Chapter 14 Xyriel

17 0 0
                                    

Pagdilat ko, napabangon ako bigla…Asan ako? Hinahanap ko si Xandra kanina ah…paano ako napunta rito?

“Oh…gising kana pala iho…” sabi nung doktor. Teka…bat may doktor?

“nasa ospital ako? Bakit?” tanong ko. Tumango siya at lumapit sa akin.

“Iho…nakakita sayong walang malay sa daan. Kaya isinugod ka rito sa ospital. Iho, gusto ko lang itanong sa iyo…nakakaramdam ka ba ng pagsakit ng iyong ulo? At gaano na ito katagal?” tanong sa akin nung doktor.

“nagsimula po ito dalawang buwan na ang nakakalipas. Pero di ko pinapansin. Sa pagod lang po siguro.” Sagot ko. Yumuko siya na parang may gustong sabihin.

“Dok…wala naman po akong sakit. Baka pwedeng umalis na ako.” Sabi ko.

“Hindi maaari. Iho, kailangan ko makausap ang magulang mo. Tinawagan na namin ang kapatid mo at papunta na siya rito.” Sabi nung doktor. Nagulat ako.

“ho? Pero bakit po? Nawalan lang naman ako ng malay. Bat kailangan niyo pa silang makausap?” sabi ko.

“Iho…ang kondisyon mo ay di mabuti. Tatapatin na kita…may brain tumor ka at habang tumatagal ay lumalala. At kailangan nating masolusyunan agad ang sakit mong yan.” Nagulat ako. Imposible.

“Dok…anong biro ito?” sabi ko at pumipilit tumawa.

“iho…ang ganitong bagay ay hindi ginagawang biro. Kaya kailangan ko makausap ang magulang mo.”

“Ayoko…” sabi ko at tumayo na. Hinila ko ang dextrose at umalis na. Pinigilan ako ng doktor pero nagpumiglas ako at tumakbo. Kailangan ko hanapin si Xandra.

Nakasakay na ako sa elevator at  nang paglabas ko,nakasalubong ko siya.

“Xyriel!” sigaw niya sabay yumakap sa akin.

“Xandra?!?” gulat kong nasabi. Umiiyak siya.

“Nag-alala ako sa iyo.Tinawagan ko na sila Mama.Papunta na sila dito. Anong nangyari?” nagulat ako.

“Hindi. Wag mo na sila papuntahin dito. Dalian mo at tawagan sila.” Sabi ko. Tinignan niya ako.

“Pero…” hirit niya.

“Ayos lang ako. Over fatigue lang daw. OA lang yung doktor kaya ayun at tinawagan kapa.” Sabi ko at ngumiti.

“ganon ba…pero kahit na! Paano kung may mangyari uli sayo…Halika at magpatingin ka uli.” Sabi niya at hinila ako. Hinila ko siya palabas ng ospital.

“Umuwi na tayo at ayoko sa amoy ng ospital.” Sabi ko.

Pag-uwi ko sa bahay, tinawagan ko sila Mama at sinabi kong wag na sila umuwi dahil ayos lang ako. Sinabi ko rin na Over fatigue lang ang dahilan bat ako hinimatay. Sana nga yun nalang ang dahilan.

Life is really short..bigla nalang matatapos nang di mo namamalayan…Kung bat kasi sa dinami-dami eh ako pa. Pero umaasa paarin akong mali ang sinabi ng doktor tungkol sa sakit ko.

“Kuya, uminom ka muna ng tubig.” Sabi ni Xandra sa akin. Ngumiti ako.

“Salamat.” Sabi ko at ngumiti. “sana pala lagi nalang ako na oover fatigue para inaalagaan mo ako.” Sabi ko. Sumimangot siya.

“Tumigil ka nga. Pinag-alala mo talaga ako.” Sabi niya. Umiiling-iling ako at ngumiti.

“Isa lang ibig sabihin niyan…mahal mo pa rin ako.” Sabi ko. Napatingin siya sa akin at binato ako ng unan.

“Tumigil ka nga!” sigaw niya. Nagkunwari ako di makahinga at nangisay kunwari. Lumapit siya sa akin.

“Xyriel…Xyriel!...anong nangyayari sayo? Sumagot ka…” sabi niya na sobrang nag-aalala. Tumawa ako at tinitigan siya.

“joke lang…” sabi ko tas tumawa. Binagsak niya ulo ko kaya umuntog ako. Kumirot uli ang ulo ko kaya napasigaw ako sa sakit.

“Hindi mo na ako maloloko!” sabi niya sakin. Pinilit kong ngumiti at isa lang ang mata kong nakadilat dahil tinitiis ko ang sakit.

“Hindi naba? Akala ko kakagat ka uli sa biro ko.” Sabi ko. Pero hawak ko parin ang ulo ko at pinipilit kong di makita ni Xandra na totoo ang sakit na nararamdaman ko. Kailangan ko magkunwari para di nila mapansin ang totoo. Masasaktan ko nanaman si Xandra pag nagkataon.

Forbidden Love (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon