Episode 6 Xyriel

23 0 0
                                    

Gusto ko siyang sundan nung mga oras na yun. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na mahal ko siya pero di ko magawa. Ang nagawa ko lang ay panoorin siyang tumakbo habang umiiyak . Hanggang kailan ko ba gagawin ang pagkukunwaring ito? Hanggang kailan ko lolokohin si Charmaine, si Xandra at higit sa lahat…ang sarili ko.

“Xyriel, ayos ka lang?” tanong ni Charm.

“h-ha? Oo…” sagot ko pero di ko siya tinititigan.

“Nagtataka lang ako. Bakit mo naman ginanon si Xandra kanina? Parang iritang-irita ka pag andiyan siya sa paligid pero pag wala siya, palagi mo naming binabanggit.” Sabi ni Charmaine. Tumayo ako. “Xyriel…”

“Tumigil ka na nga! Napaka daldal mo.” Sabi ko at naglakad na paalis.

“Xyriel teka!” tawag niya. “alam mo di kita maintindihan eh. Bakit pag tinatopic ko si Xandra umiiwas ka palagi. Nagiging rude ka bigla. Samantalang bakas naman sayo na gusting-gusto mo siya pag-usapan. Kung di lang kayo magkapatid, iisipin ko na may relasyon kayong dalawa eh!” napaclose fist ako at nanginig sa galit.

“Tapos kana? Aaalis na ako.” Sabi ko na pinipigil ang sarili ko.

“Teka!” sigaw niya uli. “Bakit kaba ganyan? Girlfriend mo ba talaga ako?!? Parang walang lang itong relasyon natin eh! Ano ako? Props mo lang? Masabi mo lang na may girlfriend ka? Sana nababasa ko nasa utak mo para naman maintindihan kita! Pero kahit anong gawin ko di ko talaga maintindihan takbo ng isip mo!”

“Di mo na kailangang basahin ang utak ko. Kasi kung ano ang nauunawaan at nakikita mo ngayon, yun talaga ang gusto kong gawin.” Sabi ko. Narinig ko umiiyak na siya.

“Kung ganon, gusto mo talaga akong paglaruan?” lumingon ako sa kanya.

“hindi mo pa talaga lubusang kilala ang mga lalake. Past time namin ang mga tulad mo. Atsaka ito naman ang gusto mo noon pa diba? Ang maging tayo…so ano pang problema?” sabi ko. Nagulat ako nag bigla niya akong sampalin.

“hindi ko alam bat ka ganyan…hindi ko alam bat mo ginagawa ito Xyriel! Ano bang nagawa kong mali sayo?!? Bat mo ako ginaganito!” sigaw niya sakin.

“wala kang ibang pagkakamali...” Casual na sabi ko. “Ang namumukod tangi mo lang na pagkakamali ay ang pinagkatiwalaan mo ako’t mahalin. Kaya kung nasasaktan kana…edi lumayo kana.” Sabi ko. Lalo siyang umiyak.

“Hindi ko maunawaan bakit ka ganyan. Pero alam kong may dahilan bat mo ginagawa ito. Alam ko yun…” sabi niya.

“Charmaine…matalino kang babae diba? Bakit ang hina mo umunawa?” sabi ko tapos naglakad na ako paalis.

“Siguro nga…” napatigil ako nang magsalita siya uli. “ mahina nga siguro ang utak ko at makitid ako mag-isip…dahil kahit anong gawin mo at sabihin mo na ikasasakit ng damdamin ko, di ko magawang magalit sayo. Bakit ba? Bakit nga ba di ko magawang magalit sayo?!?” sigaw niya. Bigla nalang bumuhos ang napakalakas na ulan. Napaluhod siya at umiyak. “Xyriel…mahal na mahal kita…gagawin ko ang lahat lahat…” sabi niya.

“gagawin mo ang lahat?” tanong ko.

“oo…please…” sabi niya.

“Kung ganon…layuan mo na ako.” Sabi ko.

“Xyriel…please…kahit ano..wag lang yun…” sabi niya na lumapit sakin at hinawakan ako sa mukha.

“Charmaine! Hindi mo ba nakikita…sinasaktan lang kita! Ginagamit lang kita para kalimutan ang isang taong mahal na mahal ko.” Sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko at napatitig.

“M-may iba kag mahal?” tanong niya.

“oo…kaya itigil mo na ito…” sabi ko.

“Hindi…ayoko…mahal na mahal kita.” Sabi niya at pilit na kumakapit sa damit ko.

“pero di kita mahal Charmaine…Patawad…” sabi ko tapos naglakad na ako palayo. Kasalanan ko bat siya nagkaganyan. Kung sana di ko nalang siya dinamay sa gulo na ito… 

Forbidden Love (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon