Sincerely, miss rebound.

71 5 2
                                    

Nagmahal lang ako.

Oo, nagmahal ako.

Pero mali.

Anong mali?

Mali kasi minahal ko yung taong pagmamay-ari na ng iba.

Pero mali parin bang titignan kung sa akin siya masaya at hindi sa nobya niya? Na ako ang nagpapangiti at nagpapatawa sa kanya? Na ako ang mas nakakaintindi sa kanya? Na ako ang umuunawa sa kanya? Na mas alam ko ang gusto at ayaw niya? Mali pa rin ba kung mas mahal ko sya?

Oo. May nobya sya. At dalawang taon na silang nagmamahalan nang sumulpot ako sa eksena. Hindi ko naman ginustong pumapel. Nagkausap kami at doon ko nalamang hindi na sya masaya sa relasyon nila. Dahil nasasakal na siya. Na hindi nya lang kayang iwan ang babaeng iyon dahil ayaw niyang nakikita itong umiiyak sa tuwing nakikipag hiwalay siya. At doon ko pinagpasyahan na maki-epal sa nananahimik nilang relasyon.

Mali parin ba ang ginawa kong pagpepresenta na pasayahin siya? Na maging nobya din nya? Na maging pangalawa, kahit alam ko namang may una na?

Mali parin ba na pasayahin ko ang lalaking gusto ko?

Mali parin ba ang nais ko na imungkahi sa kanya na hiwalayan na niya ang nobya nya dahil hindi na pagmamahal iyong nararamdaman niya kundi purong awa na lang? Na walang madaling paraan upang kumalas sa isang relasyon na hindi ka naman masaya? Na kahit anong gawin mo, masasaktan at masasaktan parin ang isa? Na may luhang babagsak kahit anong gawin mo? Na may pusong magdadalamhati kahit sabihin mo na 'ayaw ko na' sa pinaka magandang paraan? Na kailangan mo nang itigil ang relasyon niyo dahil habang tumatagal, mas lalo mo lang masasaktan ang babaeng iyon? Na habang pinapatagal mo, mas lalong madadagdagan ang sakit na ibinibigay mo sa babaeng iyon? Mali ba?

Epal parin ba akong maituturing kung gusto kong makawala ang nobya ng taong mahal ko sa relasyon nila na hindi mo alam kung pwede bang tawaging relasyon? Bakit? Ikaw, relasyon pa bang maituturing kung ang isa ay todo kapit, at ang isa ay bumibitiw ng pilit? Na sa tuwing sila ay nag-aaway, sex lang ang nagiging paraan para sila ay magkabati? Relasyon pa ba iyong maituturing? Epal parin ba ako?

Mali parin ba ako kung tinapos ko na ang meron sa amin ng taong mahal ko at hayaang ipagpatuloy ang relasyon nila?

Mali ba ako kung nagmalasakit lang ako?

Mali ba ako kahit nagmahal lang ako..... ng taong may mahal na iba?

Sincerely, miss rebound.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sincerely, miss rebound.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon