Kinakabahan ako sa darating na linggo. Ano kayang magiging reaksiyon nila Papa? Lalong-lalo na si Xyriel…teka teka teka…bat ko ba siya iniisip…erase…erase…erase… Dapat si Ken…tama…Ken!!!
Maya-maya, biglang may kumatok sa pinto.
“Tuloy!” sigaw ko. Pag pasok niya nagulat ako. “Busy pala ako…labas!” sigaw ko uli.
“Ayoko nga! May gusto ako itanong…at ngayon ko na gusto malaman ang sagot.” Sabi niya.
“Kung ano man yun ‘KUYA’ eh baka pwedeng bukas nalang kasi busy ako.” Sabi ko. Sana effective ang aking pagsusupla-supladahan.
“Kayo na ni Ken?” diretsong tanong niya. Nagulat ako. Pero dapat di pahalata. Magmatapang ka Xandra…dali!
“Ah…eh…so what kung kami na? Masama bay un? Ikaw lang ba pwede magka girlfriend? Malaki na ako saka mahal ako ni Ken!” sabi ko. Taray!
“Pero mahal mo ba siya?” shoot! Diyan tayo madedehado eh…stay cool… Bat ba everytime na nagiging ok na saka naman siya umeeksena?? Sagot ka Xandra! Asan na yung taray mo…
“U-umalis ka na nga! Pakielamero ng buhay nang may buhay! Inaantok na ako!” tapos nagtalukbong na ako ng kumot. Narinig ko nalang na sumara na ang pinto. Bakit ba di ko masagot yung tanong niya Ang simple lang naman ng tanong niya. Pero bat kasi pag galing sa bibig niya, parang math equation na di ko masagot. Aaargh… Umiling-iling ako…isipin mo si Ken…Xandra…may pangako ka kay Ken diba?
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Dumating na ang kinatatakutan kong araw…waaah….This is it! Keri ko ito…Nanonood si Papa ng T.V at nagluluto naman si Mama. At si Xyriel, andun sa kwarto…di pa lumalabas. Biglang may kumatok sa pinto. Ito na…ito na ang moment of truth… Tumakbo ako sa pinto at binuksan ko.
“Ken! Pasok ka!” pinilit kong ngumiti at tinatago ang kaba ko. Napatingin sa akin sila Mama at Papa. “Ah…eh…S-si Ken po…” sabi ko sa kanila. Si Ken halata mong kabado rin.
“Ah…eh…hello po.” Sabi niya tapos kumaway at ngumiti. Hmmm…ngayon ko lang ito narealize…ang gwapo pala talaga ni Ken at ang lalim ng dimples niya. No wonder na maraming patay na patay sa kanya sa school.
“Hello rin iho! Upo ka…” sabi ni Mama. Mukhag pasado siya kay mama ah. Warm welcome agad. Pero mukhang may isang hindi agad nakuha sa ngiting anghel ni Ken. Pag-upo kasi ni Ken, may sniper na nakatingin sa kanya. Ano ba ito si papa! Nakakatakot tumingin.
“ah…s-si Ken po…” sabi ko uli.
“Alam namin anak. Sinabi mo na kanina…baka may iba kapang sasabihin.” Sabi ni mama na halata mong alam na niya ang kasunod. Ano ba ito!
“ahm…si…K-ken nga po siya.” Sabi ko uli. Siniko ako ni Ken ng mahina at bumulong.
“Ahm…Xandra, di kapa ata aware…pangatlong beses mo na ako pinakilala. Pwede iba naman?” sabi ni Ken.
“Alam ko yun noh…eh kabado ako. Tignan mo tingin ni Papa sayo.” Bulong ko rin kay Ken. Umubo si Papa ng malakas para sabihin na naghihintay siya ng iba ko pang intruduksyon kay Ken.
“Ahm…P-pa…si Ken nga po siya…” sabi ko.
“Boyfriend po niya ako.” Napatingin ako kay Ken. Nagulat ako dahil parang casual lang yung pagkakasabi niya. “ kayo po pala ang magulang ni Xandra. Kamusta po kayo?” sabi niya at instretch ang kamay para makipag handshake. Tinitigan siya ni Papa ng mabangis na tingin. Nakipag shakehand naman si papa kaso halata mong may sama pa ng loob dahil medyo mahigpit pagkakahawak niya kay Ken.
“Mukhag nilihim mo sa amin ito ah.” Pagalit na sabi ni Papa.
“S-sorry po Pa…” sagot ko.
“Sana man lang mas maaga mo siyang pinakilala para di kami nabibigla.” Sabi ni Mama…Nakayuko lang ako.
“Wala naman po kaming masamang ginagawa. Malaki po ang respeto ko sa anak ninyo at lalong-lalo napo sa inyo na magulang ni Xandra.” Sabi ni Ken. Tinignan ko si Ken. Halata mong sincere siya sa mga sinasabi niya. Atapang atao ah! Hinawakan ni Mama si Papa sa kamay.
“Pa…hayaan mo na. Dalaga naman na yang anak mo. Mabuti nga yan at dinala niya rito sa bahay kesa naman isinisikreto niya.” Sabi ni Mama. Pero di parin kumikibo si Papa. “ Hay! Tara nga muna Xandra sa Kusina at ayusin natin ang hapag.” Sabi ni Mama. Tumingin ako kay Ken baka kasi natatakot na siya kay Papa pero ngumiti siya at kumindat sakin. Natawa ako. Grabe fighting spirit nitong lalake na ito. Di ko akalaing matapang ito ah!
So ayun…iniwan ko na muna sila at naghain kami ni Mama. Pasilip-silip nga ako kasi baka pinapatay na ni Papa si Ken.
“Anak, sigurado kana ba diyan sa Ken na yan?” tanong ni Mama.
“Ha? Opo naman ma. Bakit po? Ayaw niyo po ba sa kanya?” tanong ko.
“Hindi naman anak. Bata kapa kasi. Syempre nalilinlang ka ng isip mo. Akala mo mahal mo na yun pala hindi pa…Diba? Baka iba pala ang napupusuan mo. At sa huli may masaktan ka. Isipin mong mabuti ang pipiliin mong lalake anak.” Sabi ni Mama. Napayuko ako. Kung pwede nga lang Ma…si Xyriel sana ang pinili ko…hay! Erase erase erase!
“bakit ma…may ayaw kaba kay Ken? Mabait naman siya ah!” sabi ko.
“Alam ko yun. Kita ko naman na sincere siya sa sinasabi niya. Nasasayo parin ang desisyon. Kung sigurado kana talaga, suportado nama kita. Basta behave ka lang.” sabi ni Mama. Ngumiti ako.
“Opo naman po.” Sabi ko. Sumilip uli ako. Para silang may question and answer portion. Seryosong nag-uusap. Nakakatakot naman!
Nung natapos na kami maghain, tinawag na namin si Papa at Ken. Pero nagulat ako nang puntahan ko sila sa sala. Kasi, yung kaninang seryosong nag-uusap, hayun at nagtatawanan na. Guni-guni ko lang ba o totoo? Nagkasundo sila?
“Kakain napo.” Sabi ko. Umakbay si Papa kay Ken. Woah…bilib na ako kay Ken!
“Grabe itong magiging future manugang ko. Ang dami naming pagkakapareho!” sabi ni Papa na tawa nang tawa. Nanlaki mata ko. Ano raw?!?
“Pa!” sigaw ko kay papa.
“Oh bakit? Boyfriend mo naman siya ah!” sabi ni Papa. Tawa lang ng tawa si Ken. Umupo na sila nun.
“Xandra anak…tawagin mo na ang Kuya mo sa itaas at kakain na tayo.” Sabi ni Mama. Nagkatinginan kami ni Ken. Nginitian ko siya na parang sinabi kong wag siyang mag-alala…
Pag akyat ko, nakita ko si Xyriel na nakatayo sa tabi ng hagdanna nakasandal sa pader at naka cross-arms.
“X-Xyriel…andiyan ka pala. Kanina kapa? Kumain kana raw sabi ni Mama.” Tapos tumalikod na ako para bumaba pero bigla siyang nagsalita.
“Magkasundong magkasundo si Papa at ang future brother-in-law ko ah!” sarcastic na sabi niya. Humarap ako at pilit na ngumiti.
“Oo nga eh! Mabait kasi si Ken…” sabi ko.
“Mukha ngang alagang-alaga ka niya eh…” sabi niya.
“Oo…sa mga oras na kasama ko siya, kahit isang patak ng luha wala…Kasi pinahahalagahan niya ako. At hindi sinasaktan.” Sabi ko na medyo may halong pagsusungit.
“Well…congratulations. Sa wakas nakahanap ka na ng taong magpapasaya sayo.” Sabi niya. “Paki sabi kay Mama, mamaya na ako kakain. May tinatapos pa ako.” Sabi niya tapos pumasok na sa kwarto niya. Bumaba na ako’t kumain kasama nila Mama. Kaya ko ito. Tama itong ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON HOLD)
Teen FictionEveryone wants a happy ending... everyone wants to fall in love... and everyone wants to have a perfect story... but what if you fell for the one who can never be yours... someone who is FORBIDDEN TO LOVE...