The heart of Merciphora

1.2K 77 35
                                    

Apat na buwan na ang nakalilipas nang pumanaw ang pinakamatandang dragon sa mundo ng Serin na si Merciphora. Nakuha ng pinakamalakas na pinuno ng mga mandirigma na si Reed Clock Landicart ang puso nito na pinaniniwalaang nakapagbibigay ng imortalidad sa kung sinuman ang kumain nito.

Nang marinig ito ng Hari ng bansang Indramur ay agad niyang ipinatawag si Reed at hiningi rito ang puso ni Merciphora. Sa kasamaang palad, bago pa man niya ito maibigay sa Hari ay ninakaw na ito ni Landris Montrill: ang tumatayong pinuno ng mga bandido na kung tawagin ay Doryan.

South East Serin

Marino Dessert

Nagkalat ang mga Maridin sa paligid. Isang uri ng elepante na may mahabang katawan at may taas na tatlumpung talampakan na karaniwang nakikita sa disyerto ng Marino. Mabangis ang mga ito kaya hindi maaaring basta na lang lapitan.

Gamit ang itim na tela, tinakpan ni Reed ang kalahati ng kanyang mukha para hindi pumasok sa ilong niya ang alikabok na tinatangay ng malakas na hangin. Itinali rin niya ang kanyang mahabang itim na buhok at humanda sa pagsugod.

"Landris Montrill." Mula sa kinatatayuan ay natatanaw ni Reed ang lalaking may puting buhok. Nakatayo ito sa kalagitnaan ng grupo ng mga Maridin at walang kaalam-alam na naroon siya at nagbabantay.

Kahit anong mangyari kailangan niyang makuha ang puso ni Merciphora!

Lumundag nang mataas si Reed at mabilis na tinungo ang lugar kung nasaan si Landris. Nagpatalon-talon siya sa likod ng mga Maridin at dahil sa kanyang ginawa ay nagulat at nagwala ang mga ito.

Naalerto naman si Landris sa paparating. Inilabas niya ang armas na scythe at humanda para harapin ang kalaban. Isang Maridin ang nagwawalang tumakbo papunta kay Landris, sa likod nito ay nakasakay ang isang pamilyar na lalaki.

Si Reed Clock!

"Panthemeon Seize!" malakas na sigaw ni Landris. Mula sa kinatatayuan niya ay pumalibot ang isang matibay na barrier. Napigilan nito ang Maridin pero hindi si Reed na tumalon paitaas, bumuwelo at isinaksak ang mahabang black metal spear sa barrier.

Mula sa tuktok ay nagkaroon ng crack ang barrier hanggang sa tuluyan nang nabasag.

Tch! Hindi 'to pwede! Mas malakas siya sa'kin!

Lumundag si Landris palayo, kasunod no'n ay iwinasiwas niya ang kanyang scythe. Naglabas ito ng matatalas na hangin na mabilis tumira papunta kay Reed.

"Third transformation albino!" nahati sa dalawa ang black metal spear ni Reed at magkasunod niyang sinalag ang hangin, tapos nito ay ipinadyak niya ang kanang paa sa lupa. Lumutang ang buhangin sa kanyang harapan at mula rito ay agad na bumuo iyon ng isang dosenang malalaking spear. "Rain!"

Pagkasabi no'n ay bumaling ang lahat ng spear kay Landris at sabay-sabay bumulusok sa gawi nito. Umikot si Landris at nag ala ipu-ipo para protektahan ang sarili.

Hindi hahayaan ni Reed na makatira pa si Landris kaya naman dali niya itong sinugod subalit mabilis din nitong nasalag ang spear niya. Doon na sila nagpalitan ng tira. Bawat pagtama ng armas sa isa't-isa ay lumilikha ng isang napakalakas na pwersa at pinalilipad nito ang buhangin sa paligid nila. Kung titingnan ay tila sila naglalaban sa loob ng isang bagyo ng buhangin.

"Ibalik mo ang puso ni Merciphora!" sigaw ni Reed sa kalaban habang panay ang pagsalag sa mga tira nito.

"Hindi ko ibabalik ang bagay na matagal kong pinaghirapang makuha!" nakailag si Landris sa spear ni Reed ngunit hindi niya inaasahan ang tadyak nito mula sa kanan. "Gah!"

Napaluhod si Landris. Mabilis ang naging sunod na pangyayari. Itinaas ni Reed ang black spear at itinarak sa kaliwang balikat ni Landris.

"Ibalik mo ang puso kung hindi mamamatay ka rito," nagbabantang turan niya.

Umiyak sa sakit si Landris at pinilit makaalis subalit tinapakan ni Reed ang kalaban kaya napahiga ito. "H-Hindi ko ibabalik... ito na lang ang tanging pag-asa ko para hindi tuluyang mawala ang dugo ng mga Buruman."

Kumunot ang noo ni Reed sa narinig. Ang mga Buruman ay isang tribu na pinaniniwalaang unang nagmay-ari sa lupain ng Indramur. Subalit dahil sa pananakop, nakuha sa mga ito ang lupain. Sa pagkakaalam ni Reed wala ng natitira sa mga Buruman.

"H-Haha! Nagamit ko na ang lahat ng natitira kong lakas Reed Clock at hindi na rin tatagal pa ang katawan at buhay na ito. Ang tanging nais ko lang naman ay maibigay sa nag-iisa kong anak ang puso ni Merciphora para kahit isa lang sa Buruman ay mabuhay habang buhay. Sa loob ng maraming taon sinubukan namin kunin ang lupain pero pinatay nilang lahat ang mga ka tribu ko! Wala akong balak maghiganti..." pumatak sa mata nito ang mga luha ng pinaghalo-halong emosyon. "Ayoko lang mawala ang pagkakakilanlan ng aming tribu na siyang tunay na nagmamay-ari sa Indramur... subalit mukhang kahit ang pangarap na ito... malayong matupad."

Unti-unting naging buhangin ang katawan ni Landris at matapos ang ilang sandali ay tuluyan na itong nawala at tinangay ng hangin.

Indramur Kingdom

Papalubog na ang araw at halos magkulay kahel na ang palace court. Matapos ang misyon ay nagtungo si Reed Clock sa Hari ng Indramur para ipagbigay alam dito ang mga nangyari. Kahit na napatay niya si Landris ay walang tuwa na mababanaag sa mukha ng Hari. Madilim ang namumutlang mukha nito na kakikitaan ng galit.

"Anong sinabi mo?" tanong ng Hari.

"Tulad nang narinig niyo kamahalan, nagtagumpay akong patayin si Landris Montrill subalit sa kasamaang palad, bigo akong makuha ang puso ni Merciphora."

"Hangal! Walang kwentang nilalang! Lumayas ka sa harapan ko!"

Nagwala ang Hari dahil sa matinding galit. Sanhi nito, pinalayas niya ang lahat ng mandirigma at hindi na kailanman pinahintulutang makakatungtong sa Indramur.

"Ibinigay mo ang puso sa anak ni Landris." Hindi ito isang tanong kundi isang kumpirmasyon.

"Iyon na ang kabayaran ng Indramur sa mga Buruman." Sagot niya sa kanang kamay at kaibigang si Fiel.

"Ano na'ng balak mo ngayon?" tanong nito.

"Hindi ako papayag na maliitin pa tayo ng kahit sino." Pahayag niya. "Panahon na para magkaroon ng bagong Emperador ang mundong ito."




NowhereGray

Date published: April, 22 2016

Prompt B

The heart of Merciphora [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon