Di ako mapakali. Sino kaya ang kakatagpuin ni Xandra? Hindi kaya si Ken? Pero bakit? Gusto ko siyang sundan pero hindi pwede. Kung gusto ko makalimot si Xandra at huwag na siya saktan, dapat layuan ko na siya. Dapat limitahan ko na ang sarili ko sa kanya at umasta na lamang na parang nakatatandang kapatid niya. Kahit ako nalang ang magmahal at masaktan.
“Anak…ikaw nalang ang maghintay kay Xandra ah. Papasok na ako sa office. Hintayin mo nadin ang Papa mo, padating na yun.” Sabi ni mama.
“Opo ma…Ingat po” sabi ko.
“Sige salamat.” Sabi ni mama. Asan naba kasi ang babae na yun?!? Gabi na ah! 8 o’clock na pero wala pa siya samantalang an gaga niya umalis ng bahay. Hindi rin sumasagot sa tawag at text ko. Baka naman may nangyari na sa kanya.
Tatayo na sana ako para umalis ng bahay nang biglang may kumatok sa pintuan. Paniguradong si Xandra na ito. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto.
“BAKIT NGAYON KA LANG?!? GABI NA AH! HINDI KA RIN SUMASAGOT SA TEXT AT TAWAG KO!” sigaw ko.
“T-teka…at kailan mo pa naging kaugali ang Mama mo ha Xyriel?!?” sabi ni Papa na gulat na gulat. Natulala rin ako.
“P-papa!” sigaw ko.
“Oo ako nga! Sino pa ba sa tingin mo? Tabi nga at gutom na ako. At ayoko makinig sa mga seremonyas mo ah! Babae lang gumagawa niyan. Umayos ka Xyriel…lalake ka ah!” sabi ni Papa. Napayuko ako at napapikit sa sobrang kahihiyan. Ano ba yan! Nakakahiya! Hay. Pero asan na kaya si Xandra?
“Hay. Akala ko kasi si Xandra ka…” sabi ko kay papa at isinara uli ang pinto tapos umupo sa sofa.
“Bakit? Wala pa ang kapatid mo? Saan nagpunta? Gabi na ah!” sabi ni Papa. Hay…kung alam mo lang pa…yan din ang nasa isip ko kanina pa.
Maya-maya, biglang bumukas ang pinto.
“BAKIT NGAYON KA LANG?!?” sabay naming sigaw ni papa kay Xandra. Natulala si Xandra sa aming dalawa at napaatras.
“Sorry po…di ko kasi namalayan ang oras..” sagot niya.
“BAKIT? SINO BANG KASAMA MO?!?” sabay uli naming tanong ni papa sa kanya.
“kaibigan ko po.” Sabi ni Xandra na halata mong naweweirduhan sa pagkakasabay ng boses namin ni papa.
“SINONG KAIBIGAN?!?” ewan ko ba kung nagkakataon ko lang o talagang gaya-gaya lang si papa pero parehas nanaman kami ng sinabi. This time parang nainis na si Xandra at nakapamewang na.
“Teka nga! Ilan ba ang tatay ko sa bahay na ito at dalawa kayong nanenermon sakin?!?” iritang tanong ni Xandra.
“Ewan ko diyan sa kuya mo. Paepal eh. Pumapapel…” sabi ni Papa tas kumain uli. Tss…
“Syempre Kuya mo ako. Gusto ring malaman kung anong nangyari sayo. “ sabi ko. Ngumiti siya na parang nang-iinsulto tapos tumingin sa akin ng nakakaloko.
“Kuya? At Kailan kapa nag-aalala sa akin? Itigil na nga natin itong lokoha na ito. Pagod na ako.” Sabi niy tas humalik na siya sa pisngi ni papa at umaykat na sa taas.
“Hoy! Di mo sinagot mga tanong namin ni Xyriel ah!” pahabol ni Papa kaso din a sumagot si Xandra. “Hay…mga babae talaga…” sabi niya papa. Hays…
Ilang lingo na akong iniiwasan ni Xandra. Ganito pala pakiramdam niya nung ako ang umiiwas sa kanya. Siya ilang lingo palang umiiwas. Samantalang ako non, natiis ko siya na di pansinin ng dalawang buwan. Nakikita ko rin sila palagi ni Ken na magkasama. Ano bang meron sa kanila? Di ko maitanong kay Xandra kasi tuwing lumalapit ako, lumalayo siya sa akin. Kahit sa bahay umiiwas siya. Pero tingin ko ayos narin ang ganito.
Pag-uwi ko andun na si Xandra, sabay-sabay kaming kumain nila mama. Himala nga’t sumabay siyang kumain na kasama ako.
“Ahm…ma, may sasabihin po sana ako.” Sabi bigla ni Xandra.
“Ano yun anak?” tanong ni mama. Ano naman kaya ang sasabihin niya at parang seryoso.
“kasi…m-may balak pong pumunta rito sa linggo.” Sabi ni Xandra na halata mong kabado.
“Sino anak?” tanong ni Papa.
“Sa linggo ko nalang po sasabihin.” Sabi ni Xandra. “Gusto ko po kasi siyang ipakilala sa inyo ng personal.”
“ha? O sige…maghahanda ako.” Sabi ni Mama.
“Salamat po ma!” tapos tumayo na si Xandra at umakyat na sa kwarto niya. Ipapakilala sa linggo? Sino kaya at bakit kailangang kumpleto pa kami nila papa na andito?
Hindi kaya…
Napatayo ako bigla nang maisip ko yun. Napatingin sila mama. Hindi…sana mali ang hinala ko…pero tingin ko yun na nga yun.
Si Ken na at Xandra…
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON HOLD)
Teen FictionEveryone wants a happy ending... everyone wants to fall in love... and everyone wants to have a perfect story... but what if you fell for the one who can never be yours... someone who is FORBIDDEN TO LOVE...