Kahit isang araw lang…makasama ko siya na kami lang dalawa, Masaya na ako.
“Anong ginagawa natin dito?” tanong ni Xandra.
“maglalaro!” sabi ko na nakangiti. Nasa storyland kami ngayon.
“At kailan kapa naging isip bata?” tanong niya sakin.
“wag ka na ngang marami pang sinasabi. Sa Roller coaster tayo!” sigaw ko sabay hila sa kanya. Gusto ko maranasan ito na kasama siya. Ngayon lang please… Hahayaan ko muna ang iba. Basta gusto ko siya makasama.
Pumila kami at bumili ng ticket. Nung kami na, puro bata ang kasama namin. Nakakatawa man isipin pero di ko maisip na ideya ko lahat ito. Tawa akong tawa nung umandar na. Si Xandra nakapikit at takot na takot. Di ko akalaing ganito kasaya balikan ang pagkabata.
“Xyriel…alam mo ba, ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya.” Sabi ni Xandra sakin nung natapos na kami sumakay.
“Kasi kasama kita…” sabi ko tapos ngumiti ako. Nagulat siya at namula. Tumawa ako. Sana ganito nalang kami palagi. Hinawakan ko ag kamay niya ng mahigpit at hinila siya kung saan-saan. Para kaming bata. Naglaro kami sa arcade. Sumakay sa mga pambatang rides. Kumain kami at bumili ng regalo kila Papa at Mama. Nasa kami ng isang shop nang biglang mag ring ang cellphone ni Xandra.
“Xyriel, saglit lang ha?” sabi ni Xandra tapos lumayo siya sa akin. Habang may kausap siya, pumasok muna ako sa shop na nasa harap ko. Nilibot ko yun tas may nakita akong jewelry box dun na maliit. May stars siya na design. Ang galing nga kasi nung inalog ko, gumagalaw yung stars na parang mga shooting stars. Ngumiti ako. Nang buksan ko, tumugtog siya. Canon ang tugtog niya. May lalagyan ng picture tas may kwintas. Kinuha ko ang kwintas at tinignan. Ang design niya eh star na may pakpak tas may bato sa gitna.
“Ahm…sir? Last napo yan. Gusto niyo po ba? Mabenta po yan dito sa shop namin eh. Magkapartner po yang kwintas na yan sa music box na yan. Ang cute po ano?” sabi nung babae. Ngumiti ako at tumango.
“Oo. Ang ganda.” Sabi ko.
“Ibabalot ko na po ba sir?” tanong niya.
“Sige…” sabi ko.
“Sa cashier niyo nalang po bayaran sir.” Sabi nung babae. Isang bituin lang naman ang nasa isip kong nababagay ito…ang tanging bituin sa buhay ko…si Xandra.
“Xyriel!” nagulat ako nang bigla niya akong tapikin paglabas ko ng shop. “Anong ginawa mo sa loob?” tanong niya.
“H-ha? Ah…eh…tumingin lang. Wala naman akong nagustuhan.” Sabi ko.
“Ah…” sabi niya.
“Sino ang tumawag?” tanong ko. Bigla siyang napayuko at natahimik. Kaso napansin niya atatng naghihintay ako ng sagot kaya nagsalita na siya.
“Wala yun! Tara…samahan mo ako sa shop dun!” sabi niya sabay hila sa akin.
Pagpasok namin sa shop na tinutukoy niya na shop, sinukat-sukat niya sakin yung mga damit dun.
“Sukatin mo nga ito Xyriel…” sabi niya sabay abot nung damit.
“Ha? Bakit?” tanong ko.
“Dali na! gift ko yan sayo!” sabi niya. Natawa ako. Masyado naming lantad ito bumili ng regalo. “Oh…bat ka tumatawa?”
“Eh kasi naman…regalo nga diba? Eh bat sinasabi mo?” sabi ko na natatawa padin. Tinaas niya kilay niya.
“Eh makikita mo rin nama ito! So bakit pa ibabalot Masasayang lang yung gift wrapper!” sabi niya. “Atsaka gusto ko Makita kung bagay sayo. Kasi baka di bagay.” Ganon lang pala ito sa kanya. Umiiling-iling ako habang natatawa. Kakaiba talaga siya.
“Kung ganon pala…wala naring silbi kung itatago ko pa ito.” Sabi ko sabay labas nung regalo ko sa kanya.
“Ano ito?” tanong niya.
“Buksan mo. Para pag ayaw mo, ibabalik natin.” Tas hinawakan ko siya sa ulo. “nga pala…kahit ano naming bilin mo sa akin, gusto ko. Basta sa iyo nanggaling. Bagay man yan sa akin o hindi.” Tapos nag lakad na ako. Hinintay ko siya sa labas ng shop. Pagkalabas niya, inabot niya sa akin yung binili niya na namumula.
“Oh ayan! Pag panget yan, wag ako sisihin ah!” masungit na sabi niya tas naglakad na siya nang di tumitingin sa akin. Tumawa ako. Para siyang bata…
Pagdating sa bahay, nagulat kami kasi may bag sa sala.
“Oh..akala ko ba nauna na kayong umuwi? Bat nauna pa ako sa inyo?” sabi ni Mama.
“Ahm…may binili pa po kasi kami ni Xy- I mean..Kuya…” sabi ni Xandra.
“Ah…ganon ba? Oh siya, aalis kami ng Papa niyo. Maiiwan kayo ritong dalawa.” Nanlaki mata namin ni Xandra.
“P-po?!? Bakit? Anong meron?” sigaw ni Xandra.
“Eh may emergency ang Papa niyo sa opisina.”
“Bakit po? Paano kami?” tanong ko. Bakit ngayon pa nangyari ito? Saka kami lang maiiwan dito ni Xandra???
“ Si Tito John niyo kasi, naaksidente. Kailangan ni Mareng Josie mag stay sa ospital para bantayan ang asawa niya. Habang wala siya, ako muna ang magbabantay sa mga anak niya.” Sabi ni Mama.
“eh anong emergency sa inyo Papa?” tanong ko.
“Anak, yung kompanya kasing mag-iinvest sa kompanya na pinapasukan ko, nagrush dun sa project na ginagawa namin. Kailangan namin matapos agad yun. Pasensiya kana. Pipilitin naming tapusin yun ng mas maaga para magkasama-sama tayo sa pasko.” Sabi ni Papa. Hay! Bat ngayon pa!
“S-sige po…mag-iingat kayo doon ha!” yun lag ang nasabi ko.
“Wag mo kayo magpapagod don pa ha? Kung di man tayo magkakasama-sama sa pasko, sa New Year nalang po.” Sabi ni Xandra.
“Sige…salamat ah.Mag-iingat kayo dito.” Tapos lumingon si Papa kay Mama. “Ma, tignan-tignan mo din sila dito ah. Tapos pag pumunta kana kila Josie, paki kamusta si John sa akin.” Tapos humalik na siya kay Mama.
“Sige Pa…mag-iingat ka dun.” Sabi ni Mama. Tapos umalis na si Papa.
“Kayo po Mama? Kailan ka aalis?” sabi ni Xandra kay Mama.
“Bukas pa ako ng hapon. Ikaw Xyriel, tignan mo itong si Xandra ah! Wag kung san-san pupunta.” Sabi ni Mama. Tumango lang ako. Kahit di niyo sabihin,hinding-hindi ko pababayaan si Xandra. Kaso ayoko lang mapalapit uli ako sa kanya
BINABASA MO ANG
Forbidden Love (ON HOLD)
Teen FictionEveryone wants a happy ending... everyone wants to fall in love... and everyone wants to have a perfect story... but what if you fell for the one who can never be yours... someone who is FORBIDDEN TO LOVE...