CHAPTER 9

68 6 0
                                    

Utterly Confused


"Oh? Sampung minuto ka na dyang nakaupo, hindi ka pa din gumagalaw? Hello?", naiinip na tanong ni Lee.

"Can you even hear me? Buhay ka pa ba?", kinakaway niya ang kanang kamay niya sa mukha ko.

Hindi ko siya tinitignan. Naririnig naman ko naman siya, pero para bang ayaw ko munang pansinin siya.

"Uyy!", naiiritang tawag niya.

Kahit na mainis siya saakin. Ayos lang. Wala kasi akong ganang magsalita. Parang sobrang napagod ako bigla. Napagod ako ng hindi ko alam kung bakit. Gusto ko munang manahimik, mapagisa, at hindi magisip.

Pero hindi ko maiwasan pagkatapos ng nangyari.

I laughed bitterly.

"Hala siya? Ngayon tumatawa ka ng parang baliw?"

Hindi pa rin ako nagsalita. Nakatingin pa rin ako sa table kung saan kanina naka-pwesto sina Mavis. Hindi siya nagiisa, kasama niya anak at maaring asawa niya.

Hindi ko talaga maintindihan. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.
Hindi ko mapag tagpo ang mga pangyayari, ang buong akala ko ay maaring nasa Italy siya para sa pangarap niya, ngunit ngayon ay may asawa na siya at may anak?

Pero sa laki ng batang iyon bakit parang masyadong matanda na ang bata o baka naman anak ng asawa niya? Sino yung lalaking yon? Bakit? Bakit ganito? Hindi ko talaga maintindihan.
Gusto kong maunawaan. Maliwanagan.

Ang taong pinakamahalaga saakin, may iba ng minamahal.

Pero hindi.

Hindi.

Imposible na ang isang Mavis Clare ay ganto ang buhay ang tatahakin, alam kong siya ang tao na hindi susuko sa pangarap niya, ang taong mas uunahin ang pangarap kaysa sa pagibig.

Pangarap bago ang pagibig..

Kaya ba siya umalis bigla noon? Dahil sa pangarap? O hindi ko lang talaga siya lubos na kilala noon para malaman kong mayroon na siyang ibang minamahal?

Alam ko at ramdam ko na may ginugusto na siya noon, ngunit ang akala ko ay ako. Ang kapal ko diba? at OO, naniniwala ako dahil nararamdaman ko. Hindi man niya sabihin, alam ko sa puso ko.

Or was it just my illusion that there's something between us back then?

"Hindi mo talaga ako pinapansin no? Sige iiwanan na kita, ikaw na bahala mag bayad sa mga kinain natin ha?", sabay tayo ni Lee sakanyang upuan.

"Ingat ka.", sagot ko naman sakanya.

Hindi umimik si Lee, umalis siya sa pinagkakaupuan niya tapos lumapit saakin at nag slow clap sa harap ko. Bigla akong napalingon sakanya, nangaasar ang itsura ni Lee, naka smirk tapos nakataas ang kilay at parang diva ang pag palakpak niya.

Napakunot ang noo ko.
Huh?

"Grabe siya oh! Alam mo gusto na kitang bigyan ng award. Yung pang gawad churva, ibang klase pag acting mo ngayon friend! Ikaw na! Ibat-ibang emowshiyown ang pinapakita mo today, may galit, may pag iyak, may pagkagulat, at ngayon naman para kang yung mga nasa koreanovela na kunwari cold hearted pero deep inside may care naman.
Napaka versatile! Dapat mag artista ka na lang at hindi photographer! Yung totoo Matt? Buong gabi ka nalang bang ganyan? Napakasimple lang naman na sabihin mo ang nangyari o sabihin mo na ayaw mo pag usapan! Hindi yung pinagmumukha mo akong baliw na dada ng dada wala naman akong kausap!",sabay pamewang ni Lee.

Hayy tama si Lee. Kaya din siguro feeling ko sobrang pagod ako, drain na drain na ako mentally at emotionally ngayong araw na ito.

"Kung ayaw mo mag kwento, ayos lang naman. Alam ko naman ayaw mo lang namang ma-sermonan ko ulit.", ipinatong ni Lee ang kamay niya sa kaliwang balikat ko.

Somewhat how it Ended is where it all BeganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon