Chapter 5 Xandra

19 0 0
                                    

Mula nung araw na hindi ako sinabayan ni Xyriel, di na niya uli ako pinansin. Bigla nalang siyang bumalik sa pagiging malamig sa pakikitungo sakin. December na pero di parin niya ako kinakausap. Ni tignan nga di niya ginagawa. Parang may nagawa akong di maganda. Dalawang buwa niya ako natitiis, pero ayos lang sakin. Kayak o naming tiisin yun.Naniniwala naman akong mahal padin niya ako. Mahal ko siya kaya dapat maniwala ako sa kanya.

“Xandra!”napalingon ako.

“Oh…bakit Ken?” tanong ko kay Ken. Kbo Hinihingal-hingal pa siya. Close na kami ni Ken di katulad noon. Ewan ko ba. Pero naiintindihan niya ako, parang alam niya takbo ng isip ko at palagi niya akong sinasamahan. Karamay ko siya parati.

“Para sayo!” sigaw niya tas inabot niya sakin ang isang maliit na bag na may ribbon tas may mga candy sa loob. Natawa ako at tumingin sa kanya.

“Anong gagawin ko diyan sa candy? Ano akala mo sakin, bata?” tanong ko. Sumimangot siya.

“Di basta-basta candy iyan! Gawa ko yan. Pinaghirapan ko. Nagpaturo pa ako kay mama niyan. At sinadya ko para lang talaga sayo!” sabi niya na halata mong nagtatampo.

“Sus! Dami mo pang sinasabi eh ganon parin yan! Candy parin tawag dito.” Sabi ko. Binuksan ko at kumuha ng isa.

“Oh…anong lasa?” tanong niya. Natawa ako.

“Pwede na…” sabi ko. Pero ang totoo, masarap talaga.

“Ang yabang nito! Ang sarap kaya niyan! Ang tawag ko diyan ay…Ken’s Heart!” sabi niya. Tumawa ako.

“Ano yang pinagsasabi mo?” sabi ko.

“Buong feelings ko para sayo ang hinalo ko diyan kaya sumarap ng ganyan yan!” sabi niya. Sinimangutan ko lang siya. Adik talaga itong tao na ito.

“Oo nalang…salamat…” sabi ko.

“May bayad yan noh! Salamat ka diyan…” sabi niya. Nagulat ako.

“Ano?!? Teka, binigay mo ito diba? Wala ka sinabing may bayad!” sabi ko na gulat na gulat.

“At wala rin ako sinabi na libre yan…” sabi niya . Badtrip naman itong tao na ito!

“oo na…magkano ba?” tanong ko. Ngumiti siya ng nakakaloko.

“hindi pera gusto ko noh…” sabi niya. Niyakap ko ang sarili ko at umatras.

“anong gusto mo? Umayos ka Ken ha!” pabiro kong sabi.  Tinap niya ako sa ulo at ginulo ang buhok ko tulad ng ginagawa ni Xyriel.

“Sira ka talaga!” sabi niya. Pagkasabi niya nun, tinig ni Xyriel ang narinig ko. Bat ba hanggang ngayon siya parin ang iniisip ko.

“Hoy Xandra! Ok ka lang?” tanong ni Ken.

“H-ha? Ah…oo.” Sagot ko. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hilahin at yakapin.

“Niloloko mo ba ako? Eh tumutulo luha mo…yan ba ang okay?” sabi niya tas humigpit ang yakap niya. Di ko na napigilang umiyak lalo. “Xandra…matagal ko nang alam ang nararamdaman mo kay Xyriel. Pero wala akong pakielam dun…Mahal kita Xandra. At gagawin ko ang lahat makalimutan mo lang si Xyriel.” Sabi niya. Umalis ako sa pagkakayakap niya at tinitigan siya. Ano bang pinagsasasabi niya?!?

“Mahal kita Xandra…” ulit niya. Umiling ako.

“Tama na…tumigil ka…” sabi ko.

“Xandra, pakinggang mo ako. Please. Papayag akong maging instrumento mo . Hayaan mong mapatunayan ko sayo ang nararamdaman  ko. Subukan nating dalawa. Kahit di mo ako mahal, ayos lang! Basta ipangako mong gagawin mo ang lahat para kalimutan mo si Xyriel.” Sabi niya. Pinunasan ko ang luha ko tapos pinilit kong ngumiti.

“Ken…ano ba yang pinagsasasabi mo. Tara na nga. Pumasok na tayo.” Sabi ko tapos naglakad na paalis.

“Xandra!” pahabol niya pero di ako lumingon. “Pag-isipan mong mabuti. Please. Sa sabado, hihintayin kita sa plaza. Hindi ako aalis dun hanggat di ka dumadating. Dun ko rin gusto marinig anng sagot mo!” sigaw ni Ken. Tumuloy na ako sa paglalakad.

Nung uwian na nakasalubong ko si Xyriel. Pero nilagpasan niya lang ako.

“Xyriel!” sigaw ko nang lagpasan niya ako. Tumigil siya pero di siya lumingon.  “P-pwede bang…sabay tayong umuwi mamaya?” tanong ko at umaasang sasagot siya ng oo.

“hindi pwede.” Malamig na sagot niya sakin. “May date ako…” nagulat ako sa huli niyang sinabi.  Imposible yun. Ako ang mahal niya diba? Bat nakikipag date siya sa iba? Naguguluhan na ako.

“Xyriel…ano bang kalokohan yan? Ako ang mahal mo diba?” tanong ko.

“Di mo ba naiintindihan?” sabi niya na diretsong nakatingin sa akin. Nagulat ako nag biglang may tumakbo at yumakap sa kaya. Isang magandang babae.

“Xyriel…” tawag nung babae sa kanya na nakangiti.

“Tara…” sabi ni Xyriel sa kanya.

“Teka! Xyriel…anong ibig sabihin nito?!?” galit na sigaw ko. Nagulat yung babaeng kasama niya.

“Ah…nalimutan ko sabihin…Charmaine… kilala mo na si Xandra diba? Yung kapatid ko.” Casual na casual na pakilala ni Xyriel sa akin.

“Ohh…So you are Xandra.. .Ang babaeng palaging bukambibig ni Xyriel.” Sabi nnung babae. “Hi…I’m Charmaine. Girlfriend of your brother.” Sabi niya sabay stretch ng kamay para makipag handshake. Di ko inabot ang kamay niya. Tinignan ko si Xyriel dahil gulong-gulo na ako sa nagyayari.

“X-xyriel…hindi mo sinabi sakin ang tungkol dito.” mahina ko sinabi.

“Xandra, you’re being rude to charmaine. Magsorry ka.” Sabi ni Xyriel.

“No…It’s okay Xyriel. I understand. Nabigla lang siguro siya.” Sabi ni Charmaine.

“It’s not okay. Xandra, mas matanda ako sayo. Kaya pwede ba, igalang mo naman ako at ang girlfriend ko. Tawagin mo akong kuya. Baka isipin ni Charm walang galang ang batang kapatid ko sa akin.” Matapang na sabi niya sakin. Natulala ako. Ano bang nangyayari…

“Xyriel…stop it. It’s alright…Xandra I’m sorry. Baka wala lang sa mood ang kuya mo.” Sabi ni Charmaine. Pinunasan ko ang luha ko at matapang na tumingin kay Xyriel.

“Ok…gets ko na. Sige…kung ito ang gusto mo!!!” sigaw ko tapos tumakbo palayo. Malayo sa kanila. Malay okay Xyriel. Ang sakit…ako nga lang ba ang nag-iisip na mahal ako ni Xyriel. All this time umaasa ako at naniniwala sa pagmamahal na kahit kalian hindi naman talaga nagging totoo. Ang bobo ko!

Forbidden Love (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon