~ DUSTIN ~
Madilim. Mausok. Masakit. Ganito ang kalagayan ko dito sa hindi-ko-alam-kung-saan na lugar. Nahihirapan akong idilat ang aking mga mata, may masakit sa pisngi ko, at parang nakatali ang braso ko. Naramdaman ko nalang na may kamay na hinahawakan ang polo ko. Yung kamay na... May manicure na itim. At dahan dahan nitong hinawakan ang butones ng polo ko at... At... Binuksan pa-isa isa.
"Teka! Anong ginagawa mo sa'kin!?" sigaw ko sa kanya. At dun nabuksan ko na ang aking mga mata. Nakita ko ang isang babae, siya yung isa sa mga dumakip sa'kin. "Shhh! Huwag kang maingay, tulog si kuya." sabi niya. "May itsura ka pala." dagdag niya. "Hoy, kung balak niyo akong patayin, gawin niyo na!" sigaw ko. "Ewan ko ba kay kuya kung ano ang gagawin sayo." sabi ng babae. "Nga pala, I'm.." sabi niya kaso naputol nong may sumigaw na, "Yvonne! Anong ginagawa mo diyan." Boses yun ni Ivan. Agad binalik ni Yvonne yung pagkasara ng polo ko.
"Wala kuya. Chinicheck ko lang kung may sugat siya sa ibang bahagi ng katawan." sabi ng babae. "Ano ba paki-alam mo kung sugatan siya!?" tanong ni Ivan. "Pabayaan mo siya diyan." dagdag niya. At sumang-ayon si Yvonne.
Naging mas malinaw sa'kin kung nasan ako - isang malaking parang-storage room at sa gitna ng dalawang poste nito, nakatali ang mga braso ko ng lubid. Ang isa sa kanan ko, at ang isa sa kaliwa. At ang masaklap pa, nakatayo lang ako. Sa kahinaan ko, gusto kong tumumba kaso, lalo lang mahihila ang mga braso ko kaya nangangalay na ang mga binti ko.
"Rise and shine, Dustin!" bati ni Ivan. "Rise and shine mo yang mukha mo! Nasan ba tayo? Saan mo ako dinala!? Bat di mo pa ako patayin!?" pasigaw kong tanong. "Simple lang, dahil ayoko. Hindi naman talaga ikaw yung pakay ko dun eh." sagot niya. Huh? "Eh, sino?" tanong ko. "Yung kaibigan mo." sagot naman niya. "Hoy anong plano mo kay Nica!?" tanong ko ulit. "Sino nagsabi sayong yang Nica ang pakay ko?" sagot niya. "Kung di siya, sino yung pakay mong patayin?" tanong ko. "None of your business Mr. Rodriguez... At sinong may sabi sayong may gusto akong patayin? Sadya lang talagang na boringan ako kagabi kaya pinatay ko yung chix na naka orange." sabi ni Ivan. "Bye bye for now, may aasikasuhin pa akong mas importante sa'yo." dagdag niya.
Huh? Kung di ako yung pakay niya at di rin si Nica at di rin yung naka orange, eh di sino?
"Halika, papakawalan muna kita saglit." rinig kong sabi ng babae habang naglalakad palapit sa'kin. Ang ingay ng heels niya. "Heto, may dala akong Chicken ni Joy tsaka bandage din." dagdag niya habang tinatanggal ang tali ko. "Pasensya ka na, di kita pwede pakawalan, the only thing I could do is iadjust tong mga lubid para di masyadong masikip... At para maka-upo ka naman." dagdag ulit niya. "Eto oh, chair. Umupo ka muna." aya niya tas ngumiti. "Salamat ha. Pero bakit mo ako tinutulungan?" tanong ko. "Ewan, kawawa ka kasi. Malay ko kay kuya kung ano ang plano niya sayo." sagot niya. "Nga pala, to formally introduce myself, I'm Yvonne, half sister ni Ivan. Napasama lang ako sa kanya dahil tumawag siya na may gagawin kaming masaya at exciting... Kaso krimen pala." dagdag niya.
"Alam mo bang mamamatay tao yung kuya mo?" tanong ko kay Yvonne. "Oo, kaso I don't want to know why. Natatakot ako sa kanya. Kung pwede nga lang eh kanina pa ako umalis dito, pero naawa ako sa kalagayan mo. Sorry ha, I can't let you out." sagot niya.
Kumain nalang ako at as expected, binalik niya ako sa dati kong pwesto. "Good night Dustin." sabi niya tas hinalikan ang pisngi ko, di man lang ako nakapalag dahil hawak niya yung mukha ko.
At yun nga, umalis na ang napakaseksing kapatid ni Ivan. At ako? Nag-aalala pa rin kay Nica baka kasi siya ang susunod na titirahin. Hay buhay, hindi ko inasahang ganito pala magtatapos ang araw na ito. Good night nalang, pano kaya ako matutulog ng nakatayo?
Sana man lang natapos yung pag-upload.
BINABASA MO ANG
Kriminal Pala Ang Crush Ko
HumorPaano kung isang gabi, habang ika'y nag-iisa sa silid, ay may napansin kang ingay sa bubong ng bahay niyo at sa pagtingin mo, si crush ang nakita mo pero... Nagnanakaw? Meet Nicatrix - isang babaeng overly attached sa kanyang crush na hindi naman si...