Ateng:
Hello everyone! My name is Ateng.
Hindi ko alam kung ilang taon na ako pero isa lang ang sigurado ko... Babae po ako.
Madaming nagsasabing HUGUTERA daw ako.
Ano bang magagawa ko?
Sa tuwing naririnig ko ang mga sinasabi nila, naaalala ko ang mga sakit na dinaranas ko. (T_T)
Pakiramdam ko sa tuwing may sasabihin sila, pinapaalala nila sa akin 'yung mga araw na umiiyak ako.
Mga araw na masaya pa ako.
Mga araw na wala pa akong pinapaniwalaang iba kung hindi siya lang.
Siya lang at wala nang iba.
Pero ngayon, ewan ko na.
Ang hirap noh? Tipong binigay mo na lahat, wala pa din palang silbi sa kanya. Ang sakit! Ayoko na!
(Ateng Walk Out..)
BINABASA MO ANG
Si Ateng Hugot
HumorKilala mo ba si Ateng Hugot? 'Yung babaeng walang ibang ginawa kung hindi ang humugot ng humugot sa bawat salitang maririnig o sasabihin niya? 'Yung taong dinaig pa 'yung nabroken hearted dahil sa sobrang lalim ng pinaghuhugutan niya? Ano ba, Ateng...