Kaibigan

17 2 6
                                    

Nakakatawang isipin
Oo at pinili kong wag kang pansinin
Ngunit sa loob loob ko'y gusto mong hagilapin
Ngunit sumunod ka sa takbong gustong tahakin

Nangangahulugan lamang na hindi mahalaga
Isang taong gaya ko sinta
Oo at alam ko na noong una pa
Ngunit hindi ko inaasahan na gagawin mo pala

Masisira ata ang pangako sa sarili
Ang di pagkagusto sa aking kakaibiganin
Ngunit ngayo'y umiiba ang ihip ng hangin
Ikaw ang patunay kaibigan kong matalik

Noo'y binubuyo ngunit wala talagang maramdaman
Kundi isang nakakatandang kapatid lang
Subalit ang oras na dumaan
Nadala na sa buyo ng kaibigan

Hindi intensyon na ako'y maguluhan
Kung ano ka ba para sa aking katauhan
Naguguluhan at nalilito na ng tuluyan
Ano ba itong aking nararamdaman

Kung susumahin ika'y perpekto
Kumpara sa tulad kong ordinaryo
Lahat sayo'y nagkakagusto
Maaring makuha ano mang isumamo

Kaya habang maaga pa
kailangan ng itigil
Itong nararamdamang
Tinatawag na pag ibig

Ang paglayo ko
Ito ang simula
At masasanay na lang
Na ika'y wala

Naniniwala ako
Ito ay dapat
Dahil may iniirog
Ang puso mo binata

Di makatingin
Sa iyong mata
Dahil pagnagkagayo'y
Bubuhos ang luha

Wala ako sa posisyon
Upang masaktan
Dahil ano ba tayo?
Simpleng magkaibigan

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon