JAYZEN
It's Thursday. Exam pang namin ngayon so maaga ang dismissal pero hindi pa pweding umuwi pagkatapos mag test.
TEST
TEST
DISMISSAL
~Lunch~
After ng lunch, kahit wala na kaming exam para sa araw na to ay bawal pa raw umuwi dahil required ang lahat na mag-review para sa exam bukas. Ito kasi talaga yung subject na tinututukan sa school na ito. 12 to 1 pm ang lunch namin and afterwards merong 2 hours para sa pagrereview. Para daw walang reason para bumagsak bukas.
Naka-upo na kami ngayon sa mga chairs sa canteen habang may burger and fries sa harap ko. May hinihintay pa kasi ako. Ah, wala pala.
Nahagip ng mata ko ang mga tingin niya sakin habang papunta siya sa pwesto namin. Kumaway siya at tumawa ng makalapit sakin at umupo sa tabi ko.
"HELLO JAYZEN! HELLO ICO! HELLO KHIN!" Masiglang bati niya habang abot tenga ang ngiti. Hindi pa kami nakakabati sa kanya ay napunta naman ang paningin ko sa mga kaibigan niya na papunta palang at kapatid.
Nauna siya?
Nagmadali ba siya?
Excited ba siya?
Errr
Tinignan ko ulit siya at nakitang kumakain na.
"Hey Lizzy! That's mine" sabay bawi ko sa mga fries ko. Favorite niya to alam ko. Sumimangot siya.
"Yiiihhhh, konti lang naman eh" nag-pout pa.
"Konti? Tss. Kinuha mo lahat eh." Masungit na sabi ko.
"Ehh, HAHAHAHAHAH!" Nagulat ako ng tumawa siya bigla. Parang di babae kung tumawa.
"What?"
"Eh kasi naman parang bata ka, ayaw mamigay ng fries HAHAHAHAHAH"
"Heh! Dun ka nga sa mga kaibigan mo!"sigaw ko sakanya ng patuloy siyang kumakain ng fries ko. Hinayaan ko nalang favorite niya naman eh atsaka........ di ako mahilig sa fries, ewan ko ba ba't bumili pako.
"Kaibigan naman kita eh." Seryoso siya.
"Kailan pa? At ayaw kita dito no!" Sigaw ko ulit sakanya at ngumisi.
"Hoy hoy tigilan niyo na nga yan!" Natatawang pigil samin ni Ico. Si Khin naman seryoso lang habang pinapanood kami.
"Ayaw moko? Gusto kita eh." Ngumisi rin siya.
"H-ha?? Gusto moko?! Psh alam kong gwapo ako pero di kita papatulan no!"
"Anong pinagsasabi mo dyan?! Wala naman akong simabing gusto kita ah. Assuming WAHAHHAHA" humalakhak siya pati na rin ang mga kaibigan niya at sina Ico.
"Sus. Deny pa." Ngumisi ako.
"Tch! Kapal mo talaga wahahahah!"

BINABASA MO ANG
Musically In Love (COMPLETED)
Teen FictionLIZZY ALIZUMA. Pangit. Super Hirap. Tahimik. Maitim. Mangmang. Walang talent. MATAPANG "DAW"! Yan ang mga katangiang wala sa kanya, kaya huwag na ninyong hanapin dahil mapapagod lang kayo. Mahina man siya sa pag-ibig sa inyong paningin, sa mga des...