1. Family

24 0 0
                                    

"Mom! Ilan beses ko na po ito sinabi. Wala po akong boy friend. Manliligaw lang po." walang ganang sabi ko dito. Ayoko sa lahat pinag-uusapan ako. Feeling ko kasi parang lagi akong nasa hot seat.

Nasa hapagkainan kami pero hindi pa kami naguumpisang kumain. Wala pa ang mga kapatid ko dahil ineenjoy ang vacation nila. I suggest kanina na sabay-sabay kaming kumain pamilya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ni mommy at pinaguusapan namin ay tungkol sa aking love life.

Love life my ass.

Tumingin ako sa taong kumuha ng aking baso at nginitian siya, "Thanks." pagkatapos niyang lagyan ay tumingin siya sa akin ng ilang segundo bago ngumiti at yumuko para magbigay galang. "Anything." napailing na lamang ako sa sagot nito.

Naiinis ako. Una, laging 'anything' ang sagot niya. Pangalawa, he's Jaspher and he's my effin' friend. Anim na taon na siyang naninilbihan sa amin. Nakita namin siya noong bumisita kami sa bahay ampunan na isa sa pagaari ni daddy. Ewan ko unang kita ko pa lamang sa kanya nagustuhan ko na ito. Kaya kinausap ko si daddy para ampunin namin siya at pagaralin dahil tumigil ito sa kagustuhang makatulong sa ampunan. Pumayag naman sila maliban lang kay Caden.

Caden the pakielamero.

Panghuli, hindi din pumayag si Jashper noon. Ayaw niyang mag-aral kung hindi siya maninilbihan sa amin. Utang na loob niya daw iyon. Pumayag na din ako pero ang kasunduan namin kapag nakatapos siya ng pag-aaral titigil na ito sa paninilbihan. Mabait na bata. Mas matanda siya nga lang siya ng isang taon sa akin.

"Honey. Bata pa si Vanessa." napaikot na lamang ako ng mata sa sinabi ni daddy. Bata, ako? 25 na ako next month. Gusto ko sanang isigaw pero wag na baka mas humaba pa ang usapan.

"Nasa tamang edad na siya para mag-asawa. Ano ka ba naman. Gusto ko ng magkaapo." nakangiting sabi ni mommy bago tingnan si daddy. Bakit hindi sina Chase at Caden ang sabihan niya?

Hindi ko na lamang sila pinansin. Hanggang bukas ako ang magiging topic sa bahay. Kung anong pumasok sa isipan ni mommy hanggang umaga niya iyon paguusapan. Lalo na sa mga katulong dito sa bahay.

Ngumiti ako ng makita kong dumating na ang aking mga kapatid. Lima kaming magkakapatid. Ako ang pangatlo at tatlo ang mga lalaki.

"Baby!" Tumayo ako at patakbong pumunta sa kanila. Kinarga ko si Kean, ang aming bunso. Pitong taong gulang lamang siya pero ang laki-laki na niya.

Niyakap ko ito ng sobrang higpit. Pinaghahalikan ko ang kanyang pisngi ng maraming beses. Nanggigigil talaga ako kay baby Kean. "Kiss mo ko, baby." Humagikhik naman siya. Hinawakan niya ang aking mukha gamit ang kanyang maliit na kamay. Hinalikan naman ako nito sa pisngi ng marami at matunog.

May humila sa laylayan ng damit kong suot. Naka-knee length red dress ako ngayon. I actually love wearing dress especially if it is color red. Sophisticated kasi ang dating ko.

Nakita ko si Thalia na nakanguso. Binaba ko na si Kean at tumakbo na ito papunta kina mommy. Si Thalia naman ang aking kinarga. May kabigatan na ito. Siyam na taong gulang na siya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Kean. Parehas bilugan ang kanilang mga mata.

"Ang bigat naman ni Thalia." Biro ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nito at mas lalong ngumuso. Niyakap niya ako ng mahigpit. Nang gawin niya iyon ay namataan ko ang dalawa ko pang kapatid. Si Chase at Caden. Ang aming kambal at panganay. 28 na sila next month. Ang astig lang dahil magkasunod ang aming kaarawan pero ang mas nakakatuwa ay magkasama sila ngayon. Mga bata pa lamang sila ay talagang hindi sila magkasundo.

Ngumiti si Chase sa akin. Kinuha niya si Thalia sa akin at binaba. Umangal pa si Thalia pero tinawag siya ni mommy. Niyakap ako ni Chase ng sobrang higpit. Nilagay pa niya ang kanyang ulo sa aking leeg at hinalikan ito. Matagal na niya itong ginagawa kahit noong bata pa kami. Ang cute lang.

Gamble For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon