//medyo boring pero sana pagtyagaan nyo pa rin 😙
Chapter 33
"It's almost time." Pagkausap ko sa sarili ko at humugot ng malalim na hangin. Malapit na matapos ang lunch time at kailangan ko nang bumalik sa room. Tsk.
Buti nalang at hindi namin kaklase iyong tatlong gunggong dahil kapag nagkataon, hindi talaga ako aattend ng klase dahil sa sobrang kahihiyan.
Sino ba naman ang hindi mahihiya kung marinig kayo ng boyfriend mo ng ibang tao na nagmamake-out? Di ba mapapahiya naman kahit sino?
Namula naman ako sa naisip ko. I'm so stupid. Bakit ko nga ba ginamit 'yung term na boyfriend eh hindi naman kami mag-boyfriend ni Michael?
Pero ano na nga bang stado ng relasyon namin ngayon? Sure, we've already did 'that' for a few times pero wala pa namang sinasabi si Michael kung mag-ano na ba talaga kami ngayon? Ayoko namang mag-assume dahil baka mamaya mapahiya lang ako or worst, baka magalit sya ulit.
"I'd better go." Muling pagkausap ko pa sa sarili ko at akmang aalis na dito sa rooftop nang biglang may pumasok.
"Carlo." Gulat na sabi ni Dark at tila nagulat na nandito ako. Di ko rin naman inaasahan na pupunta sya dito kaya ganun din ang reaksyon ko.
Saglit lang kaming natigilan at bigla napangiti nalang sa isa't-isa - tila nasisiyahan sa itsura naming dalawa. Napansin ko naman ang saglit na pagtitig sa mukha ko at agad nag-iwas ng tingin sa hindi malamang dahilan.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti sya sa akin ngunit nakakapagtaka na medyo matamlay iyon. "Ayos ka lang ba?"
"I'm fine." Sabi nya at humugot ng sariwang hangin. "And I'm here kasi nararamdaman ko na nandito ka." Dagdag pa nya at tumingin sa'kin.
Pagkakataon ko namang ngayon na matigilan at umiwas ng tingin dahil sa sinabi nya. Tumawa pa ako ng pilit dahil sa sobrang pagkailang. "W-Wow, may superpowers ka pala?" Biro ko pa para burahin ang ilangang sa pagitan namin dalawa.
"No. It's the power of love." Tila pagsakay pa nya sa biro ko ngunit hindi ko magawang tumawa. Puno kasi ng senseridad ang boses nya habang sinasabi ang salitang iyon. Wala sa sarili naman akong napatingin sa kanya at may nakitang sakit na emosyon sa mata nya.
"Dark, tell me. What's wrong?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Hindi ako sanay na umaakto sya ng ganito. Binibiro nya ba ako?
"I'm sorry." Sabi nya dahilan naman para makaramdam ako ng kaba. Ano daw? Sorry? Pero para saan? May ginawa ba syang kasalanan sa akin ng hindi ko nalalaman?
"F-For what?" Tanong ko pa habang diretsyo syang tinitingnan sa mata nya para hindi sya makapag sinungaling sa'kin. Gusto kong malaman ang totoong dahilan kung bakit sya nagkakaganito.
"You're genuinely smiling now." Sabi nya bilang pag-uumpisa. Napahawak naman ako sa labi ko sa di malamang dahilan. "You're finally smiling yet I can't be happy for you." Pagtutuloy pa nya.
Naguguluhan ako sa sinabi nya, "I don't understand." Sambit ko pa habang nakakunot ang noo ko. "I am always smiling, right? Kasi lagi kang nandayan para patawanin ako."
Tama. Sa mga araw na nasasaktan at umiiyak ako noong hindi pa maayos ang lahat sa pagitan namin ni Michael, palagi syang nandyan para patahanin at patawanin ako. Palagi syang nandyan para pagaanin ang problema ko at ang dalahin ko. Kaya anong sinasabi nya?
Umiling sya sa tinuran ko. "I've been always watching you, Carlo. You might not noticed but I always did. Your smile before, it's like you've been forcing yourself to show one. You're always pretending that you're okay cause you don't want to burden anyone." Sabi nya na para bang alam na alam nya ang mga iniisip ko.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...