#Fear 9: The First Incident
✙ Xenzel's POV ✙
"Xen, patingin nga nung lyrics na ginawa mo." Sabi ni Zypher sabay kalabit sa braso ko.
"Ayoko nga." Sagot ko sabay tiklop ng papel na sinulatan ko ng lyrics.
"Sige na. Ibabalik ko naman agad." Nginitian pa niya'ko tapos inagaw niya yung papel.
"Zypher! Anuba! Akin na nga yan!" Ambilis naman niyang nakuha yun!
"How could I know—" Oh my God binabasa niya!
"Uyyy! Akin na nga yan sabi!" Nakakahiya!
Itinaas niya yung kamay niyang nakahawak sa papel at ginamit naman niya yung isa niyang kamay para pigilan akong abutin yun.
"How I really feel—"
"Zypher! Isa!"
Nakangiti niya'kong nilingon.
"Love song ba 'to? Para kanino?"
"Para sa EX ko! Bakit ba!" Inis kong singhal sabay tayo tapos inagaw ko na yung papel sa kanya.
"EX?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Sino naman yun? Taga-saan? Dito rin ba nag-aaral?"
Kinabahan ako sa inaasta niya. Ang seryoso kasi niya bigla. Para bang serial killer.
Minsan nga nag-aalangan na'ko kung normal ba talaga ang pag-iisip nitong taong 'to. Kapag MWF kasi ang sigla niya at ang kulit. Kapag TTh naman hindi siya ngumingiti kahit isang beses. Tapos ang ikli ng mga sinasabi niya.
Mas gusto ko nga siya kapag TTh eh.
"Hindi. Taga-ibang school. Tsaka wala ka na dun." Inirapan ko siya.
"Mahal mo pa siya?"
Napahinto ako sa tanong niya.
Yung ex kong yun? Yung gago kong ex?
"Swerte niya kung mamahalin ko pa siya matapos niya'kong gaguhin." Bulong ko sabay buntong-hininga.
"Niloko ka niya? Two-time?"
Narinig pa niya yung bulong ko? Grabe!
"Pwede ba 'wag kang chismoso diyan." Pinapaalala mo pa sa'kin eh.
"Guys!!!" Napalingon kaming lahat sa biglang sigaw ni Celine. Kakapasok lang niya sa room namin.
"Oh Celine. Bakit?" Nagtatakang tanong ni Zypher sa kanya.
"S-Something bad happened!"
Awtomatikong tumayo at naglakad palabas si Zypher. Wala siyang sinabi na kahit ano.
"Susundan ko lang siya." Paalam ni Ree sabay sunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romantizm"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...