Chapter 18- Hoy gising!

498 6 0
                                    

Dahil nilagay niya sa library niya ang story na 'to hehe thank you! :)

Si One word per sentence 'yan o! Also known as Aya. Ate ni Kate. O 'di ba ang taraaaaaay!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kate

~*~*~*~*~

"Kate."

"Kate!"

"Hoy kate!"

"Huh?! Bakit anong nangyari? anong meron?! Hindi po ako natutulog sir!" Sa pagkapanic ay kung anu ano na ang nasasabi ko. Masyadong na-occupied 'yung utak ko dahil sa pagpapakilala ko sa mga kaibigan ko.

"Sira. Kanina ka pa kasi tulala diyan e. Konti na lang tutulo na 'yung laway mo tsaka wala si sir. Nasa canteen kaya tayo." Haynaku kang Bryan ka akala ko pa naman kung anu na.

"Ah. Sorry naman a."

"You seemed to loss focus? What's crackin' up?" Haynaku Dwight 'wag mo akong inglishin at ako'y naloloka.

"A wala naman. Pinakilala ko lang kayong lahat sa previous chapters."

"Anong shapersh?" Sabat ni Lallaine na puno pa ng kanin ang bibig.

"Baka gusto mong lunukin muna yang kinakain mo? Showering ka e." Lumunok nga siya pero nabilaukan siya.

Noong una tinititigan lang namin siya hindi namin alam kung nabibilaukan ba talaga 'to o sinasapian lang.

*cough*

*cough*

At dahil sa walang tumulong sa kanya ay inagaw niya ang softdrinks ni Bryan sa lamesa. samantalang kami, Poker face pa din.

T_T

"Wala man lang tumulong sa akin!"

T_T

"Ay nabibilaukan ka ba? Akala namin sinasapian ka lang e!" Sagot ko at hindi na namin napigilan ang tawa namin. Kung makikita mo lang kasi hitsura niya. Pulang pula na sa galit.

"WUHAHAHAHAHAHAHA!"

"Hihihihihihihihihi." Hulaan niyo kung sino 'to...Edi si Cecille! Once again, Pokerface kami lahat. Agaw eksena kasi 'yung tawa niya e.

"O siya, ipagpatuloy na natin ang ating salu salo sa hapagkainan na 'to." Ani maya na animo'y taga-ayos ng kaguluhan. Anu ba yan nakakahawa.

"Girl, doon ka sa stage makipag balagtasan. Hindi namin keber 'yang mga sinasabi mo."

"Bryan, what is keber?" Si Cecille. Na nakatakip pa din ang pamaypay sa bibig.

"Keber, keribels. Carry... " :)

"Ahhh..." We all answered in chorus and in a sarcastic way.

Lunch break na pala. Kaninang first subject lang ang masaya kasi kaklase ko 'yung mga babae kong kabarkada kahit one hour lang 'yun. 'Yung sumunod na  subject, isa nga lang pero 3 hours naman, major subject kasi. May kakilala ako pero hindi kami close. Open kami. Weh korni!

Next subject naman after lunch kaklase ko 'tong si Bryan, Carlos, Dwight, Kim and Lallaine kaya medyo okay na din. nahiwalay lang si Maya at Cecille. Okay lang 'yan keber na nila 'yan!

"O irog ko! Naririto ka lang pala!" Yuck! Ang korni ni Carlos amputek! Kakarating lang niya dito sa canteen. Sana hindi na siya nagpunta! XD

"Manahimik ka nga!" Suway naman ni Kim na seryosong kumakain.

"Oy Kim nandiyan ka pala!" Sabat ko. E kasi naman, hindi nagsasalita. Nagtatawanan na kami siya taimtim pa ding kumakain.

Shaun

~*~*~*~*~

I spent my lunch without any companion. Ang loner ko naman. nandito lang ako sa bench. Tapos na kasi akong kumain. Mamaya na lang ako aakyat. Maghapon ang klase namin dito. Mula 8 am hanggang 4 pm. Kaya magtyatyaga akong walang kasama. Boohuhuhu ang drama ko.

"Haha habulin mo kami!"

"Bleh ang bagal mo!"

Napatingin ako dun sa inaasar ng mga babae. Si Kate! Kaharap ko lang siya ngayon pero ang attention niya ay nasa mga kaibigan nya.

May pilay pala siya? Hindi ko napansin kanina kasi nakaupo kami. Hirap na hirap pa din siyang maglakad.

"Once na gumaling talaga 'tong pilay ko pipilyan ko din kayo!" Sabi niya.

"Haha Kate! let's go! We'll be late! We'll go on first!" Sabi naman ng isang lalaki na mukhang modelo. At hindi siya nagbibiro, nauna na nga siyang tumakbo. Actually, lahat sila.

At dahil nahihirapan pa din siyang maglakad, at kakaunti na lang ang mga tao sa paligid, inalok ko siya ng piggy back ride. Lumuhod lang ako na nakatalikod sa kanya at sinenyasan siyang sumakay na.

"Eh?" Dinig kong tanong niya na itinuturo pa ang sarili niya.

Nginitian ko lang siya at tinuro ko ulit ang likod ko. Sobrang natatakot akong magsalita kasi nga baka mabosesan niya ako.

Hindi naman nagtagal ay sumakay na din siya sa likod ko. Sinabi lang niya kung saang room siya at nung makapunta na kami sa room 208, dahan dahan ko na siyang binaba.

"Thank you."

Again, nginitian ko lang siya at nag wave goodbye lang ako. Dumiretso na lang din ako sa room ko.

8 years older, or two years younger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon