Describe Tanga? Tingin ko, ako 'yun? Oh sige, Tanggalin na natin yung question mark. Aaminin kona tanga talaga ako. --___--
***
Ilang buwan na ang lumipas, eto parin ako nag papaka-tanga, umaasa padin na kahit alam kong wala na. Para parin akong Globe go lang ng go, kahit nasasaktan na ako, kahit nahihirapan na ako. Wala eh. MAHAL KO PARIN. Handa parin ako mag paka-martir at mag paka-tanga sayo.
Ilang buwan na lumipas, pero eto ako naiwang mag-isa. Iniwan mo sa mga pangakong hanggang salita lang naman. Kaya simula nung 'di mo tinupad yun 'di na ako nakikinig sa mga pangako ng mga taong nasa paligid ko.
Nasasabi ko nalang, "Don't promise, Just do it. Because promises are meant to be broken." pero may kumontra sa sinabi ko dyan. "Depende sa tao 'yan." sabi niya. Siguro tama nga siya, depende sa tao 'yan.
Ilang buwan na, pero eto uli ako umaasa sa mga pangako mo. Minsan nga may nag tanong sakin eh. "Di ka ba napapagod?" tumahimik ako no'n napaisip ako. Oo nga naman, ba't parang 'di ako napapagod sa pag hahabol sa kaniya? Ba't 'di ako napapagod umasa sakaniya? Ba't 'di ako mapagod-pagod na mahalin ang tulad niya? Nagulat ako nang may maisagot ako.
"Hindi, kasi Mahal ko eh." Di ko alam kung bakit ganon? Ayaw na ayaw sumuko ng puso ko.
Dahil sa sagot ko no'n nakatanggap ako ng batok sa Bestfriend ko. "Tanga nga!"
Sa ilang buwan na nag daan nagising ako, na wala nang nararamdaman sayo. Ang saya sa pakiramdam. Ang saya na 'di na ako aasa sa pangako mo. Ang saya na di na kita mahal. Ang saya na nagising ako sa katotohanan na kahit kailan ay hindi mo talaga ako kayang mahalin.
Ang saya-saya ko sa nag daang araw, yung kahit makita kita wal na. Wala nang epekto sakin. Di na kita gaano na-iisip. Onti-onti kang nakakalimutan.
Ilang araw or Linggo na ata ang lumipas, pero bakit iba na naman ang nararamdaman ko. Akala ko ba okay na? Akala ko ba wala na? Akala ko ba tapos na? Akala ko ba 'di na ako aasa? Akala ko ba 'di ko na siya mahal?
Akala ko lang pala yun.
Pianaramdam lang sakin kung paano sumaya ng nakalimutan kana!
Nakaka-asar! Nakaka-asar na pinag-lalaruan tayo ng tadhana!!!
Gusto ko nang sumuko eh! Pero bakit ganoon?
Ang sakit na kasi. :'(
Natapos yung Linggong 'yon, na ang sakit na naman sa pakiramdam na hanggang ngayon 'di parin ako maka-alis sa naranramdam ko sakinya. Di parin ako Maka move-on! Gusto na sumuko ng utak ko, 'di ko alam sa pesteng puso ko 'di marunong sumuko! Ang bigat-bigat na sa pakirandam.
"I want to give up. Pero ayaw ng puso ko. :'("
Ilang Linggo pa ang lumipas mas lalo ko siyang minahal, mas lalo akong umasa. Di ko alam kung bakit? Basta ang alam ko "I love him so much."
BINABASA MO ANG
Describe Tanga (OneShot)
Teen FictionDescribe Tanga? Tingin ko ako yun? Oh sige, tanggalin na natin yung question mark. Aaminin kona TANGA talaga ako.