Dakong alas-nwebe na ng gabi at nasa kwarto na si Madam Jean at nag-aalboroto na parang bata. Hindi pa rin niya kasi matanggap na buhay si Jeff, ang taong pinapatay niya noon.
"Could you please Jean?? Shut up!!" sigaw ng asawa niya sa kanyang tabi sa kama "Stop acting like a brat"
"Hindi mo ako naiintindihan Richard eh. Buhay siya, okay?? He's alive" iyak ni Madam Jean "Hindi ko alam kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang pagbabalik"
"You're so paranoid. Diba ang sabi ko kanina na patay na ang kapatid mo??" ulit ni Richard sa kanya
"At paano ka naman nakakasiguro na hindi siya ang kaharap natin kanina??"
"Kasi inutusan ko ang isa sa mga tauhan mo noon na si Ben na ipa-DNA Test ang bangkay na nasa libingan at sa'yo. POSITIVE ang resulta"
"Talaga?"
"Oo. Totoong-totoo. Hindi ko lang sinabi sa'yo noon dahil baka isipin mo na baliw ako" paniniguro ni Richard sa kanya "Kamukha lang yan ni Jeff ang nasa harap natin kanina. Baka binabangungut ka lang sa mga ginawa mo noon sa kanya"
"Baka nga, Richard. Baka nga"
"Good. Ang isipin mo lang ngayon ay kung papaano mo makukuha ang loob ni José Hidalgo para mag-invest dito sa Pilipinas"
"Sige" pagsang-ayon ni Madam Jean "Maghahanda na ako ngayon"
"Ngayon?? Bakit ngayon?"
"Para wala na akong gagawin bukas"
"Tanga ka ba?" insulto ng kanyang asawa sa kanya "Gabing-gabi na, ngayon ka pa maghahanda?? Kanina ko pa sinasabi sa'yo yan eh" dugtong niya sa asawa "Hay naku, Jean. Hindi ka talaga gumagamit ng utak. Kahit anong gawing paghahanda mo, hindi pa rin yan papasok sa maliit mong utak kasi pagod ka na at hindi ka na makapag-concentrate bukas"
"Pwede ba?? Tigilan mo na ako sa mga pang-iinsulto mo sa akin??!" sabat naman ni Madam Jean "Bakit ang liit-liit na ng tingin mo sa akin, Richard??"
"Nagtanong ka pa??" balik niya sa asawa "Baka nakakalimutan mo ang mga sikretong nabunyag sa balita noong nakaraang araw... kahit ako ay nagulat na may lihim ka palang laboratoryo ng droga sa ilalim"
"Hindi nga totoo iyon, okay?? Sinisiraan lang nila tayo"
"We'll see. Alam mo naman kung ano ang kasunod kapag napatunayan ko na totoo lahat, diba?" pagbabanta muli niya kay Madam Jean.
***
Araw ng Lunes.
Nakaupo at naghihintay si Stephen ng kanyang susunod na klase nang tumabi sa kanya ang bestfriend ni Sky.
"Uy Steph. Kamusta ka na?"
"Ayos lang naman ako... Ano nga ba ulit ang pangalan mo?"
"Sara"
"Ahh" sagot nito "Hindi mo ba kasama si Sky?"
"Hindi eh. Baka mamaya pa siya papasok kasi masama daw ang pakiramdam niya" kita sa mukha ng binata ang lungkot dahil hindi papasok si Sky "Bakit mo siya hinahanap Steph?"
"Ahmmm. Sara?? Pwede bang humingi ng pabor?"
"Sure. Ano yon?"
"Pwede ka bang mag set-up ng date sa amin ng kaibigan mo?"
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Teen FictionAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...