oo" sabi ko at pumasok na sa banyo.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
"Xyriel?" tawag ko sa kanya.
"Bakit?" sagot niya na di tumitingin sakin habang naglalakad kami papuntang school.
"Pwede magtanong?"
"Nagtatanong ka na nga diba?" kinabahan ako bigla. Baka sungitan nanaman ako nito.
"naalala mo ba yung una tayong nagkita at pinakilala sa isa't-isa ni papa?" tanong ko. Una ko kasing nakita nun nagulat siya sa di malamang dahilan tas bigla nalang niya akong niyakap nun.
"Oh...ano naman tungkol dun." masungit na sagot niya. Pero iba yung facial expression niya. Dapat di ko na inopen eh..tss...
"h-hindi..wala.." sabi ko nalang. Pero nakaabang siya sa sasabihin ko.
"ano nga yun?" sabi niya na halata mong interesado rin sa sasabihin ko.
"k-kasi...pwede ko ba malaman ano ang naisip mo nung una mo ko nakita?" sabi ko na medyo nahihiya kaya nakayuko ako.
"Naisip ko? Nagulat ako at napaisip...sa dinami-dami ng magiging kapatid ko, bat ikaw pa."sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya. Sumimangot ako.
"ang sama naman nun." sabi ko.
"totoo yun Xandra. Naisip ko talaga yun" diretsahang sabi niya. Dapat ba ako masaktan sa sinasabi niya. Kung kapatid lang naman talaga tingin niya sakin, wala akong magagawa.
"kaya pala...kaya pala noon palang malamig na pakikitungo mo sakin. Kasi noon pa, ayaw mo na sa akin. Sana sinabi mo nalang noon pa." sabi ko na nakayuko parin. Pinipigilan ko umiyak. Inangat niya ang ulo ko.
"sinabi ko bang ayaw ko sayo" sabi niya na maamo na yung mukha. "maraming mga bagay sa mundo ang mahirap ipaliwanag...at kasama na don ang nararamdaman ko...pero darating ang araw, malalaman mo rin yun." sabi niya.
"k-kung ganon...di ka galit talaga sakin? Gusto mo talaga ako?" tanong ko. Tumalikod siya at tumingala sa langit.
"Gusto mo umabsent muna tayo?" tanong niya. Nagulat ako nang bigla niya hawakan ang kamay ko.
"Ha?" gulat na tanong ko.
"Magcutting muna tayo." sabi niya. "isasama kita sa lugar kung saan nag umpisa ang lahat."sabay hila sakin.
"t-teka...Xyriel!" kaso hinila na niya ako.
Dinala niya ako sa playground na kung saan madalas ako maglaro nung bata pa ako. Bago ko pa siya makilala. Mga 3 years old ata ako nun nang palagi akong naglalaro dito. Nakilala ko si Xyriel nung 7 years old na ako. At siya, 9 years old siya nun.
"Naalala mo ito?" tanong niya. Tumango naman ako.
"dito ako madalas maglaro noon. Di na malinaw pero ang alam ko, dito ako dinadala palagi ni mama." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON HOLD)
Teen FictionEveryone wants a happy ending... everyone wants to fall in love... and everyone wants to have a perfect story... but what if you fell for the one who can never be yours... someone who is FORBIDDEN TO LOVE...