Chapter {6}

82 5 0
                                    

Kasalukuyan kaming nag lalakad ni Mikey. Sa kabilang direksyon ng building na pinagtutuluyan namin nina kuya. Tahimik lang kami pero bigla nyang binasag ang katahimikan ng mag tanong sya..

"Ahm, ano palang pangalan mo?" Sabi nya. Naalala ko naman na hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang pangalan ko. Kahit naman kasi sya, hindi nya pa din nasasabi ang pangalan nya. Pero ng dahil dun sa nurse kanina,nalaman ko.

"Macy" sagot ko naman saka ako ngumiti. Umiwas naman sua ng tingin at nakita ko na namula ang pisnge nya? May sakit pa kaya sya.

"Ako naman si Mikey" sabi nya sabay lahad ng kamay nya sakin. Kinuha ko naman ito at nakipag kamay. Sabay sabi ko na, "alam ko, kanina ko pang alam kung anong pangalan mo, kaya hindi na kita tinanong."

"Ah, ganun ba? "Sagot nya sakin"Pero saan ka pala nakatira?  dugtong na tanong nya pa.

"Wala pa sa ngayon eh, bago pa lang kasi ako dito at napadaan lang ako kanina sa school na yun" sagot ko sa kanya.  At kagaya na lang din ng sinabi saakin ni kuya kanina.

Nakita ko naman na lumiwanag ng bahagya ang mukha nya. Pero bigla rin itong nawala at parang bigla naging parang nag aalangan ito.

Sana naman patuluyib nya ako sa bahay nila hindi ba?  Patuluyin nya nga kaya ako? Hindi naman nya kasi ako kilala. Kaya hindi impossibleng hindi nya ako isama sa bahay nya..

Teka, sino kayang kasama nya sa bahay nila? May mama at papa kaya syang kasama? O mga kapatid? O Lola at Lolo?  Syempre siguro. Mga tao naman sila eh.

Pwede ko kaya syang tanungin? Baka pwede naman.. "Ah mikey, pwede mo ba akong patuluyin muna sa bahay nyo? Tanong ko sa kanya. 

Mukhang nag aalangan syang sumagot ng oo.. Hindi ko rin maisip kong oo na o hindi ang isasagot nya...Malayo na din pala ang nalalakad namin. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko. Pagabi na din pala dahil palubog na rin ang araw.

Nabalik naman kay Mikey ang atensyon ko ng mag sasalita na sana sya. Kaya lang bigla naman akong natapilok dahil sa bata na natapakan ko. "Araayy.!  Sigaw ko.. Mukhang mapapaupo na ako sa kalsada pero inalalayan naman agad ako ni Mikey, kaya naman hindi ako tuluyang napa upo.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya saakin ng maslslsysn ns nya ako habggang makatayo ako.

"Oo, okay na ako. Salamat ha" sagot ko naman. At ng maglalakad na ulit kami.. Bigla naman along nawalan ng balanse dahil na din sa sakit ng paa ko. Malayo pa kaya kami.. Ansakit na ng paa ko.

"Hindi ka pa okay Macy, halika na dito. Sabi nya at unupo sya ng patalikod sa harap ko.  Anong ginagawa nya? Nangangalay na ba sya?

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko naman sa kanya.. Nakita ko na napa ngiwi sya sa tanong ko. May mali ba sa tanong ko? Wala naman ata eh.

Sumagot naman sya habang nananatili sa ganoong tayo. "Sumakay ka na sa likod ko. Malapit naman na tayo. Bubuhatin na lang kita. Hindi mo na kasi kayang mag lakad. Baka mapano ka pa. Kaya sumakay ka na sa likod ko.  Mahabang paliwanag nya.

Hi School Love On (Fan Made Story)  *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon