Walong taon na ang nakakaraan...
Habang papunta sa airport si Don Rolando pauwi sa España gamit ang kanyang sinasakyang limousine. May nakita siyang lalake na nakadapa sa daanan at walang malay. Nagtaka siya dahil wala ni isang tao ang pumansin sa kanya.
Inutusan niya ang kanyang driver na itigil ang sasakyan. Bumababa silang dalawa ng kanyang driver at pinuntahan ang tao na nasa daan. Tinignan ng driver ang pulso ng tao para matukoy kung buhay pa ito.
"Don Rolando" sambit ni Miguel "Buhay pa siya"
"Hijo..." sabay tapik niya paulit-ulit sa balikat ng lalake "Nakatulog ka ata sa daan. Despertarse! Gumising ka...!" pero hindi kumibo ang batang lalake at tumingin siya sa dalawang lalaki na nakatambay sa gilid ng daan "Hindi n'yo ba nakita ang taong nasa harapan ninyo??!"
"Pasensiya na po, Lolo. Kakarating lang namin eh" sagot ng isa
"Wala akong pakialam!" sigaw niya sa mga lalaki "Mga inútil. Wala kayong awa sa taong ito. Kunin n'yo siya at ilagay sa sasakyan ko" hindi na lamang pinatulan ng mga lalaki si Don Rolando dahil matanda na ito subalit ay linapitan nga nila ang walang malay na lalaki at kinarga kaagad ito sa sasakyan katulad s autos ng matanda "Hijo... dadalhin ka namin sa ospital ha... Huwag kang bibitaw"
Magkalipas ng ilang sandali ay nasa ospital na sila. Sinugod ang lalaki sa emergency room para malapatan ng paunang lunas.
Samantala. Naghihintay si Don Rolando sa labas ng emergency room para sa resultang kalagayan ng lalake na nakita niya. Nag-aalala siya dito dahil naalala niya ang kanyang pamilya na kamamatay lang. Naalala niya ang kanyang anak na si José Hidalgo sa taong nasa loob ng emergency room.
Marahil ay magkasing-edad sila ng kanyang anak. At ayaw niyang maging katulad sa nangyari sa anak niyang namatay.
Ilang saglit lamang ay lumabas ang doktor. "Excuse me, Sir. Kamag-anak ka po ba niya?"
"Hindi dok. Pero ako ang nakakita sa kanya" sagot ni Don Rolando sa doktor "Concerned citizen lang ako dahil nakita ko siya na nakadapa sa daan at matindi ang sikat ng araw kanina"
"Well. It's the right thing to do" sagot nito
"Dok, kamusta na po ang bata?" tanong ni Don Rolando sa doktor na tila nag-aalala ito sa batang lalake.
"He's fine, Sir. Nawalan lang siya ng malay due to dehydration and stress" sagot naman ng doktor "Kinakailangan niya lang na magpahinga ng ilang araw dito para bumalik ang kanyang lakas"
"Pwede na ba siyang kausapin ngayon,dok?"
"As of now... huwag muna dahil nagpapahinga pa siya." dugtong niya kay Don Rolando "Siguro kapag nagising na siya at nailipat na siya sa private room ay pwede na"
"Sige dok. Gracias"
"You're welcome. Alis muna ako, Sir"
Nauna ngang umalis ang doktor at naiwan si Don Rolando sa labas ng emergency room. Nagdesisyon siya na pumasok doon para tignan ang batang lalaki. Nadatnan niya nga na natutulog ng mahimbing at ayaw maistorbo.
Nagulat lamang siya dahil may nagsalita sa kanyang tabi.
"Don Rolando... aalis na ba tayo?" tanong ng kanyang driver.
"Huwag muna, Miguel. Gusto kong hintayin na magising ang batang 'to" sagot niya sa driver
"Parang pamilyar ang kanyang mukha ah" Lumapit din naman ang driver sa nagpapahingang batang lalake.
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Fiksi RemajaAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...